Prologue

25 2 0
                                    


~°~
"Pashneya naman beb ang tagal mo late na tayo" sabi ko kay tine.  May interview pa naman kami ngayon tapos mag aalas otso na hindi padin siya nakabihis. Nauna pa yung mukha talaga bago yung damit. Ubos lagi oras niya sa kilay niya. Limang minuto ligo, limang minuto kain, isang oras na pagkikilay.

"Ayan na nga patapos na ehh" sagot niya, sabay bihis mabilis.

"Dala mona ba yung mga orders nila?" taning niya sakin. Tumango naman ako. Umalis na kami.

Pagbaba namin ng kwarto niya sumakay agad kami sa jeep.

"Bayad po, pasuyo po" sabay abot niya sa bayad.

"Hoy magkano binayad mo?" bulong ko sakanya.

"Sampu lang" sagot niya naman pabalik.

"Hoy asan bayad mo?" tanong ko ulit sakanya ng pabulong.

"Hayaan muna, bawi nalang ako sa susunod sa mga jeepney driver, kapos lang talaga ako sa budget" pabulong niya namang sagot. Sabi na ngaba, nag 123 nanaman siya. Ganyan siya pag wala talagang pera, hindi nagbabayad ng pamasahe. Babayaran ko sana siya pero, kapos din talaga ako sa budget saktong pasamahe at pang lunch lang ang pera ko.

Pagdating namin sa harap ng building umakyat agad ako sa third floor, pag akyat palang haggard na. Inaayos pa kasi ngayon yung elevator kasi darating daw bukas yung boss ng company.

"Osya, dito nako sa kabilang room, I kamusta mo nalang ako kay bebe andrie" sabi lang ni tine at pumasok na sa department nila. Parehas kaming accountant ni tine, simula high-school pinangarap kona talaga maging accountant. Pero siya, na impluwensyahan lang ng boyfriend niyang paasa.

Pagdating ko sa hagdan biglang nagsi babaan yung mga co-workers ko. Nagmamadali silabg bumaba ewan ko kung bakit.

"Ui merben late nanaman kayo ni tine, bilisan mo parating na daw si mr.viotto" sabi ni mikee.

Bigla nalang bumalik yung alaala ko nung nakaraan. Yung apilido na 'yon.

"A-anong pangalan nung mr.viotto?" tanong ko kay mikee.

"Louie daw" sagot niya naman sa akin. Para nalang akong binunutan ng tinik sa dibdib. Buti nalang.

"Sige mauna na kayo sa baba, iaakyat kopa itong mga dala ko."sabi ko nalang sabay panik sa hagdan.

Ang dami naman kasing pinadala ni tine. Sabi ko namang sa susunod nalang yung mga boxers at brief, pero pinipilit niyang kukunin nadaw nung bumili. Hays.

Sa wakas nakapasok na din ako sa department namin. Linapag ko na yung mga dala ko at bumaba nadin.

"Hello everyone, today I will be your director and I want to make sure that we do all our best to make our firm on top" dinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

Dahan dahan akong lumapit at nakita ko si louie na kinakamayan yung iba pa naming boss. Akala ko bukas pa ang dating niya, napaaga yata.

"Oh noona" tawag niya sa akin sabay kaway. Loka loka talaga tong batang to, siya talaga magiging boss ko. Nagtinginan tuloy yung mga tao sa akin. Kumaway nalang din ako pabalik sabay ngiti.

Naglakad na ako pabalik sa office namin pero naririnig ko padin si louie na tinatawag yung pangalan ko.

"Noona" tawag niya. Para tuloy hirap ko siyang ituring na boss. Huminto nalang ako at hinintay siya.

"Noona kamusta?" taning niya sa akin sabay ngiti ng abot tenga.

"Hello sir, okay lang naman po ako, kayo po kanusta?" pashenya merben umayos ka nga, bakit pormal kang makipag usap sakanya!

"Noona naman, ako lang 'to haha" sabi niya sabay tawa.

"Ewan ko sayong bata ka, basta simula ngayon boss na kita" sabi ko lang sakanya. Nagpatuloy na akong maglakad.

"Noona ang tagal na nating hindi nagkita, alam mo si kuya ang panget nung fiancé niya. Ang sungit pa, ayaw ko sakanya" sabi niya sa akin. Bakit ba siya nag kukwento.

