"Ang taas naman nito, Madi!" Miles whined at her lyric sheet while eating her fries. Sinama ako ni Miles sa isang fast food resto katapat ng school to discuss their pair jams. Pinapasok naman kami ng guard dahil Averleigh is with us. At least, she is a near-adult. Apat kami na andito ngayon, Miles, Averleigh, Madi, and I.
I don't know if I'm okay to know their song, parang hindi naman dapat ako naka-upo rito ngayon. Wala naman na akong ibang gagawin kaya naman pumayag na lang akong sumama.
"Okay lang 'yan, reklamo ka pa gusto mo rin naman." Miles chuckled at what Madi said. Sila 'yung nag-trio sa pair jams dahil ang nabunot ko ay si Cyrus.
Pinagu-usapan lang nila kung paano sila kakanta at magpa-practice. Hindi naman kasi pwedeng dalhin 'yung gitara rito sa mall, nakakahiya.
"So okay na tayo ha, I will message you both." Miles and Madi nodded, approving of what Averleigh said.
"Ikaw Eli? 'Musta 'yung pakikisama sa'yo ni Cyrus? I'm sure pahirapan 'yan but you'll get used to it." Napatingin ako sa sinabi ni Averleigh sa akin. I bit my lower lip. Nakatingin lahat sila sa akin, waiting for my response. Bakit pahirapan? Noong nag-practice naman kami, may time na nagbibiro siya but he's more serious afterward. Sabagay, kung iisipin ko, nakakainis naman talaga. Napakapilosopo.
"Pilosopo...Pero okay naman siya minsan kausap. We easily talk. He even knew my-" Tumigil ako sa pagsasalita dahil hindi ko alam kung sasabihin ko na nalaman niya 'yung account ko. Miles furrowed her brows. "My house! Yes, my house...Kasi noong nag-practice kami, alam na alam niya na puntahan!" I immediately sipped my drink after saying that. Nag-init 'ung mukha ko sa tingin ni Miles.
Hindi naman kasinungalingan 'yung sinabi ko. Totoo naman na alam niya puntahan 'yung bahay namin.
Tumango lang si Madi at kinausap na si Averleigh tungkol sa kanta nila. I sighed in relief. Nakaka-pressure pag-usapan si Cyrus.
Well, that's what I thought. Akala ko makakaligtas na ako sa usapang ganoon when I faced my left, I saw Miles looking at me with those judgy eyes. She looked at me suspiciously while eating her burger. May naiwan pang Mayonaise sa labi niya. I tried to point it out but she removed my finger and shook her head.
"House ba talaga..." She said in a teasing manner. Anong alam niya? May alam ba siya about that? Inayos ko na lang 'yung upo ko at sinubukang ibahin 'yung topic. Buti na lang masyadong busy si Madi at Averleigh mag-usap at hindi na napansin 'yung sinabi ni Miles. It will probably open another topic about him.
After a few chats, sabay na kami ni Miles umuwi. Hindi na sumabay si Averleigh at Madi, may dadaanan pa raw sa school. Naglakad na kami ni Miles papunta sa may sakayan, habang bitbit ko 'yung tinake-out ko for my brothers.
BINABASA MO ANG
If Love Forbids
أدب المراهقينEliana Janelle Zamora, the journalist from University of the Philippines is a girl with an indomitable spirit, epitome of bravery and wisdom, intertwines with the Campus player of University of Santo Thomas, Cyrus Miguel Mejia, a concise and affable...