Isang linggo na mula ng naka labas ako ng ospital isang linggo na din na wala si Miguel dito sa condo tanging kami ng mga anak ko at isang kasambahay ang kasama namin dito.
Sa loob ng isang linggo na wala ito kahit tawag o text ay wala akong natanggap mula dito.
Nag aalala na ako dahil wala itong paramdam, alam ko may kasalanan din ako dahil naging malamig din ang pakikitungo ko dito maging ng mga anak namin.
"Mama galit ba si Papa sa amin?"gulat na tanong ni Drake.
"Hindi anak bakit mo nasabi?"tanong ko.
"Kasi Mama hindi namin pansin si Papa ni Deina Mama"sabi nito.
"Anak pag dumating si Papa bawi tayo sa kanya ha"sabi ko.
"Opo Mama miss na namin si Papa"ani Deina.
Lumipas ang isang buwan wala talaga itong paramdam sa mga bata nahiya naman akong mag tanong kay Papa pag nadalaw dito sa condo.
Kasalukuyan na nag lalaro ang mga bata sa sala nang tumunog ang doorbell agad ko itong binuksan.
"Kayo po pala sir tuloy po kayo"aya ko sa Daddy ni Miguel. "Maupo po kayo"dagdag ko
"Deeanne kamusta na kayo ng mga bata?"tanong nito
"Maayos naman na po Sir patuloy pa din po ang therapy ng mga bata sa therapist nila"sabi ko.
"Deeanne ako na ang humihingi ng sorry sa nagawa ng asawa ko"bulas nito
"Sir ok lang po ang mahalaga lang naman po ay ayos na po ako maging ng mga anak ko"sabi ko.
"Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya sa inyo pinuntahan ko sya sa correctional pero unti unting nawala sa katinuan ang asawa ko kaya na pag pasyahan na dalhin ito sa mental facility"sabi nito.
"Sorry po Sir nang dahil sa akin nangyari ito sa pamilya niyo"sabi ko
"No wala kang kasalanan dito Deeanne biktima ka lang kung sana natutunan kong mahalin ang asawa ko hindi siya mag kakaganon"sabi nito.
"Sir naniniwala po ako na gagaling po ang asawa niyo"sabi ko.
"Salamat Deeanne sa kabila nang nagawa ng asawa ko at sa pag abandona ng anak ko sa inyo ako na ang humihingi ng tawad"
"Sir tanggap ko naman po na simula po noon na hanggang doon na lang kami ni Miguel ang mahalaga lang naman po sa akin ang makilala ng kambal ang Papa nila"totoong sabi ko.
"Mama"tawag ni Drake
"Nagugutom na kayo anak?"tanong ko
"Hindi po Mama kelan po punta si Papa"tanong nito pero bago ako makasagot.
"Deeanne hindi ba napunta si Miguel dito?"takang tanong nito
"Hindi po Sir matagal na po mula po ng hinatid kami dito sa condo umalis na po sya"sabi ko "baka madami lang pong inaasikaso si Miguel"dagdag ko.
"Naka leave si Miguel sa trabaho niya"sabi nito
"Sir kasalanan ko din po kasi kaya umalis ito naging malamig din po ang treatment namin ng mga bata sa kanya"sabi ko "sorry po"
"Deeanne alam ko pinag daanan niyo hindi din madali ang nangyari pero sige ako ang makikiapag usap sa anak ko"sabi nito
"Naku wag na po hayaan na lang po natin na mag kusa si Miguel"sabi ko.
"Kung ayan ang gusto mo sige"sabi nito.
Hindi nang tagal ay umalis na din ito tanging kaming mag iina ang natira dito sa condo.
"Mama namimis ko na si Papa"sabi ni Deina
"Anak pupunta din si Papa mo sige na anak mag meryenda na kayo"sabi ko.
Habang nakain ang dalawa napapaisip ako kung ano na ang nangyari kay Miguel.
Sa loob ng isang taon na unti unti na din naging ayos ang lagay ng mga anak ko andoon na ang response nila.
