C28

616 73 6
                                    

Jaydee's Pov

Namatay ang tawag kasabay nun ay ang panghihina ng aking tuhod sa nalaman ko , tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng aking luha dahil sa sinabi ni Gabbo. Wala na si Frances? Wala na si Frances , paulit ulit na pumapasok sa aking isipan , linapitan naman ako kaagad ni daddy dahil nakita niya akong umiiyak.

"Anong sinabi ni gabbo? Bakit ka umiiyak? May nangyari bang masama?" Nag aalalang tanong sa akin ni daddy , bigla namang may nag notif sa cellphone niya kaya agad niya na iyong kinuha.

"Dad wala na daw po si frances sabi ni gabbo?! Dad wala na si frances! Wala na yung babaeng pinakamamahal ko dad?! Iniwan niya na ako!" Napapahagulgul kong sabi kay daddy , nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko.

Agad na akong tumayo at kinuha yung bag ko sapagkat pupuntahan ko ngayon si frances sa hospital. Gusto kong alamin at makita mismo ng dalawang mga mata ko na wala na siya , na talagang iniwan niya na ako.

"Saglit lang anak! Hintayin mo ako! Jaydeee?! Kumalma ka muna anak!" Tawag naman ni daddy sa may likuran ko, nag diretso diretso na kasi ako sa paglalakad nang mabilis habang pinupunasan yung mata kong nababalot na ng luha.

"I wanna see my girl dad!!!" Aniya ko sa kanya at nagmamadaling pumasok sa may elevator , mabilis din naman siyang sumunod sa akin.

"Sabi ng tito wilson mo baka ilipat na daw ang katawan ni Queen sa morgue ngayon, ready for cremation na daw anak" malungkot na sabi ni daddy at napayuko na siya ngayon , ako naman ay napapailing.

Hangga't hindi ko nakikita si queen , hindi ko tatanggapin na wala na siya , hinding hindi ko matatanggap yun. Fast forward nakarating na kami sa may hospital at hindi ko maihakbang yung paa ko pababa ng sasakyan ngayon. Sobrang akong nalulugmok sa aking nalaman , kaya ko kayang makita si queen na wala ng buhay? Makakaya ko kaya?

"Jaydee?! hinihintay na nila tayo sa loob alam kong masakit pero we need to go na" sabi sa akin ni daddy sabay hawak sa may balikat ko , hindi naman na ako umimik pa at dahan dahan na akong lumabas.

Pumasok na kami sa hospital kasabay nun ay ang pamumuo muli ng aking luha sa mga mata ko , dumating na yung ikinakatakot ko at ito ay mawalan na naman ng isang tao na napakahalaga sa akin. Habang papalapit kami sa kinaroroonan ng room ni queen ay mas kumikirot yung puso ko , paano na ako frances? Paano na ako kung tuluyan mo na akong iniwan?

Paano na yung mga plinano natin sa hinaharap? Ako nalang ba ang mag isang gagawa ng mga yun? Yung sunflower farm? Yung pagpopropose ko sayo , yung kasalan natin? Paano na ang lahat ng iyun ganung iniwan mo ako ng mag isa sa mundong ito.

A few minutes later ay nasa harap na ako ng room ni queen , tinitignan lang ako ni daddy habang ako ay nakatingin lang sa may doorknob , hindi ko alam kung kakayanin kong hawakan at pagbuksan iyun. At makita ang malamig na bangkay ni Frances , napaupo nalang muna ako sa sahig dahil doon , hindi ko kaya! Hindi ko kayang makita siya ng ganoon ang sitwasyon, I can't wala akong lakas para buksan itong pintuan , sana ay panaginip lang ang lahat ng ito.

"Jaydee?! This is it! You need to be strong hindi magiging masaya si queen kung magiging duwag ka na harapin siya , malamig man na bangkay or nabubuhay siya kailangan mo nang buksan ang pintuan at mamulat sa reyalidad, alam kong kakayanin mo to anak!" Naluluha ding sabi ni daddy sa akin saka itinayo ako sa pagkakaupo ko dito sa may harap ng pintuan habang patuloy padin sa paghagulgul.

