Nagising ako nung marinig kong tumunog yung alarm ko. Pasado alas sais ng umaga naghanda na ako ng breakfast namin ni tine. Napainom pa siya kagabi. Dapat hindi ko nakang siya hinayaang sumama kay xavier. Ito namang si gaga G na G pa. Ayan tuloy bagsak siya ngayon.
"Inumin mo ito pagtapos mo kumain" sabi ko sakanya sabay abot nung gamot pang hangover.
Nauna na akong naligo, tapos nag bihis na ako ng damit. Bigla namang may kunatok sa pinto namin. Si tine na ang nagbukas.
"Surprise" dinig kung sabi nung isa pang adik naming kaibigan.
"Oy liandrie pasalubong" bungad ko agad.
"Ito na, hindi pwedeng hindi ko makalinutan yung pasalubong niyo. Ito sayo blue berry cheese tarts, at ito naman sayo buko pie" sabi niya sa amin. Favorite ni tine yung buko pie.
"At hindi ko makakalimutan" dagdag pa niya.
"Wow dream catcher" sabay naming sabi ni tine. Paborito ko talagang mangulekta ng ganito.
"Salamat drie" pag papasalamat ko sakanya.
"The best ka talaga drie" dagdag naman ni tine.
"Yung kay alexis ibigay ko nalang sa school" sabi ni liandrie. Nag ayos na kami ng gamit at pumunta na sa school.
Sa aming magkakaibigan, si liandrie at alexis ang mayaman, ako naman nasa middle lang. Si crystine naman tumutulong pa sa pamilya kaya hindi pa makaluwag luwag. Siya ang may pinaka maraming sideline.
~°~
Pagpasok namin sa school may nakita kaming nagtitilian na mga babae. At nagsisiksikan malapit sa building ng engineering."Oy bilisan niyo, baka nandon na sina louie at nathan" nagmamadaling sabi ni tine sabay hugot sa mga kamay namin. Sabi na eh lalake nanaman.
"Aii oo nga, nabalitaan ko sa i.g na lilipat daw ng school si baby louie" sabi naman ni drie.
Pati si alexis na karsarating lang nakisali din sa siksikan.
Tama nga ang hinala ng mga babaeng ito, meron ngang lalake na nakatayo sa harap ng engineering building. At wow, ang daming nagpapa autograph. Ano siya artista?
"Ako naman baby louie, ikamusta mo ako kay kuya mo" sabi nung isang babae sa gilid namin.
"Me too, and please give this to your brother its a limited edition watch from italy" sabi din nung isang babae. Wow, yayamanin limited edition talaga. Kung ako yon ibebenta ko nalang, edi nagka pera pa ako.
"Woohh take it easy girls. I'll make sure that all your gifts would recieve by my brother" sabi niya. Matangkad siya na moreno. Matangos ilong, tapos yung uniform niya fit na fit sa katawan niya.
"Ito din ibigay kona din kaya to?" tanong ni tine sa amin. Pinapakita niya yung brief tsaka boxers na paninda niya.
"Oo sige. Malaki ba yan? Baka hindi magkasya sa kuya niya alam niyo naman" sabi ni alexis na may halong tawa.
"Hoy mga babaita kayo, hindi naman yon diyos para sambahin niyo ng ganyan. Ano yan alay" singit ko namang sabi sakanila.
"Alam mo ikaw, kaya hindi nagkaka jowa ehh masyado kang nega" sabi ni tine sa akin.
"Ai ewan ko sa inyo, mauna na ako. Hintayin ko nalang kayo sa bench sa likod" sabi ko sakanila. Tumango naman silang lahat.
Naglakad na ako papunta sa building namin para ilagay muna yung mga gamit ko, may twenty minutes pa naman para magpahinga. Tumabay muna ako sa bench pagbaba ko ng building namin. May mga studyante din na nakatambay dito. Pero hindi masyadong crowded.
YOU ARE READING
I found Kimi Wa
RomanceThere is no exact time and day when you will meet the person who is really meant for you, until one day you will just see him somewhere and you can say, how handsome he is. His fragrance, stature and his very serious in life. And you can just tell y...