Nasa school kami ngayon, may p.e kami ngayon. Buti pa si tine nasa clinic ang galing talaga mag drama. Masakit daw puson niya, yun pala kausap niya lang si xavier sa phone kaya nag drama siya.
"Oy drie diba si louie yon?" sabi ni alexis sa amin sabay kalabit.
"Oo siya nga, jusko ang gwapong bata talaga. Mana sa kuya" sabi ni drie sabay tingin sa akin. Hay nako issue talaga ng mga kaibigan ko.
"Ako nanaman" sabi ko sakanya.
"Hala wala pa akong sinasabi, tinignan lang kita" sabi ni drie. Kung nandito si tine baka binigyan niya na ng brief si louie.
Naka kumpol nanaman yung mga tao sa palibot niya, mala holywood actor kasi ang itsura.
Nag jog muna kami hanggang maka tatlong ikot kami ng court kami. Mainit kasi sa field kaya dito kami nag p.e.
"Okay water break" sabi ng prof namin.
"Tara doon muna tayo sa gilid" sabi ni drie. Sakto namang dumating na si tine.
"Hoy skip girl" tawag ko sakanya. Tumawa lang naman siya.
"Hoy may chika ako" sabi ni tine.
"Ano?" tanong naman naming tatlo. Hingal na hingal pa siyang nag kwento nagmamadali.
"Si nathan nakita ko papasok ng gate" sabi niya. Bigla ko agad inayos yung sarili ko, nagpunas ng pawis tsaka nag suklay ng buhok.
"Hoy gaga anong ginagawa mo?" tanong ni drie sa akin.
"Aahh wala, init kasi" palusot ko namang sabi. Syempre nakakahiya naman amoy pawis ako. Pero bakit ngaba ako nag aayos.
"Narinig molang yung pangalan ni nathan todo paganda ka diyan ah" sabi ni tine.
"Hindi ah" palusot ko namang sabi.
"Hoy ayon na siya papasok ng court" biglang sabi ni drie. Kaagad ko namang dinampot yung pabango ko sabay spray sa katawan ko.
"Oh diba confrim" sabi agad ni drie sabay tawa nilang tatlo.
"Gaga wala siya" pag babawi ni drie sa sinabi niya kanina. Lakas talaga man trip.
"Hoy hindi nakakatawa" sabi ko lang sakanila. Pero natawa din ako kahit papano.
"Hoy ayan na talaga siya" sabi ni drie pero hindi ko nalang siya pinansin.
"Hay nako wag mo akong pag tripan drie" sabi ko sakanya habang umiinom ng tubig.
"Gaga andiyan na talaga" sabi naman ni tine. Pag tumingin ako pustaham tatawa itong tatlo. Kaya patuloy lang ako sa pag inom ng tubig.
"Heh manahimik kayo, ano namang gagawin dito ni nathan eh hindi mahilig sa exposure yon. Pustahan hindi yon pupunta dito, ipusta kopa panty ko" sabi ko sakanila.
"Talaga ba?" Bigla kong dinig na boses ni nathan sa likod ko.
Bigla nalang akong namuoa at nanahimik sa kinatatayuan ko. Muntik ko pang maibuga yung iniinom kong tubig.
Liningon ko siya at nakitang nakatayo sa likod ko. Napababa yung tingin ko sa katawan niya. Bakit ganito naman ito manamit, kapit na kapit yung tela. Yung muscle niya halatang halata.
Wala pang nakaka pansin sa kanya na pumasok sa court dahil busy yung mga tao kay louie. Kaagad namang umalis yung tatlo sa harapan ko.
"Hoy saan kayo pupunta?" tanong ko sakanila.
"Mag re-refeel ng tubig, kuhanan kana namin ahh bye" sabi ni alexis sabay alis nilang tatlo.
Napalingon naman ako kay nathan na nakatayo padin sa harap ko.
YOU ARE READING
I found Kimi Wa
Roman d'amourThere is no exact time and day when you will meet the person who is really meant for you, until one day you will just see him somewhere and you can say, how handsome he is. His fragrance, stature and his very serious in life. And you can just tell y...