Jaydee's Pov
Day 21
Nakaalalay lang sa akin si daddy ngayon , siya na din ang nagbigay ng susuotin ko para sa alis namin ni queen , alam kong malabong malabo ang nakikita ko sa paligid pero alam kong kaya ko. Mag aact normal pa din ako para hindi mapansin ni queen na may kakaiba , sa isang araw na din nakatakda ang operasyon niya pero wala pang nag mamatch na donor niya.
Kinakabahan ako para sa kanya , araw araw kong pinapanalangin na sana , may mag match sa kanila. Ayun nalang yung last hope ni queen at kung wala talaga ay nasa delikadong sitwasyon na siya. One month ang rinig kong sinabi sa kanya na itatagal niya , masakit sa akin pero kailangan kong isawalang bahala yung narinig kong iyun , alam kong tatagal si queen.
Kahit kapalit nun ay ang pagkawala ko , papayag ako kasi mas deserve niya pang mabuhay ng matagal? Habang ako? Masaya na ako sa mga nakalipas na araw na magkasama kami. Tatatak nayun sa puso ko , natatandaan ko pa yung sinabi ko na hindi deserve ng kagaya ni queen yung mga sakit na ganito at nung may nangyaring hindi maganda sa akin? I know Lord has a planned about this. Tanggap ko pero isa lang ang hinihiling ko na sana maging ligtas si queen , ayun lang sapat na para sa akin.
"Anak? Si manong james na ang magda drive ah? Kapag nasundo mo na si queen sa likuran nalang kayo maupo ah para sa safety niyong dalawa" habilin sa akin ni daddy saka inayos yung kwelyuhan ko , kilalang kilala ko sa boses niya na naiiyak siya ngayon , i think naaawa siya sa sitwasyon ko ngayon.
"Opo dad , magdodoble ingat po ako huwag kayong mag alala? Wag na po kayong umiyak sapagkat malakas ang anak niyo?!" Pagbibiro ko sa kanya , mas lalo namang lumakas yung paghikbi niya dahil sa sinabi ko , napakagat labi nalang ako , ayokong umiyak din dahil mapapansin ni queen iyun.
"Basta take care ah? At mag enjoy kayo ni queen sa panunuod ng sine? Iupdate mo ako kaagad through James if something happens or nakakaramdam ka ng pananakit ng ulo mo" sabi niya sa akin saka ako niyakap , napaka iyakin talaga ni daddy , buti nalang at nagmana ako kay mommy na bihira lang kung umiyak.
"Ikaw din dad!" Huling sabi ko saka hinawakan na ako ni manong james para magtungo sa sasakyan.
A few minutes later ay nakarating na kami sa may bahay nila queen , pinagbuksan ko naman iyun at tsaka pinilit na lakihan yung mga mata ko. Tanaw ko si queen na nakasuot ng crop top at naka black pants , pansin ko din na naglagay siya ng light make up , malabo siya pero tanaw ko yung kulay.
"Napakaganda mo ngayon mahal ko! Ay mali! Araw araw ka palang maganda queen!" Sabi ko sa kanya at kinuha yung kamay niya at hinalikan iyun , napangiti naman siya sa akin dahil doon.
Kahit hindi ko masyadong makita yung mukha mo mahal ko? Alam na alam kong sobrang ganda mo ngayon.
"Ikaw din ang pogi mo ngayon mahal! Halatang pinaghandaan mo ngayon ah? Hmp tara na pasok na tayo sa loob sapagkat mainit na dito sa labas" aniya niya saka siya na ang humila sa akin papasok ng sasakyan , sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi ko napansin yung sa taas kaya nauntog ako.
"Ha ha ha , masakit ba? Bihira ka lang mauntog jaydee ah?!" natatawang sabi ni queen , napatawa na din ako dahil nahawa ako sa tawa niya.
"Nakalimutan ko lang na iyuko yung ulo ko mahal hinila mo kasi ako eh" pagpapalusot ko sa kanya, napahawak nalang ako sa may bandang uluhan ko , dahil sa pagkakauntog ko ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo ko ngayon.
YOU ARE READING
30 DAYS WITH YOU
RomanceFrances has a terminal illness and she wanted to spend her remaining days with the person that she really loves the most and it is jaydee.