Chapter 1

81 1 0
                                    

GRADUATION DAY."Yehey!" Masayang inihagis ng mga nagtapos ang kanilang toga nagsigawan at nagtalunan silang lahat.

Nakangiti naman si Hara sa wakas nakatapos na siya."This is it pansit!" Tumingala siya sa langit kayganda ng panahon asul na asul ang kalangitan Nakikiayon sa mga nagtapos.

"Hoy, Hara. Anong plano mo ngayon tapos na tayo?" si Jing ang nagsalita napatingin si Hara rito nagtaka siya hindi naman sila close o kaya magkaibigan minsan nga nagiirapan sila why now kinausap siya nito.

"Bakit mo naman natanong, Jing?" sagot ni Hara rito.

"Wala lang naman, alam ko hindi na tayo magkikita pa, pero malay natin magkasipaan tayo sa upuan sa jeep, bus, train, O kaya maging office di ba? So, anong plano mo?"

Bakit kaya atat itong malaman? Ngumiti siya rito."Nothing, pahayahay muna ako sa bahay, sige maiwan na kita lapitan ko lang ang family kung naghihintay sa akin, bye see you, Jing. Pero hindi natin alam kung kailan tayo magkita, kagaya nga ng sinabi mo maybe isa sa mga nabanggit mo." Lumakad na siyang palayo sa babae.

Nakasunod lang ng tingin si Jing kay Hara habang papalayo ito. Sa totoo lang gusto niyang malaman kung saan ito mag apply ng trabaho. Alam kasi niyang sa malaking kompanya ito mapunta dahil ang pamilya nito ay may sinasabi sa buhay. Ang ama nito may connection sa malalaking company sa bansa.

"Hello, everyone!" Masayang bati ni Hara sa magulang at kapatid.

"Congrats, Anak!" Niyakap siya ng ina.

"Congras! Congrats, Hara!" Yumakap din ang ate niya sa kanya."So, what do you want to day? I mean is a gift ha," pagtatama ng kanyang ate.

Bumulong si Hara sa ate niya."Boylet!"

Tumawa ang kanyang ate."Gusto mo kurot sa singit, ha!"

"Aray ko po, Ate. Masakit kaya ito!" nakangiting sabi ni Hars.

"Ano ba kasi ang gusto mo ha, Hara?" tanong ng ina.

"Ma, Pa. Puwede na ba akong magka-boyfriend di ba?"

Napailing pero nakangiti ang ama ni Hara sa sinabi niya."Yeah, you can," tugon ng ama.

Abot langit ang ngiti ni Hara sa sinabi ng ama. At kinikilig siyang isipin na puwede na siyang magka-boyfriend na.

"Sobra ka naman makaatat, Hara. Hinay-hinay ka lang baka maka-meet ka ng bad boy, at mangloloko," sabat ng kuya na nakangiti naman.

"Kung katulad mo rin lang naman Kuya, huwag na lang tatanda na lang akong dalaga," kilala kasi niyang babaero ito.

"Oh, talaga eh, kung kasing guwapo ko aayaw ka pa ba ha, Hara?"

"Kahit na, ayoko pa rin, Kuya. Ang gusto ko iyon ako lang ang babaing mamahalin ng lalaking mamahalin ko. At di bale ng hindi guwapo basta honest at tapat."

"Sinasabi mo lang iyan, Hara. But when see a handsome man, tignan lang nating kung hindi ka mapapanganga ba."

"Tseee!" tugon ni Hara sa kuya.

"Hay naku tara na walang matutunguhan ang usapan iyan," awat ng kanilang ina.

Sa isang restaurant sa Manila hotel sila tumuloy. Eat all you can, ganito sila kung kumain sa labas lamon talaga pero sosyal.

Habang sila ay kumakain."So, Hara. Gusto mo bang sa opisina ko magtrabaho?" tanong ng ama.

"Pa, hindi bat masyado pang maaga para magtrabaho ako?"

"I'm just asking, if you want lang naman, yeah I gave you a time but when you are ready sabihin mo lang sa akin okay!"

"Ano ka ba, Edgar. Katatapos lang ni Hara. Hayaan muna nating na magpahinga siya bago magtrabaho, let's eat muna."

WHEN HARA, MEET HAROLD. By Ginalyn A. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon