C2

1.4K 90 5
                                    

Jaydee's Pov

Nasa school na ako at kasalukuyang nakaupo lang sa may upuan ko. Nandito narin sa loob yung kalahati sa mga classmates ko ngunit hindi pa dumarating si Frances ngunit nakakapagtaka lang kasi nga nandito na yung bestfriend niya na si Coleen. Lagi kasi silang magkasabay lagi patungong school.

Hindi kaya'y may nangyari na namang masama sa kanya? Oum for sure nasa hospital na naman siya sana naman hindi dahil sukang suka na ako pumunta ng hospital. Napatingin naman ako sa mga babaeng tumatakbo na dumating dito sa classroom namin , medyo hingal na hingal sila at nakatingin lang nang diretso sa akin like anong meron?

"Jaydeee! Si frances pinagtutulungan ata sa loob ng private room! Sinirado nila iyun at mukhang may balak silang gawin kay queen!" Napatayo naman ako agad sa kinauupuan ko at agad nang tumakbo upang pumunta ng private room na medyo may kalayuan dito sa classroom.

Hingal na hingal akong nakadating at gaya nga ng sabi ng mga babaeng yun ay naka lock ang pinto kaya wala na akong nagawa kundi sipain yun. Nakailang sipa na ako pero hindi parin mabuksan saktong pagdating ni gabb ay tinulungan niya akong sipain yun kaya ang ending bumukas yung pintuan ng private room. Halos manlaki naman ang aking mga mata sa aking nakikita ngayon, fudge! Akala ko ba ano bakit ganito?

"I'm sorry jaydee napag utusan lang kami ni frances na sabihin yun sayo , anyway queen alis na kami!" Sabi ng mga babae at napangiti naman si frances na ngayon ay nasa harapan ko na.

"For you nga pala jaydee , its our  engagement anniversary ngayon at sana magustuhan mo yang regalo ko and this little surprise of mine" turo niya sa mga nakapaskil na litrato namin dito sa kwarto at may mga balloons pa sa sahig.

Napakamot nalang ako sa batok dahil doon at hindi ko maiwasang mainis dahil sa ginawa niya , ganito lang pala yung ipapakita niya sa akin bakit kailangan niya pa gumawa ng eksenang ganun.

"What the heck is this frances! Pinag alala mo ako ng sobra tapos ganto lang pala masasaksihan ko? Look hindi nakakatuwa tong pakulo mo frances! Paano kung meron ngang nangyari sayo? Edi isusugod ka na naman sa hospital and then dadalaw na naman ako doon na as if parang dun na ako nakatira! Alam mo kung gusto mong gumaling na talaga sa nararamdaman mo magpahinga ka at huwag mo laging idrain yung lakas mo sa mga paganto ganto! Inaaksaya mo lang yung oras ko! Hindi porket fiance mo ako ay uubusin mo na yung oras ko!" Medyo malakas na pagkasabi ko sa kanya nagulat naman siya dahil doon , sobrang nadala na talaga ako ng emosyon ko ngayon as in punong puno na ako at hindi ko na kinaya pang pigilan at huwag ilabas yung matagal ko nang nais sabihin.

"Look jaydee I didn't meant to waste your time if that's what you think.  I'm sorry kung sakitin ako at dahil don kailangan mo akong dalawin sa hospital! I'm sorry kung masyado ko nang pinipilit yung sarili ko sayo kahit naman malabo mo akong magustuhan at sadyang napipilitan ka lang na gumawa ng mga bagay na ikakasaya ko" mangiyak ngiyak niyang sabi bago tuluyang iniwan ako dito sa loob ng room , tinapik naman ako ni gabb at tinignan ko siya ng masama dahil doon.

"Grabe ka dong! Napaka harsh mo talaga pagdating kay frances? Tapos pag nandiyan sa harap mo yung magulang niya para kang linta na panay dikit sa kanya" malungkot na sabi niya sa akin , napakuyom naman ako ng kamao dahil doon, lagi nalang ba nila kakaawaan si frances? Like ako yung nahihirapan sa sitwasyon na to oh siya may sakit lang tapos ako mukhang magkakasakit na rin sa  sama ng loob sa mga taong nas paligid ko.

30 DAYS WITH YOUWhere stories live. Discover now