Chapter 7

5 1 0
                                    

"I am so nervous na, Eli! Hey wait, don't forget when hindi alam 'yung answer,"



"Educated guess." Sabay naming binigkas ni Amber habang nakapila sa covered court ng school. Ilang minuto na lang ay papapasukin na kami sa theater room para i-briefing. Sabay kaming nagpasa ni Amber ng form namin kaya sabay rin kami mage-exam. 



I noticed that the school is huge. Hindi lang siya i-ilang buildings. Malawak iyon para sa isang high school. 'Yung mga magta-take lang ng exams 'yung narito ngayon. Medyo marami kami, making me feel nervous about how will I rank here compared to UST. 



Pinapasok na kami sa theater room ng school. Per batch raw ang briefing kaya medyo kaunti lang 'yung nasa loob kahit na malaki 'yung lugar. I wore my cardigan because I felt the cold breeze of the aircon. Magkahawak rin 'yung kamay namin ni Amber pagpasok dahil siksikan 'yung pila sa labas.



"Good afternoon students! We will show you first the schools' pride. Ipapakita namin 'yung buong campus, para malaman niyo rin kung ano 'yung magiging Alma Mater ninyo kung makakapasa kayo! Everyone, I present to you... Prime!" We all clapped after the speaker pointed at the screen and walked out of the podium.



Introduction pa lang ng school, napa-wow na 'yung iba. Maganda naman kasi talaga. Isa-isang ini-introduce 'yung board and faculty, next 'yung facilities.



They have fully-built classrooms, hallways, and even amenities like tambayan ng students at swimming pool. 



"Oh my gosh, totoo nga 'yung sinasabi ni Miles, Eli! They have a whole-class library. Excited na ako makahanap ng friends!" Amber said while her eyes are not taking off the screen. I just chuckled and shook my head.



Isa-isa nang pinakilala 'yung mga student council at ambassadors ng school. 



"And this, this will be your future Alma Mater." I blinked twice to check if tama ba 'yung napapanood ko ngayon. Cyrus is one of their ambassadors? Well, hindi ko sila masisisi. Cyrus is everywhere! When I open my messages, chika ni Miles bubungad. When I go to her house, puro si Cyrus 'yung tinatanong.



He looked studious when he is on his specs. May hawak siyang libro habang sinasabi 'yung line niya. May kasama rin siyang ibang ambassadors sa video.



Natapos na 'yung clip at isa-isa kaming pinapila para pumunta sa room. Bago kami pinalabas, pinaalala muna kung ano 'yung gagawin sa loob ng examination area. Nag-double check na rin ako sa bag ko kung andoon na ba lahat ng kailangan ko para sa exam. Medyo mahaba-haba 'yung oras na gugulin namin para dito dahil puro shade 'yung gagawin.



We entered the classroom. May malaking whiteboard sa harap, mini platform para sa teacher at desks for the students. Malamig rin 'yung classroom kaya naman napayakap ako sa sarili ko, folding my cardigan into a hug.



"You have an hour to ace this test. Extremely no erasures, no cheating. You may now start." Sabay-sabay naming sinimulan sagutan 'yung exam after our proctor said so. Nagulat ako dahil halos kalahati ng mga tanong dito ay parang sa UST rin. Sinagutan ko muna 'yung mga tanong na alam na alam ko na bago ko pagi-isipan 'yung mga hindi.


If Love ForbidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon