'𝕻𝖆𝖌𝖘𝖚𝖇𝖔𝖐'
Bigla ko tuloy ninais na makauwi at pumirmis na lamang sa kahit na sinong ninais ni ina na ipakasal sa akin.
"Patawad ngunit aalis na ako," Huling pagtanggi ko bago tuluyang tumalikod.
"Hindi!" Napaatras ako at napahinto ng isang malakas na pwersa ng hangin ang biglaang naging dahilan ng pagsasarado ng pinto at lahat ng bintana sa kuwarto.
Nanginging na lumingon ako sa kanya, muli kong nasilayan ang kanyang itsura. Bakit nga ba ako nagpalinlang sa magandang mukha na nasilayan ko?
"Mukha ko lamang 'ba ang dahilan kung bakit mo ako minahal?" Mas lalo akong natakot dahil sa galit na nakabalatay ngayon sa kanyang mukha.
"Wala ka palang ipinag-kaiba sa mga lalaking kagandahan lamang ang ninais sa mga babaeng nais nilang pakasalan," Napayuko ako dahil sa sinabi niya.
Nilinlang niya ako, at iyon ang pinaka-kinamumuhian kong bagay sa mundo. Idagdag pa na isa na pala siyang matandnag hukluban na walang ginawa kundi manlinlang ng mga kalalakihan upang pakasalan siya.
"Sapat na ang panlilinlang mo sa akin upang kamuhian kita, at tinatanggihan ko ang kasal na iyong nais dahil isang napaka maling desisyon ang maikasal sa isang matandang hukluban na kagaya mo," Matigas na ani ko sa kanya.
Bigla na lamang itong naglakad patungo sa akin, habang maririnig ang mahihina niyang hikbi.
"Ipagpatawad mo ang aking panlilinlang na ginawa halma, ngunit biktima lang rin ako ng kalupitan ng ibang tribo. Hindi ako nagsinungaling sa aking totoong itsura Irog ko, kinulam lamang ako ng isang babaeng may labis na inggit sa akin kaya nagkaganito ang aking itsura." Pagpapaliwanag niya.
Saglit akong napahinto at napaisip kung posible bang mangyari ang bagay na ito. Naniniwala ako sa mga kulam at iba pang misteryosong pangyayari sa mundo dahil sa tribong kinalakihan ko ay marami ng ganoong incidente na nangyari.
"Pakiusap halma... 'wag mong ikali ang iyong pagmamahal para sa akin. Isang pagkakamali na nagtiwala ako sa mga taong nag dulot nito sa akin, ngunit hindi ko kailanman ikakaila ang pagmamahal na meron ako para sayo." Wala akong ibang maisip na sabihin dahil sa paliwanag nito.
Maatim ko nga bang makasama ang isang babaeng kagaya niya habang buhay. Mariin akong napapikit ng muling bumalik sa aking isip ang imahe ng babaeng nasa panaginip ko.
Ni sa hinagap ay hindi ko inakala sa mauuwi ako sa ganitong klaseng relasyon.
"Pakiusap Irog ko... pinapangako ko na ibibigay ko sayo ang lahat ng iyong nais. Ang iyong mga magulang ay makakatanggap ng labis na yaman at rekognasyon sa inyong tribo oras na pumayag kang pakasalan ako at makasama habang buhay." Pagpipilit nito, at ginagap ang aking kamay.
Hindi ko alam kung anong kuryente ang dumaloy sa aking palad ng maramdaman ko ang lambot ng kanyang kamay. Diretso kong ibinalik ang aking tingin sa kanyang mukha, partikular ay sa kanyang mga mata.
Mga pares ng mata na siyang nag-paalala sa akin sa dati niyang mala-anghel sa mukha. Iyon lang 'ata ang hindi nagbago sa kanyang ayo, napakaganda pa din ng kayumangging kulay ng mga iyon.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, sa mga mamahaling alahas at ginto na nakakalat sa paligid. Handa ba akong isakripisyo ang aking sarili para sa aking pamilya, lalo na sa aking ina na siyang nag-alaga sa akin?
Napayuko ako at matiim na napaisip. Hindi din naman ako makakatagpo ng nararapat na babae sa akin sa tribo kaya ano pang saysay kung tatanggi ako sa alok nito? Sabi ng aking kaibigang si selyo, napakarami ko ng pinalampas na grasya noon.
