12

201 7 1
                                        

Matapos ang insidenteng yon lalong naging mailap kami kay Miguel lalo na ang kambal at alam ko na ramdam din iyon ni Miguel.

Hindi ko masisisi kung takot ang mga anak ko sa Papa nila kahit na ilang beses ko sabihan ang kambal pero iisa lang ang sagot nito lagi.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto lang dahil ayaw din ng mga bata na lumabas mas gusto nila na sa kwarto na lang sila mag laro kahit na anong pilit ko pero ayaw talaga nila.

"Mama"tawag ni Drake
"Bakit anak?"tanong ko
"Mama kelan tayo uuwi saka di ba po mag School na po kami"tanong nito.
"Anak hindi ko pa alam e"sagot ko.
"Mama gusto ko na po uwi miss ko na sila Lola"sabi nito.

"Antay lang tayo anak ha kahit si Mama hindi din alam"sagot ko "sige na laro ka lang dyan"dagdag ko.

Si Deina naman ay nasa lap ko at nag lalambing sa akin.

"Mama dede po ako"sabi nito.
"Teka titimpla lang si Mama"sabi ko
"Yaw ko po nun Mama gusto ko sayo"sagot nito nito. Kaya pina breastfeed ko sya.

Ewan ko ba sa batang to masyadong trip sa akin dumede although meron pa naman pero hindi na kalakasan.

Kasalukuyan nadede si Deina sakin ng pumasok si Miguel medyo nahiya ako kaya tinakpan ko ng towel ang dibdib ko.

"Sorry"sabi ko.
"Pumasok ako dahil baka gusto niyo na sumama para na din maipasyal ang mga anak natin"sabi nito.
"Si Drake na lang isama mo kasi si Deina tulog na at mag wawala ito pag nasira ang tulog"sabi ko.
"Ah ganun ba sige si Drake na lang"sabi nito

"Anak sama ka kay Papa"sabi ko
"Sama ka Mama?"tanong nito
"Hindi anak tulog na si Deina"sabi ko
"Ayaw ko po Mama dito na lang po ako"sagot nito.
"Sige ako na lang"sabi nito at lumabas na ito ng kwarto.

"Anak bakit ayaw mong sumama kay Papa mo?"tanong ko
"Ayaw ko po Mama saka nakaka takot si Papa pag nasigaw"sabi nito

"Anak galit lang si Papa mo kaya naka pag taas ng boses"sagot ko
"Kahit na po Mama ayaw ko po"sabi nito kaya hindi na lang ako sumagot dahil kahit anong explain ko sa anak ko hindi nila maiintindihan pa.

"Miguel Pov."

Masakit sakin na malayo ang loob ng mga anak ko kahit ni Deeanne hindi ko sila masisi dahil kung kelan binigyan na ako ng chance pero sinayang ko lang.

Kung hindi lang nakialam si Mommy masaya kami na pamilya. Sobra na ang pangungulila ko sa mag iina ko.

Mag kakasama nga kami sa iisang bubong pero sobra naman ang layo nila sa akin.

Gusto silang yakapin halikan pero naduduwag ako alam ko mali yung ginawa ko kasi sapilitan ko na kinuha sila. Pero hindi ako susuko gagawin ko ang lahat mabuo lang uli kami this time hindi na ako mag papa sindak kay Mommy.

Umalis ako sa harap ng pinto matapos ko madinig yung usapan ng mag ina ko. Umalis ako para bumili ng mga needs dito sa bahay at dahil ngayon ay birthday ng mahal ko na alam ko na mukang nakalimutan nito ang special day niya.

Matapos kong mamili ng kailangan ko na lutuin para sa birthday ni Deeanne ay agad akong umuwi. Pag karating ko sa bahay ay nakita kong masayang nag lalaro ang mga anak ko sa garden pero pag ka kita sa akin ay tumigil sila sa pag lalaro.

"Sige lang mag laro lang kayo hindi naman magagalit si Daddy"naka ngiting sabi ko.

Pumasok ako dala dala ang pinamili ko at ihanda ang kailangan kong lutuin para sa kanila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag luluto ng pumasok sa kitchen si Deeanne.

"May maigtutulong ba ako?"tanong nito
"No it's ok kaya ko na to"sabi ko
"Sigurado ka?"tanong nito
"Yeah sige na tatawagin ko na lang kayo saka patapos na din naman ako"sabi ko
"Sige ikaw ang bahala"sabi nito at binalikan na ang mga bata.

Sakto patapos na ako ng tumunog ang cellphone ko at sinabi na nasa labas na daw ito kaya agad akong lumabas para kunin ang pinadeliver ko.

Pag ka kuha ko ay sa likod ako ng bahay dumaan dahil nasa living ang mag iina ko dahil gusto ko ito i surprise.

Pag pasok ko agad kong nilabas ang cake nito sa box at agad na sinindihan ang kandila saka agad akong pumasok kung asan ang mag iina ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Deeanne pag pasok ko.

"Happy birthday Deeanne"bati ko
"T-thank you"utal na sabi nito at binilow ang candle.
"Happy birthday Mama"sabay na bati ng dalawa
"Thank you mga anak" at tumingin ito sa akin " thank you Miguel"
"Your welcome let's eat na"sabi ko

"Miguel ikaw lahat ang gumawa nito?"gulat na tanong nito
"Yeah gusto kong bumawi sa inyo"sabi ko "so let's eat habang mainit pa"aya ko.

Agad kong inasikaso ang maiina ko.

"Thank you Papa"ani Deina
"Your welcome baby"masayang sabi ko

Akmang tutulungan ako ni Deeanne sa pag ligpit ay inawat ko ito.

"It's your birthday hayaan mo na akong bumawi sa inyo"sabi ko
"Sige na Miguel puntahan mo ang mga bata ako na dito"giit nito.
"Ganito na lang tayo na lang dalawa"sabi ko.

Kaya tulong kaming nag ligpit ng pinag kainan namin at ng matapos ay nilabas ko ang dessert at inaya ko sila sa entertainment room para doon ituloy ang bonding namin.

Habang nanonood ang mga bata ay dinala ko ang binili ko na dessert.

"Papa gusto ko po ng ice cream"ani Deina
"Sure baby ikaw kiddo?" Tanong ko kay Drake
"Busog na po ako"tipid na sabi nito.

Alam ko medyo ilag pa din sa akin ang mga anak ko at hindi ko naman sila masisi dahil sa nagawa ko.

At handa akong bumawi sa kanila alam ko malaki ang pag kukulang ko bilang ama sa mga anak ko maging kay Deeanne iniwan ko ng walang paalam.

At sobra akong nagsisi sa ginawa ko.

Habang tahimik na nanonood kami ng basagin ni Deeanne.

"Miguel thank you"bulas nito
"Saan?"tanong ko
"Sa ginawa mo today"sagot nito

"Deeanne alam ko malaki ang naging kasalanan at pag kukulang ko sayo maging sa mga anak natin sana hayaan mo akong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko"mahabang sabi ko

"Miguel paano ang Mommy mo? Paano pag nalaman niya na kasama mo nanaman kami!"sabi ko.

"Sorry sa ginawa ni Mommy sayo"sabi ko
"Alam mo makakaya at matatanggap ko na hindi niya ako gusto para sayo pero ang mga bata pero kung ayaw niya sa mga bata hindi naman namin ipipilit na magustuhan ang mga anak ko ang sakin lang wag idamay ang mga anak ko"anito.

"Sorry"tipid na sabi ko

Kahit ako hindi ko din alam kung bakit ayaw ni Mommy kay Deeanne.

 

My Runaway Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now