"You are late again ms.gonzales and ms.cuevas" bungad sa amin ni ms.maricar. Ang aga palang galit na siya.Umupo nalang kami sa table namin sa tabi ni alexis.
"Ui merben nakapag review kana ba?" tanong sa akin ni alexis.
"Syempre ano pa nga ba edi hindi haha, pero nag basa basa naman ako kanina ng konti." patawa kong sagot sakanya.
"Oh ikaw naman Crystine?" tanong din ni alexis sakanya.
"Ako pa edi hindi, pakopyahin niyo nalang ako. Alam niyo namang bobo talaga ako sa math diba" sagot niya naman sa amin. Prelims namin ngayon pero yung utak namin walang laman. Himala nalang talaga kapag naka graduate kami.
"Okay the test will begin, no cheating, no talking and specially no candies and gums on my class" paalala ni ms.maricar. Pano naman ako makakapag isip ng sagot niyan.
~°~
After ng exam namin dumiretso kami sa sakayan ng jeep. Kakatapos lang ng last subject namin. Half day lang kami kaya pwede na kaming gumala after nito."Saan tayo ngayon?" tanong ko sakanila.
"Sa dorm ko nalang" prisinta ni alexis yayamanin. Pumayag naman kaming dalawa ni tine. Pagsakay namin sa jeep pumwesto kami sa pinaka bungad. Ayaw na ayaw kasi namim nang nag aabot ng bayad. Tsaka naka palda kami ng pencil cut kaya mahirap bumaba pag nasa dulo pa.
"Bayad po" sabay abot ko sa bayad namin. Libre ni alexis kasi siya lang talaga ang mayaman samin. Kung wala si alexis malamang nag 123 nanaman itong si tine. Tawag nga sakanya sa room 123 girl.
Pagbaba namin dumiretso na kami sa dorm ni alexis. Nag order din siya pizza sa SnR, para samin mahal nayon pero cheap lang talaga yon sakanya. Siya talaga yung kaibigan na kahit mayaman hindi mapag malaki.
"Ui ano pala balak natin this coming monday, we only have 5 days para makapag review" tanong ni tine. Pina alala niya pa yung isang yon.
May magaganap na academic contest sa darating na lunes. At well excited kami kasi sa walter gaganapin. Maraming school ang makakalaban namin. Well pa uso lang naman kasi ni mayor. Hindi ito contest na provided by schools. Pero may mga students na representatives by school.
Sumali kaming tatlo para sa pera, malaki daw kasi yung premyo. At alam naman namin sa sarili namin na gipit talaga kami. Kaya grab the opportunity na agad, sino ba namang tatangi sa pera.
"Sa tingin niyo ba nandon din yung mga taga UA?" tanong ni alexis. University of Assumption, pugad ng mga gwapo.
Pero hindi ko padin ipagkaka ila na madami din namang gwapo sa school namin, Dhvsu for the win.
"Siguro, may college department naman ang UA kaya for sure meron. Isa pa hindi magpapatalo ang mga viotto" sabi naman ni tine.
"Viotto?" tanong ko.
"Hoy pashneya ka merben hindi mo sila kilala?" tanong sa akin ni alexis.
"Hindi niya, taong bundok kasi yan, tsaka study first talaga haha" pagbibirong sabi ni tine.
"Aba bakit artista ba sila na dapat kong kilalalanin!" pag dadahilan ko. Ni ibang artista nga hindi ko kilala.
"Hindi naman pero kaya nilang paikutin ang mundo mo" sabi naman ni alexis.
"Osya paikutin na kung paikutin. Basta hindi ko sila kilala" sabi ko nalang sabay subo ng pizza.
~°~
"So ganon nalang mag rereview tayo bukas. Dito nalang ulit sa dorm ko" sabi ni alexis. "Ipapasundo ko nalang kayo sa pinsan ko" dagdag pa niya.
YOU ARE READING
I found Kimi Wa
RomanceThere is no exact time and day when you will meet the person who is really meant for you, until one day you will just see him somewhere and you can say, how handsome he is. His fragrance, stature and his very serious in life. And you can just tell y...