Pinunasan ko na ang aking luha kasabay nun ay ang pag abot ko sa may doorknob at unti unti ko na iyong inikot at binuksan. Nasa isip ko na kailangan kong maging matapang kahit ngayon lang , alam kong masakit pero wala na akong magagawa pa kundi ang harapin ang kaganapan ngayon.

Pew! Pew! Pew! Pew!

Tunog na aking narinig nang mabuksan ko ang pintuan, bumungad sa akin ang nakangiting si gabbo sa may gilid kasama si coco na may hawak na tarpaulin na may nakalagay na Will You Marry Me Mahal Ko!

Yung paligid ay puno ng sunflower at kasabay nun ay napatingin ako sa may bandang ilalim , nakaluhod ngayon si frances na may hawak na singsing at nakasuot pa din ng hospital dress. Tinignan ko si Tito na ngayon ay naluluha sa may gilid at nagtungo din si daddy sa tabi niya , napailing iling naman ako at kinusot kusot ang aking mga mata.

Sana totoo na ito , ayan ang nilalaman ng aking isipan , papikit pikit lang ako at nang maramdaman ko na ang paghawak sa akin ni frances ngayon ko lang napagtanto na niloko ako ni Daddy at ni Gabbo so it was all planned?

"Mahal ko! Akala ko totoo na ang sinabi ni gabbo na wala kana! Tarantado ka gabbo hindi magandang biro itong ginawa mo!" Naiiyak na aniya ko sabay hinila si queen upang yakapin nang mahigpit , dinadama ko masyado ang pagyakap sa kanya kasi baka hindi panaginip lang ito.

"I'm sorry jaydee! It was all planned! Hindi ko naman nais sabihin yun kaso si Queen nagpumilit na gawin ko yun eh! I'm sorry bro! Tito ang galing niyo din pong umakting heheh" sambit naman ni gabbo , grabe si daddy parang totoong totoo na yung pinakita niyang emosyon sa akin kanina.

Maya maya ay kumalas na din ako at akmang tatayo na para kutungan si Gabbo para makabawi man lang sa iyak na iniluha ko kanina nang bigla akong hinila ni Frances.

"Will You Marry Me?! Mahal ko? Alam kong gulat na gulat ka pa sa kaganapan ngayon. But I just wanted to say na Im happy na naniwala kang gigising ako! Nag agaw buhay man ay nagpapasalamat ako na hindi mo ako sinukuan , itong singsing na nasa daliri ko? Ang magsisilbing alaala kung gaano ka naging pasensyosa sa akin! Mahal na mahal kita jaydee! At nais ko na ikaw na ang makasama ko  hanggang sa aking pagtanda! Hindi man engrande itong proposal na ginawa ko but I'll assure you na yung pagmamahal ko sayo ay tunay at mananatiling buo sa paglipas ng panahon! So Will you be my lifetime partner?! Mr. Jaydee Nathaniel Garcia?! Yes or No?" Tanong niya sa akin napatingin naman ako sa paligid , hindi ko inexpect na darating sa point ng buhay ko na si Frances ang magpopropose sa akin kasi naman matagal ko nang plinano ang gagawin kong proposal kaso madami lang nagiging balakid kaya hindi matuloy tuloy ang mga iyun. Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha sa aking mga mata , marahil kanina ay dulot ito ng kalungkutan pero ngayon sobrang saya na ang aking nararamdaman.

"I do queen! Ikaw lang ang taong pinangarap kong maipakasal sa akin! Mahal na mahal kita higit pa sa pagmamahal na ibinibigay mo sa akin! Ako na ang pinaka maswerteng tao sa buong mundo dahil maikakasal ako sa nag iisang Francese Pinlac!" Sabi ko sa kanya saka unti unti niya nang isinuot yung singsing sa may daliri ko , napangiti nalang ako nang pagmasdan iyun. Hinawakan ko na ang beywang ni frances at saka isiniil siya ng halik, yung halik na hindi ko inexpect ngayong araw na magagawa ko pa.







A/N: Late🙊

30 DAYS WITH YOUWhere stories live. Discover now