"So alam n'yong lahat 'to, kuya?!" I am lost for words. Hindi sapat 'yung mga salita para ma-ipaliwanag 'yung sakit na nalaman ko. Nakatayo ako malapit sa pintuan dahil sinalubong ako ng usapan nilang lahat. Kakarating ko lang ng bahay, and this is what's waiting for me.
Confession from them.
"Alam n'yong...alam n'yong sa susunod na Linggo na 'yung alis ni Mama, hindi niyo pa sinabi? And you also Daddy, I thought may magsasabi na sa akin, that's why you are all acting weird." They are all silent. Bilang isang anak, kailangan ko ring malaman 'yung totoo. Tatanggapin ko naman, I am not against leaving for a job. Malaki rin naman na ako to understand some things.
"We are just protecting you, Eli-"
"Kuya for what? Mas lalo niyo lang akong pinakaba, noong naga-away kayo nila kuya Elijah, you kept that from me!" I tried not to cry. I can't stand my brothers fighting over some stupid reason. I saw Mama placing her hands at her face, disappointed.
Naabutan ko silang nagu-usap sa sala when I got home. Sabay kami ni Miles umuwi. I never knew I had to face this the soonest. Akala ko magiging madali ito. Madaling tanggapin na aalis si Mama but it is hard to accept that they kept it from me, lalo na next week 'yung alis niya.
"You should have told me earlier!" A tear starts to form in my right eye. Tumingala ako para hindi ito tumulo. Pinipigilan kong umiyak.
"Eliana, hindi kasi namin alam kung paano sabihin sa'yo. Alam namin na alam mo na, naghihintay lang kami. Natatakot kaming sabihin nila Mama sa'yo kasi kapag umalis na siya, sinong matitirang babae rito sa bahay? Ikaw ang bunso! Pucha, hindi ka namin pwedeng pabayaan na lang bilang mga kuya mo! Sana maintindihan mo naman!" I let kuya Elijah explain his side. May point siya but it doesn't mean na hindi ko iyon dapat malaman.
I looked at kuya Elliott, his face looking at the ceiling with his arms crossed in front of his chest.
All my life, andyan si Mama para sa akin. Sa amin. Mas close kami ni Mama kaysa kay Daddy dahil laging nasa bahay si Mama. Siya rin ang nagluluto ng mga pagkain ko sa school. Si Mama 'yung uma-attend ng mga PTA meetings and events ko sa school at hindi si Daddy dahil lagi siyang busy sa pagtuturo at kila kuya. Paano na lang kung wala siya rito?
Tatanggapin ko dahil wala akong choice. Hindi ko pwedeng pigilan kung ito 'yung gusto ni Mama kahit pa may maayos na trabaho si Daddy. Malaki rin naman na ako kaya kaya ko na ang sarili ko. Andyan naman sila kuya kung wala si Daddy. Ang big deal lang sa'kin ngayon, ay 'yung hindi nila pagsabi ng maaga. I could have spent rest of the days with my family and Mama. Bonding.
Tumango na lang ako sa sinabi ni kuya Elijah. Ayaw ko na magsalita pa dahil nararamdaman kong kakausapin na ako ni Daddy kapag sumagot ako. Ayaw ko na ng away. Maliit na bagay lang naman. Tumayo si Mama sa pagkakaupo niya sa sofa at niyakap ako ng mahigpit. She caressed my hair and whispered something.
BINABASA MO ANG
If Love Forbids
Novela JuvenilEliana Janelle Zamora, the journalist from University of the Philippines is a girl with an indomitable spirit, epitome of bravery and wisdom, intertwines with the Campus player of University of Santo Thomas, Cyrus Miguel Mejia, a concise and affable...