"How about we practice later?" Bulong sa akin ni Cyrus habang nagsusulat ako ng pinapasulat ni Coach. I nodded and smiled at him. He bit his lower lip and flashed a small smile. Lagi naming ginagawa na magpractice after every sessions sa classroom. Mas nakikilala ko siya dahil do'n.
Isang linggo na ang nakalipas nung nalaman ko na nakapasa rin ako sa USTe. Daddy is so happy about it. Kahit ako rin naman masaya.
"Eliana, this is just the start. Malapit ka nang grumaduate ng high school, kaya kailangan mong i-maintain 'yang grades mo." I nodded even though I don't understand why Daddy wants me to enter UST. Kailan ko kaya masasabi na gusto ko sa Prime? I felt a sudden urge to speak about it.
"Gusto ko po sa-" Daddy answered the phone call. Hindi ko nasabi dahil biglang may tumawag sa kaniya. Maybe next time. Soon.
Kausap ko ngayon sila Madi para sa project na pinapagawa sa amin ni Coach. Bubuo raw ng kanta at kami ang magka-pair.
"So ano mamaya na lang? Dyan sa coffee shop?" Madi suggested that we make our song lyrics later. Agad naman akong pumayag sa kaniya dahil wala naman akong gagawin bukod sa practice namin ni Cyrus mamaya. Sasabihan ko na lang siya na hindi ako magtatagal dahil magi-intay si Madi. "Yes, sure!"
"Pwedeng after 30 minutes? I will practice for something Madi, okay lang?" She looked at me suspiciously. "Practice sa gitara o practice sa getting to kno-"
"Madison! Halika na ililibre mo pa ako 'di ba?" Buti na lang tumakbo si Miles sa gawi namin. Wala naman akong isasagot at ide-deny kay Madi.
Coach dismissed us early para raw maka-practice kami nang mabuti. Hinintay muna ni Cyrus na mai-dismiss lahat, bago bumalik sa puwesto niya at kumuha ng gitara. He started strumming and practicing something.
"Uhh, Cyrus?" He stopped playing and looked up at me. "Bukas na lang pwede? Nagi-intay kasi si Madi, para sa ano...sa song. Is it... alright?" He immediately stood up.
"It's fine. Marami pa namang bukas. Hindi tayo mawawalan." He flashed a grin. Sabay kaming umalis ng room at naglakad sa hallway. Nagsisimula nang hindi maging awkward 'yung samahan namin. "See you tomorrow." Sumakay na siya sa kotse nila at kumaway paalis. Mas naging close kami dahil sa mga kaibigan namin.
"So kumusta 'yung practice?" Unang bungad sa akin ni Madi pagkatapos kong umupo. I am sitting on a high chair katabi niya. Para itong milktea shop but more on coffee beverages. Tambayan rin nila Rea at Amber 'to. I saw them one time noong umuwi ako galing session.
"Ayos lang, did you already order something?" I tried to shift the topic. Pero mukhang hindi niya ako titigilan katulad ni Miles.
"Sus, Eli 'wag mong ibahain. Everyone knows! So kumusta? Alam mo Miles said mahirap talaga pakisamahan si Miggy, pero bakit ang dali kapag ikaw? Sana all." Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya o kakabahan. "Anong 'everyone knows', Mads?" I got curious about that.
"Alam namin na naiiwan kayong dalawa sa room kasi nagpa-practice kayo! Yieee!" Pangungutsya niya. I felt my cheeks blush. "Tsaka never naging gano'n ka-friendly si Cyrus, sulitin mo na, joke lang." Saad niya.
"Huy hindi ah, magkapit-bahay kasi kami kaya siguro gano'n , 'wag kang ano dyan parehas kayo ni Miles, mai-issue! Kaya M nagsisimula name niyo eh," I teased her. Panatag na rin ang loob ko kay Madi simula noong nag-usap kami para sa pair jams.
Mabuti na lang at dumating na 'yung in-order niya. Naka-order na pala siya. She gave me a Vanilla Latte. Nasaktuhan dahil iyon 'yung paborito ko.
BINABASA MO ANG
If Love Forbids
Teen FictionEliana Janelle Zamora, the journalist from University of the Philippines is a girl with an indomitable spirit, epitome of bravery and wisdom, intertwines with the Campus player of University of Santo Thomas, Cyrus Miguel Mejia, a concise and affable...