18

197 7 0
                                        

Nag spend lang kami ng 3 days dahil may pasok na ako sa trabaho. Ang mga anak ko naman ay bakasyon pa.

Buhat namin ang kambal dahil na din sa pagod sa byahe.

Pag pasok sa kwarto ay agad namin ito nilapag sa higaan.

Agad kong inalis ang mga shoes nila at pinalitan agad ng kumportableng damit.

Sakto ng matapos ako ay pumasok si Miguel dala ang mga gamit namin.

"Thank you"
"Ahm Deanne i have to go"paalam nito.

"Sige ingat ka"

Nang maka alis ito ay inayos ko agad ang mga damit namin na marumi at nilagay sa laundry basket.

Sa mga nakalipas na araw walang palya si Miguel sa pag punta sa mga anak.

Ito na din ang nag susundo sa kambal sa school, at unti unti na bumabalik ang pag sasama ng kambal kay Miguel.

Kami naman ay civil para sa mga anak namin, lalo na ngayong araw ay dumating sa akin na lumabas ang results na wala ng bisa ang kasal namin ni Miguel.

Dahil na din sa impluwesya ng pamilya ni Miguel kaya madali na napawalang bisa agad.

Masakit pero siguro ito na din yung nakakabuti para sa amin.

Tumawag ito at sinabi na nasundo na nito ang kambal.

Pag pasok ko ng condo ay agad na sinalubong ako ng kambal ng halik at yakap.

"Anak nagawa niyo na ba ang assignment niyo?"

"Opo Mama tinuruan po kami ni Papa"sagot ni Drake.

"Mabuti naman sige mag bibihis lang si Mama tapos mag luluto na ako"

"Sige po Mama"

Pag pasok ko ng kwarto agad kong binaba ang gamit ko at nag palit agad ng damit, sobrang bigat ng naramdaman ko.

After ko makaluto ay tinawag ko agad sila at sabay sabay na kaming nag dinner na apat.

"Thank you Mama sa dessert po"
"Your welcome anak, inom ng maraming tubig ha"
"Opo Mama"

Habang nililigpit ko ang pinag kainan namin ay lumapit si Miguel sa akin.

"Deeanne do we have a problem?"

"Wala naman pagod lang sa trabaho"

"Kilala kita Deeanne"

"Ahm actually may dumating sa'kin na letter, may na tanggap ka na ba?"tanong ko.

"Yeah nagulat ako paano napawalang bisa ang kasal natin gayon hindi naman ako pumirma"sabi nito.

"Miguel sino kung gayon?"tanong ko.

"Look Deeanne kahit kailan wala akong pinirmahan na annulment paper kahit na may dumating na petition letter dahil ayaw ko na mapawalang bisa ang kasal natin, alam ko malaki ang pag kukulang ko bilang asawa mo, alam ko napaka laki ng kasalanan ko sayo maging sa anak natin, kaya nga humingi ako ng last chance sayo dahil gusto ko bumawi sa mga taon na hindi tayo magkakasama"

"Siguro nga Miguel hindi tayo para sa isa't isa kasi umpisa pa lang madami ng hadlang, pero ang hindi mawawala ang pagiging parents natin sa kambal"

"No Deeanne hindi na ako makapapayag pa na masira tayo, kung pwede na mag pa kasal tayo muli gagawin ko"

"Miguel"sigaw ko panay na buhos ng luha ko.

"Deeanne aayusin ko to"

"Miguel wala ng maayos tanggapin na lang natin"

My Runaway Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now