Jaydee's Pov
Day 18
Napadilat ako ng aking mga mata at kasabay nun ay ang labis kong pagkakaba? Kinapkap kapkap ko yung paligid ko , may nakaturok sa akin ngayon na kung ano na hindi ko malaman. Wala akong naririnig na ingay na nanggagaling dito sa kinaroroonan ko , batid kong nakahiga ako sa kama at may nakapalibot na bandages sa aking ulohan dahil nahahawakan ko iyun. Dilim lang ang tanging nakikita ko ngayon kahit pilit kong iminumulat ang aking mga mata.
"Hey is anybody's here?! Bakit nakapatay yung ilaw? Pwede bang pakibuksan gayung wala akong makita ah? Damn it's so dark" reklamo ko gayung bakit kasi nakapatay ang ilaw , ni isang liwanag ay wala akong matanaw.
"Damn anak! I'm glad na nagising kana! Pare pakitawag naman yung nurse oh! Gising na si jaydee!" Sabi ni daddy sa hindi ko naman kilalang personalidad , kasi hindi ko naman nakikita kung sino ang kausap niya at hindi din naman ito nagsalita.
"Jaydee anak? Nakabukan ang ilaw ngunit..." wika ni dad na dahilan upang makaramdam ako ng labis na kaba.
"Dad? Bakit wala akong makita dad! Please tell me anong nangyari? Bakit dilim lang ang nakikita ko dad?!" Nagpapanic na sabi ko hinawakan niya ako sa may balikat at kasabay nun ay ang paghawak niya sa aking mukha.
"Jaydee please calm down first okay? Hintayin muna natin yung doctor mo , siya na ang bahalang mag explain sayo sa nangyari" malungkot na litanya ni dad, ako naman ay panay lang kusot ng aking mata , eto na ba yung sinasabi ni nurse amanda na macular degeneration?
Damn! Kung eto nga yun please ayokong mabulag , hindi pwede! Kailangan ako ni Frances at kailangan ko din siya.
"Good afternoon Mr. Garcia? Jaydee right? Oum there's a bad news and a good news para sayo , ang good news ay temporary lang ang pagkabulag mo dulot ng may naipit na ugat sa bandang mata mo , ang bad news naman ay may namumuong dugo sa utak mo na bunga ng pagkalaglag mo sa may hagdan , to be honest nasa delikadong sitwasyon ka ngayon Mr. Garcia" halos maiyak naman ako dahil sa nalaman ko ngayon, hindi pwede ito.
"Doc wala na po bang way para maagapan yung pamumuo ng dugo sa may bandang utak niya? Surgery po ganun?" Suhestyon naman ni daddy sa doctor , natahimik lang ang doctor ng ilang segundo bago magsalita.
"As of now chinicheck ko pa talaga everyday kung may pagbabago sa sitwasyon niya , hopefully ay may mangyaring himala Mr. Garcia! Sana mag improved yung results bukas gayung gising naman na si Jaydee , as of now hindi ko masisigurado o masasabi sa inyo na all goods ang lahat" rebat namang muli ng doctor napayakap nalang sa akin si daddy at pinupunasan ang aking mga luha.
"Salamat doc! Sana nga po may pagbabago , hindi ko kakayaning makita ang anak ko na ganito ang sitwasyon" naiiyak na sabi naman ni daddy , dinig ko naman na umalis na yung doctor at mukhang si tito wilson nga ang kasama ni daddy.
"Dad? Ilang araw akong tulog?! Gusto ko nang mahagkan si frances? Miss ko na siya? Nasaan siya ngayon? Pwede bang puntahan natin siya? Gusto ko nang marinig yung boses niya? Namimiss ko na siya dad!" Naiiyak na sabi ko sa kanya , mas humigpit ang pagkakayakap sa akin ni daddy ngayon.
YOU ARE READING
30 DAYS WITH YOU
RomanceFrances has a terminal illness and she wanted to spend her remaining days with the person that she really loves the most and it is jaydee.