"Sobrang kalat naman here," Reklamo ni Kalila. "Can you please stop playing like a chef Mizuki? You know naman na you suck at this diba?" Tanong nito kay Mizuki. "Argh! Hindi ko na kaya, I don't want to linis linis anymore." Maarteng saad nito.
Nag-init ang ulo ko at inis na humarap sa kaniya. "Will you just clean Kalila? Baka maabutan pa nila papa at lola 'tong kusina na makalat!" Pagkatapos ay hinarap ko din si Mizuki.
Kabado s'yang nakatingin sa akin. "H'wag ka nang magluto sa susunod kung wala ka namang alam pagdating sa kusina, okay?" Pumaneywang ako.
"Nagmamagandang loob lang naman ako." Para na siyang naiiyak.
"Wala kang future sa kusina! Mag hire ka nalang ng chef tutal saksakan ng yaman ang angkan mo!" Tinuloy ko nalang ang pagliligpit at hindi nalang pinansin ang pagsasalita ng dalawa.
Nasa probinsya kami para bisitahin si Lola Puring at ang kaniyang apo. Hindi namin kaano-ano ang dalawa ngunit sila ang nag-asikaso kay mama noong manganak ito sa akin.
Ang totoo niyan ay dapat ako at ang papa ko lang ang pupunta dito ngunit nagpumilit lang ang tatlo kong kaibigan kaya walang nagawa ang papa ko kundi ang pumayag.
Tatlong araw palang kaming narito pero 'yong dalawa ay komportable na. Komportable din naman ako kasi nandito ako noong nasa apat na taong gulang palang ako hanggang sa pito bago kami lumipat sa Manila.
"Lei? Pakibuksan itong pinto!" Sigaw ni papa mula sa labas.
Buti nalang at natapos na kaming maglinis. "Coming!" Tumakbo ako palapit sa pinto saka sila pinagbuksan.
Dumako agad ang mata ko sa binatang matangkad na katabi ni papa. S'ya ang nagtutulak ng wheel chair ni lola habang naglilibot sila. Katabi din nito ang isa kong kabigan na si Clara na sumamang maglibot kasi daw ay bored na s'ya dito sa bahay.
"Pakikuha itong mga dala naming pru—"
"Thanks tito!"
"You're so the best talaga tito." Tatawa-tawang sambit ni Mizuki habang tinitignan at inaamoy amoy ang mga dala nilang prutas.
Devin cleared his throat to caught my attention. "Uhm, excuse me." Nang magtama ang paningin namin ay agad itong umiwas.
Napansin kong panay ang iwas n'ya sa akin magmula nang naparito kami pero hinayaan ko nalang. Umalis ako sa daraanan n'ya upang mapasok sa bahay si lola.
"Nakaluto na ba kayo?" Pagtatanong ni Clara sa akin habang marahan na hinihila papuntang kusina.
Napangiwi ako. "Hindi p—"
"Hindi pa kayo nakaluto?" Natigilan ako nang magsalita si papa mula sa likod ko.
I faced him and looked down. Naramdaman ko ang pagkaripas ng takbo ni Clara paalis ng kusina.
"May kaunting problema po kasing nangyari, pa." Kasalanan 'to ni Mizuki!
"Ano ba naman 'yan Lei, paano kapag nag-asawa ka na? Ano ipapakain mo sa asawa mo kapag gali—"
"19 palang po ako pa, sobrang advance mo mag isip." Pumaneywang ako saka umirap sa hangin.
"K-kahit na! Dapat alam mo na 'yan ngayon at ikakasal ka na kay Devin!"
Napakunot ako at pilit na sinasaksak sa utak ko ang sinabi ni papa. "I-ikakasal? Ako? Kami ni Devin?" Tinuro-turo ko pa ang sarili ko at sa sala kung saan naroon si Devin.
Bumunting hininga ito. "Tara sa sala." Nauna na itong pumunta, sumunod naman ako.
Tinignan ko ang tatlo ng matiim para paalisin sila at mukhang napansin naman nila ang tingin ko kaya wala sa oras silang napaalis.
"So ano 'yung kan—"
"Ikakasal nga kayo ni Devin, paulit-ulit ha." Ha! Nakalimutan ko, sa kanya ko pala namana ang pagiging pilosopo't pagiging mataray ko.
I looked at Devin but he just looked away. "You know about it? Right?" Napalunok ito at nagbaba ng tingin bago tumango.
I knew it!
"Bakit wala kang ginagawa? Gusto ko ba 'to?" Nakakunot na tanong ko.
Nag-angat ito ng tingin. "H-hindi, ayoko, may girlfriend ako." Tss, so that is his reason why he doen't want to marry me?
"Bakit? May boyfriend din naman ako ah!" Lies. Lies. Lies.
"Edi h'wag tayong magpak—"
"Nope, nope. Hindi pwede, napagdesisyonan na namin 'to ni lola mo." Pagpuputol ni papa sa sinasabi ni Devin.
Tumingin naman si Devin sa lola n'ya. "La?" His eyes were asking.
"Hindi ko naman ito ginagawa dahil sakin, gusto ko lang na guminhawa ang buhay mo. Alam ko, nararamdaman ko, malapit na ak—"
"La naman." Now he's crying.
Such a crybaby.
"Mula nang mamatay ang mga magulang mo, ako na ang nag-alaga sayo. Paano nalang kung nawala na 'ko? Kapag nagpakasal ka, dadalhin ka ni tito mo sa Manila, Pag-aaralin ka n'ya. Saka gusto ko din na makadalo sa kasal mo bago ako pumanaw." Paliwanag nito.
Hindi ba n'ya napapansin na tumutulo na 'yong sipon n'ya?
"Eh ikaw Pa? You also need to explain why." Inismiran ko ito.
"Parehas lan—"
"So malapit na kayong mamatay ni m—"
"Sige subukan mong tapusin 'yan at masasampal kita kaliwa't kanan." Pagbabanta nito.
Para namang natakot ako. "Sige, sumbong kita kay mama. Alam mo naman kung anong kaya n'yang gawin kapag ginawa mo 'yon sakin." Ngumisi ako ng umirap ito. "Hindi ko kailangan ng asawa, kaya ko ang saril—"
"H'wag ka ng magmatigas, payag ang mama mo dito. Alam mo naman kung anong kaya n'yang gawin kapag tumanggi ka diba?" Nginisian n'ya ako.
"Ha? Payag s'ya? Seryoso?" Hindi ko alam kung bakit pumayag s'ya! "Gusto n'yang magpakasal ako? Ikasal ako kay Devin?!" Turo ko pa kay Devin na nagpupunas ng sipon.
"Bakit?! Papakasalan ko 'to?" Humarap ako kay Devin na parang tangang nakatingin sa akin. "Sino ba s'ya para pakasalan ko?! Ano s'ya? Sinuswerte?!"
~~~
YOU ARE READING
The Light of Yours (ON GOING)
Ficção AdolescenteLorelei was one of those people who hasn't had a boyfriend since she was born but everything changed when they went to see her unrelated lola. In either case, what would the outcome be? They'll fall in love, of course. Since they were children, Devi...