"Heh umayos ka nga sir. Hayaan mo nalang choice nya naman yon, tsaka hindi naman ikaw yung ipapakasal sakanya" sabi ko din ng pabiro.

"Noona naman, tawagin mo nalang akong louie, ang awkward naman kung sir tawag mo sa akin eh mas matanda kapa sa akin ng anim na taon" sabi niya. Ang daldal talaga ng batang 'to.

"Oh sige na louie pumasok kana sa office mo at ako'y mag tatrabaho nadin" sabi ko naman sakanya. Sabay pasok sa office namin.

Mabuti naman at umalis na din siya. Pagkarating ko sa cubicle ko at umupo, nakahinga ako ng maluwag. Pero paano kung mag kita kami dito? Imposible din, nasa canada pa siguro siya kaya malabo na mangyari 'yon.

~°~
Lunch break na, nakita ko si louie na kumakain mag isa sa cafeteria namin. Bakit hindi nalang siya nagpadala sa office niya. Linapitan ko siya.

"Bakit dito ka kumakain?" tanong ko sakanya.

"Ehh bawal sa office ko marurumihan" sabi niya. Anong klaseng excuse yon. Bigla naman akong natawa ng konti.

"Sige na tara sa office mo dadalhan kita ng pagkain, ako din maglilinis kung nagkalat ka" sabi niya. Sino ba naman kasing 18 years old ang magiging director.

"Talaga ba noona? Thank you" sabi niya sabay yakap sa akin. Malamang ang mga chismosa naka tingin nanaman.

Hindi ko nalang sila pinansin at kumaha na din ako ng pagkain namin ni louie.

"Pasok noona, dito tayo kumain" sabi niya ng masaya. Kanina kasi para siyang kawawa na kumakain mag isa sa cafeteria.

"Who told you to eat here?" bigla kong dinig sa isa pang pamilyar na boses.

"Si noona kuya, sabi niya siya mag lilinis kung may kalat ako" sagot ni louie sakanya

Bakit hindi niya sinabing nandito si kuya niya. Pashneyang bata.

Nagkatinginan kami sa mata at ayaw kong magpatalo sa tingin niya. Naaalala ko padin kung paano niya ako iniwan nung mga araw na kailangan ko siya. I felt pain and anger inside me rushing to come out. I want to blame him, I want to hurt him like he did to me. Lumunok nalang ako ng malalim.

"Ha-hi sir.Andres" alam kong ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa second niya. Well no regret sinadya ko talaga 'yon.

"Hello miss" sabi niya lang. Wow ahh miss lang talaga. Ano ' yon hindi niya ako kilala. Tss, sige ganyanan pala ahh.

"Alam niyo para talaga kayong bata, halikana nga noona ikain nalang natin yan" sabi ni louie.

Habang kumakain tumabi siya kay louie. At biglang nag tanong.

"So miss, how did you meet my brother. You seem so close to each other." pashneyang tanong yan. Nang aasar ba siya. Hindi ako sumagot ganon din si louie. Binilidan ko nalang ang pagkain ko. Nung matapos na ako, tumayo na ako at nag paalam kay louie.

"Thank you sa pagsama sa pagkain noona, bukas dito ka nalang ulit kumain" sabi sa akin ni louie. Ngumiti nalang ako sabay bukas ng pinto.

Pag labas ko, narinig ko ding may lumabas na ulit sa pintong iyon.

"Long time no see mrs.tan" how dare him to call me that surname.

Tinignan ko lang siya ng malalim, ilang beses ko bang kailangan i-explain sakanya yung nangyari nung past.

"And to you too mr.viotto. Congrats to your engagement, hope you live happily ever after" sabi ko nalang sabay lakad ng mabilis.

"Bwisit talaga, pinagpalit ba naman ako sa sherry na yon, eh alam naman namin kung ano talagang nangyari nung mga oras na iyon" sabi ko nalang, parang may tutulong luha sa mata ko. Pull yourself together merben, you choose the right thing.

Bigla nalang may humawak sa kamay ko.

"Alam kong hindi kapa naka move on" bulong niya. Ang kapal talaga ng mukha.

"I miss you" bulong niya ulit.

Hinatak ko yung kamay ko, at hindi na siya sumunod.

"I miss you too nate" bulong ko sa sarili ko.

I found Kimi Wa Where stories live. Discover now