At sa loob ng isang taon naging ayos na ang lagay ng mga anak ko at inenrol ko na sila, ako naman ay dito na sa Manila nag trabaho sa isang branch namin at ayun din ang kagustuhan na din ni Papa dahil gusto niya na bumawi sa lahat ng pag kukulang nito.
Nakilala ko na ang bago nitong asawa maging ang mga anak nito.
Unti unti na din nasasanay ang mga anak ko although minsan tinatanong nila ang Papa nila pero hindi ko alam ang sasabihin ko dahil una wala akong alam kung asan to.
Kasalukuyan kong inaasikaso ang mga anak ko dahil ngayon ang foundation day sa school nila kasama ko si Mark na lumuwas ito ng Manila dahil may inasikaso ito at dumaan na din sa condo namin.
Nakiusap ang mga anak ko sa ninong nila at hindi naman napahindian ni Mark ang kagustuhan ng mga bata.
Spoiled kasi ang mga anak ko kay Mark lalo na si Drake.
Pag karating namin sa school ay pumunta kami kung asan ang mga classmate nila at kinausap din kami ng teacher ng mga bata.
Masaya ang mga anak ko sa bawat activity ng school hindi nawawala yung masayang tawa nila.
Matapos ang event ay pinalitan ko agad sila ng damit para hindi matuyuan ng pawis.
"Ninong uuwi na din po ba kayo pag tapos nito?"tanong ni Drake.
"Oo Drake e"sagot nito.
"Ay hindi kana po mag tatagal dito?"tanong muli
"Sige hindi muna uuwi si ninong ok ba yun Drake"sabi nito
"Talaga po yehey"
"Ikaw talaga kaya na spoiled si Drake e"sita ko
"Yaan mo na minsan lang din naman ako maka luwas at makita sila"sabi nito
"Sya tara na"aya ko.
Nag pa buhat si Deina sa akin dahil di na daw niya kaya mag lakad napailing na lang ako.
"Deeanne pwede kumain muna tayo bago ko kayo ihatid"sabi nito.
"Sabagay anong oras na din para tuloy tuloy na din tulog ni Deina inaantok na e"sabi ko.
Kaya nag punta kami sa mall at doon napagpasyahan na mag early dinner.
After namin kumain ay dumeretso na din kami ng grocery after noon ay hinatid na kami nito pauwi.
Pag karating namin ng parking ng condo agad ko na inalis ang seatbelt ng kambal si Mark naman inaayos yung mga pinamili namin.
Pag labas namin ng elevator ay nagulat ako ng makita ko sa labas unit si Miguel.
Tahimik kaming lumapit ng mga anak ko si Mark naman ay tahimik lang din na nakasunod sa amin.
"Kanina ka pa?"tanong ko.
"No kakarating ko lang"sagot nito.
Agad kong binuksan ang pinto agad naman na pumasok ang mga anak ko.
"Upo ka"sabi ko sa kanya.
Ang mga anak ko naman ay tahimik lang sa tabi ko.
"Ah Deeanne una na ako"paalam nito
"Ninong aalis ka agad sabi mo mag play tayo"ani Drake malapit kasi ito kay Mark.
"Drake bawi si ninong ha babalik na lang ako may aasikasuhin pa kasi si ninong"sabi nito
"Sige po balik ka ninong ha"sabi nito.
"Una na ako Deeanne, Miguel"paalam nito.
"Hatid na kita"sabi ko.
Pag labas namin ay kinausap ako nito.
"Deeanne ok ka lang?"alalang tanong nito
"Oo medyo nagulat lang ako dahil biglang dumating to after ng umalis ng walang paalam sa mga anak biglang susulpot"sabi ko." Talent niya na ata yon"dagdag ko
"Kausapin mo na lang tanungin mo kung anong nangyari bakit hindi sya nag papakita sa mga bata"sabi nito.
"Sige na baka gabihin ka"sabi ko.
Bumalik ako ng unit ko pero kung ano ang iniwan ko ganun pa din katahimik.
"Deeanne"basag nito
YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETED)
RomansWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...
