6

95 7 0
                                        

Sa nakalipas na taon naging maganda ang trabaho ko sa firm kasama ang co-architect ko andito kami ngayon sa restaurant malapit lang din sa firm.

"Deeanne kelan matatapos yung sayo?"tanong ni Natalie
"Medyo matagal pa nasa kalahati pa lang ang natatapos dun sa property ni Mr. Quejada yung sa inyo?"balik tanong ko.

"Patapos na din sa wakas buti na lang"sagot ni Candace
"Sakin malapit na din"sagot ni Natalie

"Oo nga pala malapit na ang birthday ng kambal buti na lang talaga at weekend tinapatan at wag na hindi kayo pupunta"sabi ko
"G ako dyan sasama ko si boyfie"ani Natalie

"So kelan ang kasal?"tanong ni Candace" tagal niyo na din
"Matagal pa nag iipon pa kaming dalawa"sagot nito
"Sabagay mahirap naman talaga bumuo ng pamilya kung wala pang sapat na ipon"sagot ni Natalie

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Nang matapos kaming mag snack ay bumalik kami sa firm.

Agad kong tinapos ang ginagawa ko dahil kailangan kong pumunta sa site kaya nang natapos ay agad akong umalis sakay ng service vehicle nag pa hatid ako sa site.

Pag karating ko doon ay sinalubong ako ni Engineer Cepeda kilala ko ito dahil ka batchmate ko ito nung nasa college ako at ka team ni Miguel at nagulat ako na ito pala ang engineer na kinuha ni Mr. Quejada.

"Nathan sorry na late ako may tinapos lang ako sa office"hingi ko ng sorry
"It's ok so let's go"aya nito at tumango lang ako sa kanya.

Medyo ilag ako sa kanya dahil na din na best friend ito ni Miguel kaya siguro ganoon.

Matapos icheck lahat ay nag aya ito na mag meryenda tatanggi sana ako pero mapilit ito kaya napapayag na din ako.

Habang nag snack kami ay binasag nito ang katahimikan

"Deeanne may problema ba kasi matagal ko nang napapansin na masyado kang aloof sa akin dahil ba best friend ko ang asawa mo"tanong nito
"Sorry, "tipid na sabi ko
"Sorry for what?"tanong nito
"Ok aminin ko aloof talaga ako sayo dahil best friend ka ni Miguel hindi mo maiiwasan sa akin yun" sabi ko

"Deeanne para naman hindi tayo naging mag kaibigan alam ko labas ako sa issues niyo ni Miguel pero nag try na ba kayong mag usap na dalawa kasal at may anak kayo"sabi nito

"Nathan wala syang anak sa akin simula ng umalis sya ng walang paalam doon palang hindi niya kami pinili o pinaglaban nawalan na sya ng karapatan sa mga anak ko alam kong mali yun pero ayaw ko dumating sa point na masasaktan ang mga anak ko" mahabang sabi ko

"I know I understand sorry tama ka naman pero hindi mo ba bibigyan ng chance man lang?"tanong nito
"Chance na ano na maging tatay sa kambal?"tanong ko at tumango ito "ewan ko Nathan"sagot ko na lang.

"Pero kung ako sayo try niyong mag usap na dalawa para sa mga anak niyo"pag pupumilit nito
"Pag iisipan ko sa ngayon kasi mas gusto ko mag focus sa trabaho at sa future ng mga anak ko"sabi ko

Matapos ng araw na yon ay bumalik ako ng office para kunin ang ibang naiwan ko saka ako nag commute pauwi pero bago yun ay dumaan muna ako ng grocery para bumili ng pangangailan ng mga anak ko at sa bahay.

Matapos mamili ay dumeretso na agad ako sa bahay na agad akong sinalubong ng mga reliever ko ng halik at yakap.

"Mmm ang sarap naman ng kiss ng mga babies ni Mama"sabi ko at pinag hahalikan ko ang dalawa.

"Andyan kana pala"ani Mama
"Opo Ma kakarating ko lang po dumaan pa kasi ako ng grocery"sagot ko "mag papalit lang po ako Ma"paalam ko

Ang dalawa naman ay nakahawak sa damit ko at sabay sabay kaming pumasok ng kwarto at agad na nag palit ng kumportableng damit.

"Anak makulit ba kayo kanina?" Tanong ko
"Hindi po Mama"sagot ng dalawa
"Mabait pala ang babies ni Mama"sabi ko at pinag hahalikan ko sila
"Mama may office ka bukas?" Tanong nito
"Walang pasok si Mama dito lang si Mama bukas"sabi ko na kinatuwa nila
"Yehey andito lang si Mama"masayang sabi nila

"Tara na help niyo si Mama"aya ko at lumabas kami ng kwarto para ayusin ang mga pinamili ko at tuwang tuwa naman ang dalawa habang tinutulugan ako.

Sumapit ang araw ng 3rd birthday ng kambal dumalo ang mga ka trabaho ko.

Busy ako sa pag estima sa mga bisita si Deina ay nakay Candace dahil kalaro ang anak nito si Drake naman ay na kay Mark nakikipag kulitan sa ninong niya.

"Anak may bisita ka"ani Mama

at nagulat ako kung sino ang kasama ni Nathan walang iba kundi si Miguel agad akong lumapit sa kanila.

"Deeanne sorry pero gusto talaga niya makita ang mga anak niyo"hingi agad ng sorry ni Nathan at tumango na lang ako.

"Feel at home"sabi ko na lang at tumalikod na ako

Nakita ko na inasikaso ni Mama sila Miguel at Nathan.

Lumapit sa akin si Mama.

"Anak ayos ka lang?"tanong nito
"Ayos lang po Ma doon lang ako kela Natalie"paalam ko kaya agad akong lumapit sa kanila si Deina at agad na nag pa buhat sa akin.

"Love you Mama"lambing nito
"Love you too baby"sagot ko at kinikiliti ko ito na kinatawa naman at nakita ko na nakatingin si Miguel sa amin kaya nag iwas agad ako ng tingin dito.

"Lorice natapunan si Drake ng juice"ani Mark na buhat buhat si Drake
"Bakit binuhat mo pa madudumihan damit mo"sabi ko
"Wala yun ilang beses na ba ako inihian ni Drake"natatawang sabi nito.

"Halika anak palit ka muna ng damit"aya ko kay Drake nang mapalitan ay agad kaming lumabas.

Papalapit na kami sa table nila Natalie nang salubungin kami ni Miguel at Nathan.

"Deeanne ito nga pala gift ko sa anak mo"abot ang dalawang regalo para sa kambal.
"Say thank you Drake ,Deina"sabi ko
"Thank you po"sabay na sabi ng dalawa

Si Miguel titig na titig sa mga anak alam ko na nangungulila sya sa mga anak pero natatakot ako na hindi tanggapin ang mga anak ko ng pamilya nito at ayokong masaktan ang mga anak ko kahit ako na lang masaktan wag lang ang kambal.

"Deeanne maiwan ko muna kayo it's time na mag usap kayong dalawa"ani ni Nathan

"Pwede bang mamaya na lang after nito"sabi ko
"Ok I'll wait"si Miguel ang sumagot

Tumakbo ang dalawang bata kay Mark at nakita ko na naka sunod ang mga mata ni Miguel sa mga anak nakita ko ang lungkot na gusto nitong mayakap ang mga anak.

Siguro nga it's about time na makilala na ng kambal ang Daddy nila.

Natapos ang party at mangilan ilan na din ang umalis kaya tinawag ko ang kambal na agad naman na lumapit ang dalawa saka ako tumingin kay Miguel na agad na lumapit sa amin.

Dahil walang place kung saan kami pwede na mag usap ng sarilinan ay doon kami sa kwarto namin ng kambal.

"Mama sino po sya?"tanong ni Deina pag ka pasok namin sa kwarto

"Mga anak gusto ko makinig kayong mabuti kay Mama ha sa sasabihin ni Mama"sabi ko at tumango ang dalawa huminga muna ako ng malalim bago nag salita.

"Anak sya si Miguel"pakilala ko
"Hi po kayo po ang friend ni Mama ko?"bibong tanong ni Drake
"Anak hindi sya friend ni Mama sya si Papa niyo"sabi ko biglang tulo ng luha ko

"Ikaw Papa namin?"si Deina
"Yes baby"maluhang sabi nito
"Kung ikaw Papa namin ni Deina bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Drake
"Nasa malayo si Papa sorry mga anak"sabi nito sa mga bata at agad na niyakap ang mga ito
"Happy kami Papa andito ka na nag pray kami kay papa God na dumating ka na"masayang sabi ni Deina "Love you Papa"dagdag nito
"Daddy's love you too sweetheart"ani Miguel

Hindi ko alam na may isasaya pa pala ang mga anak ko ang makilala at mayakap ang ama nila.

My Runaway Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now