C29

773 67 6
                                    

Jaydee's Pov

Day 29

Ilang days na ang lumipas at naging okay na ang kalagayan ni Frances, kasalukuyang papunta ako sa kanila upang sunduin siya kasi pupunta kami ngayon sa Sunflower Farm na kaming dalawa lang. Nais kong ipakita sa kanya yung kagandahan ng lugar na iyun at yung na renovate na din na mansion doon kung saan pag iistayan namin pag kami ay naikasal na. Nagpapatugtug lang ako sa kotse ngayon at nakikisabay sa tugtog ng musika at napapahiyaw din sa saya.

"I say baby please be my bride tonight 🎶 I say baby please be my bride tonight 🎶" pakantang sabi ko sabay nakafocus lang ngayon sa pagmamaneho.

Sobrang saya ng araw ko ngayon at sobrang excited na akong makita si Queen habang pinagmamasdan yung paligid na puno ng sunflower. Sigurado akong matutuwa siya sa pupuntahan namin ngayon , gusto nga din sanang sumama nila coleen at gabbo kaso sabi ko next time nalang siguro. Gusto ko muna na masolo si queen kahit ngayong araw lang kasi hindi na kami masyado nagkakasama dulot nga ng preparation sa darating na kasal namin.

A few minutes later ay nakarating na din ako sa bahay nila , nag door bell na ako kasabay nun ay ang pag ayos ko ng aking kwelyo. Pinagbuksan naman ako ni manang teresa ang bago nilang kasambahay at sinenyasan ako na pumasok na sa loob sapagkat hindi pa daw tapos mag ayos si queen.

"Good Morning po tito!" Bati ko kay tito nang makita ko siya sa loob lumapit naman siya sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"Magandang Umaga din sa gwapo kong son in law! Kamusta araw mo? Mukhang masayang masaya ka ah? Saan ba kayo pupunta ni Queen? At hindi din mawala wala ang ngiti nung anak ko" litanya niya saka kumalas na sa pagkakayakap sa akin , nginitian ko naman siya tsaka nagsalita.

"Dadalhin ko po siya dun sa naikwento ko nakaraan na sunflower valley na binili ko nitong buwan lang tito , may unting surpresa din ako sa kanya doon" pagkukuwento ko nang mahina kay tito wilson , tumango lang naman siya at inakbayan niya ako saka may tinuro siya.

"Sa wakas natapos na din sa pag aayos ang aking prinsesa! Nakailang closet kaya ang nagulo mo anak ko?" Pagbibiro ni tito ako naman ay nakatulala lang na tinitignan si Frances na pababa ng hagdan ngayon , nakasuot siya ng puting dress at sobrang ganda niya ngayon dagdag na din dahil naglagay siya ng unting make up.

"Jaydee , isarado ang bibig mo dahil baka mapasukan na yan ng langaw iho . O siya mag iingat kayo sa byahe ah?! Jaydee ikaw na bahala sa anak kong ito alam mo naman na may kakulitan yan!" Sabi naman ni tito sa akin napahawak naman ako sa may bibig ko dahil pakiramdam ko nag slow motion ang paligid nung makita ko si queen. Napangiti nalang ito at tsaka agad na nag link arms sa akin saka hinalikan ako ng mabilis sa may cheeks.

"Kanina ka pa ba dito? Pasensya na at medyo natagalan ako , nag ayos pa kasi ako ng damit ko" nahihiyang sabi ni frances sa akin nakatingin lang ako nang diretso sa kanya , grabe napaka ganda niyang dilag at hindi ako magsasawa na pagmasdan siya habang buhay.

"Okay lang kakarating ko lang din naman Queen eh! Oum tito? Alis na po kami , ihahatid ko din po siya mamayang mga alas 7 ng gabi dito sa bahay niyo po" magalang na sabi ko kay tito tumango lang siya and then si Frances naman ay niyakap niya na si tito saka hinalikan din sa cheeks.

"Okay lang jaydee kahit hindi mo na siya ibalik nang sa ganun ay masanay na din ako na mag isa dito , pag kinasal kayo wala na din akong makakasama dito sa bahay kundi mga kasambahay nalang" tinapik naman ni queen yung daddy niya dahil sa sinabi nito , napangiti nalang si tito dahil sa nag iba ang mukha ni Queen.

30 DAYS WITH YOUWhere stories live. Discover now