Ikalawang Kabanata

170 14 0
                                    

'𝕻𝖆𝖌𝖐𝖎𝖐𝖎𝖙𝖆'

Maging ang mga kabahayan nila ay dinisenyo sa paraang hindi ko lubos maintindihan kung paano ginawa. Napaka-misteryoso ng buong lugar at minsan kong naitanong sa aking sarili kung nasa sarili ko pa ba akong mundo.

Puno ng hiwaga ang bawat sulok nito, naghalo ang mga emosyong nararamdaman ko dulo't ng napakaraming magagandang bagay na nasasaksihan ko ngayon.

Wala akong ediya kung anong tribo ang mga ito. Ngunit higit pa sa lahat ng magagandang bagay na aking nasaksihan sa buhay ang kahiwagaang labis na nararamdaman ko ngayon.

Mukhang mayroon silang munting kasiyahan habang isang malaking tumpok ng nag-aapoy na mga kahoy ang nakasindi sa gitna upang magbigay ng liwanag sa buong paligid. Isang napakahabang mesa na may saping puting tela ang nakatayo sa tabi ng apuyan at sa itaas niyon ay 'tila isang buong piyesta na pagkain ang nakahain.

Mayroon ring magagandang dilag na buong galak na nagsasayaw paikot sa apoy, 'tila napakalambot ng mga telang suot ng mga ito dahil sa panaka-nakang pagsabay niyon sa kanilang bawat galaw.

Puno din ng mga tradisyunal na tugtugin ang aking tenga dahil sa grupo ng mga kalalakihan na nag-mamaniobra ng kani-kanilang mga instrumento. Gayundin ang ilan sa mga ito na malakas na nagtatawanan habang pinagsasaluhan ang masasarap na pagkaing nakahain sa buong lugar.

"Maligayang pagbisita ijo... matagal ka ng nais na makita ng prinsesa ng aming tribo," Isang napakagandang babae ang lumapit sa akin.

Sa katunayan ay lahat ng mga taong narito sa lugar na ito ay nagtataglay ng pambihirang hulma ng mukha, wala 'atang kasuklam-suklam ang itsura sa kanilang lahi.

Hindi pa rin mapawi ang aking pagkatulala sa kasiyahang nagaganap, sa unang pagkakataon ay lumundag ang aking puso sa galak at tuwa dulo't ng mga bagay na nangyayari sa akin.

Nagpatianod lamang ako sa grupo ng magagandang dilag na malamyos na humihila sa akin papasok sa isang magarbong kubo.

Hindi ko lubos maisip kung saan nila kinukuha ang lahat ng ginto at mga palamuting nakasabit at nakalagay sa bawat sulok ng kanilang lugar.

'Tila hindi ako magugutom o malulungkot kung sakaling dito ako titira. Dahil 'tila isang panaginip ang magising sa ganito kagandang lugar bawat umaga.

Tanging mga apoy lamang sa sulo na nakasampay sa magkabilaang parte ng kubo ang pinagmumulan ng liwanag sa buong lugar.

"Maari mo bang hubarin ang iyong sapin sa paa?...." Hindi ko lubos maisip kung sadiya bang nakakaakit ang mga boses ng kababaihan sa lugar na iyon.

Wala sa sarili kong inalis ang aking sapin sa paa bago iyon tuluyang iniapak sa hagdan paakyat sa isang kubo na sa tingin ko ay kinalalagyan ng sinasabi nitong prinsesa o kung sino mang namumuno sa kanilang tribo.

"Maraming salamat ginoo.." Nakangiting ani sa akin ng isa sa mga babaeng nagsisilbi sa akin ng mga oras na iyon, inabot niya ang aking sapin sa paa bago nagpaalam na itatabi niya muna ang mga iyon para sa akin.

Hindi ko inaasahan ang napakagarbong tanawing masasaksihan ko sa loob ng panibagong kuwarto na iyon. Napakalawak at puno ng natatanging yaman at mga ginto ang bawat sulok ng kuwarto.

Ngunit napokus lamang ang aking atensyon sa isang partikular na parte ng kwarto. Di kalayuan sa aking harapan ay nakaupo ang mga babaeng alipin na marahang pinapaypayan ang isang nilalang na naka-upo sa kanyang trono.

Hindi ko maaninagan ang kanyang itsura dulo't ng pulang manipis na tela na nakatakip sa kabuuan ng kanyang ulo, ito na 'ata ang prinsesang sinasabi nila.

Mahomanay | Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon