Ika-apat na Kabanata

132 11 0
                                    


'𝕻𝖚𝖑𝖆𝖓𝖌 𝕭𝖆𝖓𝖉𝖆𝖓𝖆'


"Halma? Halma?!"

"Anak---halma!"

Kaagad akong napabangon dahil sa biglaang pagbara ng labis na hangin sa aking dibdib. Napaubo ako at ginagap ang lahat ng hangin na nawala sa aking dibdib.

"Ina?" Nagtatakhang ani ko. Iniikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng pamilyar na silid ko sa aming kubo. Maging ang kawayang kama na kinahihigaan ko.

Paano ako nakauwi? Naisip ko kung panaginip lamang ba talaga ang lahat?

"Mahabaging bathala! Salamat at gumising ka na, pinag-alala mo kami!" Hindi ko maintindihan ang nangyayari, naramdaman ko na lamang ang mahigpit niyang pagyakap sa akin at ang humahangos na si ama sa pintuan ng silid.

"Ano pong nangyari?" Nang tuluyan na kaming mahimasmasan ay nagawa ko na silang tanungin. Ibinalik ko ang baso ng mainit na tubig na ibinigay nila sa akin.

"Tulala ka habang naglalakad pauwi dito anak, kahit anong pagtawag namin sa iyo ay diretso ka lamang sa iyong paglalakad. Akala ko ay kasunod mo na ang iyong ama ngunit mag-isa ka lang pala na umuwi sa kalagitnaan ng hating gabi. Nag-aalala na ako sayo, mabuti na lamang at nagising ka na ngayon." Labis akong napaisip sa sinabi ni Ina.

Kung ganoon ay nananginip ako ng gising dahil hindi ko maalala na naglakad ako paalis sa misteryosong lugar na iyon. Natatandaan ko lang ay ang paalam sa akin ng aking mapapangasawa.

Lahat ba iyon ay gawa lamang ng malikot kong imahinasyon at kagustuhang makita muli ang babaeng iyon sa aking panaginip.

Ngunit lahat ng iyon ay nawala dahil sa sumunod na sinabi ng aking ina.

"Siya nga pala, saan mo ba nakuha ang pulang tela na hawak mo kanina habang pauwi ka? Mukhang pagmamay-ari ito ng isang mayamang nilalang?" 'Tila sumabog lahat ng emosyon ko dahil sa biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso ng masilayan ko ang napaka pamilyar na pulang bandana na iyon.

Kung ganoon ay hindi ako nananaginip. Hindi ko alam kung kung bakit nakaramdam ako ng ginhawa at pagka banayad dahil hindi ako nananaginip sa pagkakataong ito. Unti-unting nabalot ng ngiti ang aking mukha ng tuluyan ko ulit iyong mahawakan.

Sa susunod na kabilugan ng buwan... magkakasama na din tayo Irog ko,

Napapitlag ako ng kusa kong nadinig ang kanyang malamyos na boses sa aking tenga.

Napapikit ako at muling ipinikit ang aking mata upang alalaahanin ang mga oras na nakasama ko siyang muli.

Matagal ng usap-usapan sa bawat tribo ang misteryosong kagubatan na pinapasok ng mga katribo nila at hindi na muling nakikita pang bumabalik.

Sa kasamaang palad ang gubat na iyon ay katabi lamang ng bukirin nila halma kaya ganoon na lamang ang kaba ng kanyang ina ng mapansin ang anak na tulalang naglalakad mula sa kanilang taniman na siyang pinanggalingan nito.

Mas lalo pa silang nagtakha ng malaman nila na hindi nito kasama ang ama habang pauwi at ang pag-amin pa ng kanyang asawa na siyang kasama nito sa bukid ay inutusan niya lamang ang kanilang anak na libutin saglit at suriin ang kanilang mga tanim bago magdilim.

Ngunit lumipas na ang ilang oras na hindi pagbalik ay hinanap niya na din ang anak ngunit ni anino nito ay hindi niya na makita sa kanilang taniman. Kaya nagpasya siyang umuwi at nagulat na walang malay na palang nakahiga ang anak sa kanilang kama.

"Nawalan siya ng malay kanina berto, pagkadating niya dito ay tulala siya habang hawak ang pulang tela na iyan. Sa tingin mo ba ay na-engkanto na ang ating anak?" May pag-aalala at pagdududang tanong ni perla sa kanyang asawa.

Mahomanay | Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon