"Oh my gad, baka siya na talaga yung para sayo" over acting naman itong si alexis.
"Hindi no, nagkataon lang" sabi ko sakanila. Kinuwento ko yung nangyari kahapon sa bench tungkol kay nathan.
"Diba ang gwapo niya? Bagay kayo syonga. Wag kana magpakipot kapag linigawan ka hah" sabi ni tine. Aaminin ko naman na gwapo talaga siya, at pasok siya sa standard ko. Wow taas ng standard ah.
"Oo na gwapo siya" sabi ko naman. Bakit parang kinikilig naman ako.
"It's your time to landi" sabi ni tine. Bunganga talaga nito walang preno.
"Oh ikaw ipaliwanag mo muna kung paano ka nakauwi kagabi" sabi ko sakanya.
"Oo nga pala, pano ka ngaba nakauwi ng buhay kagabi?" tanong din ni alexis.
"Kasi nga syempre hinatid ako ni xavier" maikli niyang sabi.
"Hoy sinong xavier yan, yung rule number 1 natin nakalimutan niyo na yata. Ipakilala muna bago pag chismisan ng tropa" paglilinaw ni drie. Oo nga pala hindi pa niya kilala si xavier.
"Rineto ni dion sakanya" sabi ni alexis.
"And who's dion?" tanong ulit ni drie.
"Yung hot na pinsan ni alexis, sayang dimo nakita. Bakasyon ka kasi may pasok" sabi ni tine sakanya.
"Eh namimiss nya na nga daw ako" pag iingit naman ni drie sakanya.
"Edi ikaw na may healthy relationship" sabi ni tine.
Nasa sala kami ngayon sa apartment. Napag isipan naming mag review saglit. Bukas na kasi yung quiz bee. Sayang naman pag hindi kami yung manalo. Sayang effort.
"Goodluck sa inyo bukas" pag che cheer up ni drie.
"Ai siya nga pala, gusto niyo ba I try uminom doon sa bagong bukas na resto bar, libre ko" sabi ni alexis.
"Sige tara, for sure may mabibingwit ako doon" sabi naman ni tine. Pag talaga libre G na G siya.
~°~
Nag drive na si alexis."Mamaya pag nasa dance floor iwasan ang makipag chukchak hah" paalala ni drie.
"Pano pag pogi na mayaman" tanong naman ni tine. Aba may balak talaga.
"Subukan mo, itatali kita patiwarik" sabi ko naman sakanya. Tumawa lang sila.
Pagdating namin doon madami na agad tao. Pero may naka reserve na, na table para sa amin. May mga tao din sa vip room. Nasa classic lang naman kami.
Umorder na si alexis ng drinks, nakaupo lang kami dito naghihintay ng himala.
"Ano hindi kayo sasayaw?" tanong ni tine sabay tayo.
"Mauna na ako, lalandi pako hah. May nakita akong gwapo doon sa dulo baka lang naman" sabi niya.
"Hoy ingatan mo si Elizabeth" paalala ni drie sakanya. Tunango lang siya sabay kaway sa hangin.
"Ako naman uhmmm, ano kasi" sabi na ngaba. Alam kona sasabihin niya.
"Oo na, strict boyfriend mo. Puntahan mona" sabi ko sakanya.
"Thank you merben, wag kang mag alala babawi ako sayo pag uwi" sabi niya. Ano ba mag iinuman ba talaga kami oh mag iinom ako mag isa. Madalas ganyan. Mag aaya sila para humarot. Madalas kami lang ni alexis naiiwan, madalas din ako lang mag isa.
"Oh nasaan na yung dalaw?" tanong niya.
"As usual" sagot ko naman.
"Osya inom nalang tayo, oh ayan na pala si tine eh" sabi niya.
YOU ARE READING
I found Kimi Wa
Любовные романыThere is no exact time and day when you will meet the person who is really meant for you, until one day you will just see him somewhere and you can say, how handsome he is. His fragrance, stature and his very serious in life. And you can just tell y...