Mukhang ito na ang tamang oras upang tanggapin ang grasyang lumalapit na sa akin.
"Isipin mo ang magiging buhay ng iyong ina halma, kaya kong ibigay sa pamilya mo ang kayamanang higit pa sa pinuno ng inyong tribo. Alam ko na nais mo ring makita na masaya ang iyong pamilya bago ka magpasyang magpakasal." Muling pag-aalok nito sa akin.
Muli kong iniangat ang aking paningin pabalik sa kanyang mukha. Buo na ang aking pasya, kabayaran na rin siguro ito ng pagmamatigas ko noon sa mga nag-alok ng kasal sa akin. Kabayaran sa lahat ng kahihiyaan na ibinigay ko sa aking mga magulang.
"Kung ganoon ay mukhang wala na akong magagawa. Pumapayag na ako sa kasal na iyong nais," Hindi ko nais na maging malamig ang tono ng aking boses, halatang napipilitan lamang ako ngunit para sa aking ina ay hindi na ako tatanggi pa.
Bakas ang galak at pagbubunyi sa kanyang mukha. Isang malaking ngiti ang pumaskil sa kanyang nangungulubot na labi.
"Hindi ka nagkamali sa iyong pasya aking irog, ngayon ay napatunayan kong tunay mo akong minamahal maari mo ba akong gawaran ng isang halik? Halik na patunay ng ating pagkakasundo sa kasal?" Marahan na lamang akong tumago dahil wala namana kong ibang pagpipilian.
Ayaw ko rin namang umuwi na bangkay na lamang dahil ramdam ko na hindi lamang siya isang ordinaaryong nilalang. Mas pipiliin ko ng may maiuwi na kahit ano kesa mauwi sa wala ang lahat ng pangarap ko.
Mariin akong pumikit at ibinaba ang aking mukha upang ibigay ang halik na kanyang nais.
"Salamat aking irog..." Hindi ko maisip kung anong halusinasyon na naman ang aking naririnig. 'Tila nais ko na lamang na ipikit ang aking mata habang buhay upang pakinggan na lamang ang kanyang malamyos na tinig.
"Maari mo ng imulat ang iyong mata at pagmasdan ang tunay na kayamanang inihahandog ko para sayo." Para akong nakikipaglaban sa aking sarili dahil sa muling pagrehistro ng pamilyar na malamyos at nakakahalinang boses na iyon sa aking tenga.
"Pakiusap, imulat mo na ang iyon mata at tingnan ang iyong mapapangasawa." Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi imulat ang aking mata.
'Tila muli akong kinilabutan dahil sa nakita. Nananaginip na naman 'ata ako.
Mahina kong tinapik ang aking pisngi upang gisingin ang aking sarili sa kahibangan na ito.
Ngunit napahinto ako ng maramdaman ko ang malambot nitong haplos sa aking kamay. Pinawi niya paalis ang aking palad mula sa aking mukha. Saglit akong napatulala dahil sa kagandahang hindi ko inakala na makikita ko pang muli.
Paano nangyayari ang lahat ng ito? Panaginip lamang ba ang lahat? Kung ganoon ay 'wag niyo na akong gisingin sa paraisong panaginip na ito.
"Dapat lamang na ikaw ay magbunyi halma, dahil nakapasa ka sa aking pagsubok. Sa dadating na susunod na kabilugan ay maipapangako mo bang sasama ka sa akin? Upang maka-isang dibdib ko at makasama ako sa paraisong buhay na ito?" Tuluyan na akong nahulog sa nakaka hipnotismong boses nito.
Hindi ko na namalayang tumatango na pala ako. Unti-unti ng natutupad ang mga pangarap at panaginip ko.
"Hihintayin kita sa susunod na kabilugan Irog ko... paalam,"
'Tila umikot muli ang aking paningin habang unti-unti ng nilalamon ng dilim ang aking sistema.
---
@pribadongmanunulat1_
2021
Vote & Comment
BINABASA MO ANG
Mahomanay | Completed ✓
FantasiA story tribute to the Bagobo Society located in the philippines. Mahomanay is a fairy-like mythical creature that changes into their ugly form before marriage, this is to prove the man's loyalty and perseverance to marry them and it is believed tha...