Chapter 2

7 1 0
                                    

~°~
"Hoy alexis hindi mo naman sinabi ang pogi pala nung pinsan mo" sabi ni tine.

Nandito na din siya sa dorm ngayon, ang bilis niya ding napaubos nung mga paininda niya.

"Hati hati nalang tayo no para mas madami tayong alam. Quiz bee naman yon kaya share share ng knowledge nalang" sabi ni alexis.

"Ako na sa english, leave that to me" sabi ni tine. Wala din akong masabi sa vocabulary niya pero kung magsalita siya akala mo taga squatter area.

"I do history and all branches of science" sabi naman ni alexis.

"I'll do the math and countries then" sabi ko naman. Nagbigay naman sila ng hint para sa mga dapat naming pag aralan para sa quiz bee kaya medyo mas napadali yung pag rereview namin.

Hati hati kami sa premyo kung sakali. 50-30-20 ang hatian. Kay alexis yung 20 kasi hindi naman talaga niya kailangan ng pera, sinali lang namin siya kasi kuoang kami ng isang member. Sa akin naman yung 30,at kay tine yung 50 dahil malaki talaga ang panganagilangan niya. Mag aalas onse na din nung matapos kami mag review.

"Saan niyo gusto kumain?" tanong sa amin ni alexis. Yayamanin talaga.

"Kahit jan sa karenderya nalang sa labas" sagot naman ni tine.

"Ai wait, ask ko nalang si dion. Sasabay nadin yata siya mag lunch." sabi naman ni alexis.

Habang nag uusao sila sa phone nag chika naman itong si tine.

"Ui dai alam mo ba, yung kapatid ni nathan lilipat daw sa school natin" sabi niya habang kinikilig.

"Eh ano naman kung lumipat! Tsaka wala akong pake diyan ni hindi ko nga kilaka yang nathan na sinasabi mo" sagot ko naman sakanya.

"Ito yung sikat na lalake sa hau, yung mistiso na ngsb daw, engineering course tapos mayaman" pagpapaliwanag niya.

"Oh tapos?" tanong ko ulit na hindi talaga ako interesado sa kwento niya.

"Eh malamang baka makita ko din si nathan, malay mo lang naman. Tapos makikita ko siya, lalakad siya sa hallway, ihuhulog ko libro ko tapos boom ayun na" sabi niya.

"Anong ayon na?" tanong ko sakanya.

"Ayon ihuhulog ko yung number mo sa bulsa niya. Para naman magka jowa kana" sabi niya. Aba'y dinamay pa ako. Akala ko naman may gusto siya doon sa nathan na sinasabi niya.

"Ui guys tara nalang daw sa mcdo sa capitol" sabi ni alexis. Sumangayon naman kaming dalawa ni tine. Naghintay lang kami ng 10 minutes dumating na din si dion.

Nasa front seat nanaman ako, hindi ko alam kung bakit dito nanaman ako pinaupo nung dalawa.

"Ui anong balita niyo kay drie?" tanong ko sakanila.

"Ayun nasa tagaytay padin" sabi ni alexis.

Wala pa kadi akong contact sakanya ngayon. Nagbakasyon kasi siya kasama yung boyfriend niyang modelo.

"Galing mamingwit ni drie, sana ako din may mabingwit. Eheemm" sabi ni tine na parang may pina riringan.

"Ganon ba yon, binibingwit?" tanong ni dion mula sa harap, sabay tawa ng konti.

"Oo naman, mahirap makahanap ngayon ng mayaman na gwapo. Baka naman dion" sabi niya. Hindi ko talaga nababasa utak nitong si tine ang daming pasikot sikot.

"Anong baka naman?" tanong niya.

"Beke nemen, may barkada kabang gwapo na mayaman diyan?" walang hiya niyang tanong. Lakas talaga ng loob tine.

I found Kimi Wa Where stories live. Discover now