C14

776 90 8
                                    

Jaydee's Pov

Nasa loob lang ng kwarto si queen ngayon at nagmumukmuok doon , hindi niya kasi inakalang ipapaubaya siya sa akin ni Tito for 30 days lang naman. Sa loob ng mga araw na yun doon ko papatunayan na seryoso ako at babawi ako sa lahat nang ginawa ko sa kanya.

Kasalukuyang nagluluto ako ng favorite niyang sinigang na baboy at tsaka may mga side dishes din akong niluto like bacon , hotdog at itlog ganun , basta mostly favorite food niya yung nakalatag ngayon sa may lamesa. Nasabi din ni tito na hindi pa siya nag uumagahan kaya itong niluto ko ay for breakfast at lunch na , i hope na maging masaya siya sa inihanda ko.

Maya maya ay natapos na ako sa pagluto ng sinigang at tsaka isinalin ko na iyun sa may bowl at tsaka nilagyan ko na din ng kanin yung malaking plato. Saka kinatok na si Frances sa kwarto para yayain siyang kumain, alam kong naaamoy niya yung niluto ko kaso nga lang ayaw niyang lumabas sa kwarto.

"Queen tara kain na muna tayo? Alam kong nagugutom kana kaya labas kana dyan?" Malambing na aya ko sa kanya at mahinang kinatok ang pintuan ng kwartong kinaroroonan niya.

"Hindi ako gutom!" Malditang tugon niya sa akin, hindi mo ako maloloko queen kasi lagi kang gutom kahit kakakain mo palang ngayon pa kaya na hindi ka nakakain ng umagahan?

"Sige ka? Uubusin ko nang mag isa itong niluto ko na sinigang! Bacon , Hotdog , Egg , pasta , Brazos De Mercedes at yung ginawa kong mango graham na paboritong paborito mo" pang aasar ko pa sa kanya , wala naman akong narinig na rebat galing sa kanya , argh mukhang ayaw niya ah. Tatalikod na sana ako upang kunin na sa may cabinet ko yung susi ng kwarto nang bigla itong bumukas at iniluwa ang nakasimangot na mukha ni frances habang nakatingin sa may lamesa.

"Oh akala ko ba hindi ka gutom?! Oum joke lang tara na sa may upuan at nang makapagsimula na tayo sa pag kain" aniya ko sa kanya saka hinawakan ang kanyang likof at tinutulak tulak ng unti papuntang mesa.

Inassist ko na siya sa upuan at tinignan niya lang ako ng diretso na tila bay nagtataka sa ginagawa ko ngayon.

"Upo kana queen?! Habang mainit init pa yung ulam at kanin" nakangiting sabi ko sa kanya tumango na lamang siya at naupo at ganun na din ang ginawa ko.

"Ikaw ba nagluto ng lahat ng ito? Marunong ka pa lang magluto? Ngayon ko lang nalaman" Tanong niya sa akin bahagyang tumango na lamang ako sa kanya saka nilagyan siya ng kanin sa may plato , inilapit ko na din yung ulam sa kanya. Sana magustuhan mo to queen , bihirang bihira lang ako magluto sa iba kaya hindi ko alam kung magugustuhan niya yung lasa ng niluto ko. Kinuha niya na yung kutsara at tsaka tinidor at pinagmasdan lamang siya habang kumakain siya ngayon.

"Masarap ba? If hindi magpapa order nalang ako sa grab food" aniya ko sa kanya kasi nang masubo niya yung pagkain ay napahinto siya saglit , kaya napaisip ako na hindi nga siguro masarap yung luto ko.

"What's wrong bakit ka naiiyak queen?? Akin na yan , pasensya na siya at hindi masarap yung luto ko ah it was my first time to cook for someone kasi eh---" nag aalalang sabi ko saka kukunin na sana yung pinggan niya at itatapon ang laman nun nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit na ikinabigla ko.

"Queeen?! May masakit ba sayo? Tell me please? Para malaman ko at makapag isip ako kung paano kita matutulungan" dagdag ko sa kanya sabay haplos haplos nang likuran niya kasi humihikbi na siyang ngayon sa hindi ko malamang dahilan.

30 DAYS WITH YOUWhere stories live. Discover now