17

188 6 0
                                        

"Deeanne" tawag nito
"May sasabihin ka?"tanong ko
"Sorry"
"Sorry lang Miguel?"sabi ko" yun lang ang sasabihin mo sorry pag ka tapos mong umalis uli ng walang pasabi sorry lang"galit na sabi ko.

"I know it's my fault Deeanne na umalis ako ng hindi nag sabi dahil nahihiya na ako sa inyo ng mga anak natin"hiyang sabi nito.

"Miguel time mo na yun para bumawi ka sa mga bata pero hindi mo pa din ginawa"galit na sabi ko na siguro it's about time na ilabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya.

"Miguel ilang beses mong pinaasa ang mga bata"sabi ko. Nakita ko ang mga anak ko na naiyak.

"Sorry hayaan niyo akong bumaw-
"Bumawi uli at ano aalis ka nanaman ng walang paalam Miguel nakaka pagod ka ng bigyan ng chance na lagi mong sinasayang wag mo naman sana sayangin yung ilang chance na binibigay ko kasi nakaka pagod na, na lagi kami ang nag aadjust sayo"galit na sabi ko at tinalikuran ko ito.

Agad akong pumasok sa kwarto na hindi ko alam na sumunod ang mga anak ko.

"Sorry mga anak kung nadadamay kayo sa amin ng Papa niyo"
"Mama wag kana po umiyak"ani Deina.
"Sige na anak labasin niyo ang Papa niyo"utos ko

Agad na lumabas ang mga ito ayaw man nila pero sumunod din sila.

Matapos mag palit ay sinundan ko ang mga anak ko, pag labas ko sobra ang tahimik ng makita ko sila.

At nakita ko lang ang mga anak ko na tahimik na nanonood maging si Miguel.

"Mama antok na po ako"ani Deina
"Halika linisan ka muna ni Mama"sabi ko
"Ako din Mama"
"Miguel linisan ko lang sila"sabi ko.
"Ah sige uuna na din ako"biglang paalam nito.

"Papa aalis ka uli kelan ka babalik Papa?"tanong ni Deina
"Babalik si Papa promise"
"Anak pasok muna kayo sa kwarto mag uusap lang kami ni Papa niyo"sabi ko

Nang makapasok ang dalawa sa kwarto nakita ko ang kalituhan sa muka nito.

"Miguel isang tanong isang sagot lang ang gusto ko"sabi ko
"Ano yon?"
"Gusto mong bumawi sa mga bata?"tanong ko

"Alam ko ilang beses na akong nag sabi na babawi ako sa lahat ng kakulangan ko pero this time kung bibigyan mo pa ako ng last chance hindi ko na sasayangin pa"sagot nito.

"Last chance na to Miguel kasi nakaka pagod na yung laging nag tatanong ang mga bata kung asan ka kung kelan ka pupunta sana naman wag mong biguin ang mga bata"sabi ko.

"Salamat una na ako"paalam nito
"You can stay naman kung gusto mo"sabi ko "dalawa naman ang kwarto pwede mong gamitin"dagdag ko.

"Ok lang?"tanong nito tumango lang ako

"Feel at home ayusin ko lang ang mga bata"paalam ko.

"Thank you Lorice"

Pumasok ako para linisan ang dalawa nang matapos ay ako naman ang nag shower sandali.

Pag labas ko gising pa ang dalawa.

"Akala ko ba inaantok na kayo?"
"Mama nood po muna ako" Drake
"Mama gugutom po ako" si Deina

"Halika anak"aya ko dahil hindi ito gaano naka kain kanina sa sobrang antok.

Pag labas namin ay sakto labas din ni Miguel agad naman na lumapit si Deina sa ama.

"Papa dito ka po sleep?"
"Yes baby"
"Talaga po Papa"masayang sabi nito.
"Sleep ka na"
"Nagugutom kasi si Deina hindi siya gaano naka kain kanina"sabi ko
"Anong gustong kainin ng baby ni Daddy?"tanong nito sa anak.

"Papa gusto ko po Jollibee"
"Anak gabi na"sabi ko
"It's ok so let's go?"aya nito.
"Miguel"
"Sige na hindi pa din ako nag dinner"sabi nito.

Kaya ang ending lumabas kaming apat para mag drive thru na lang.

Pag ka dating namin sa drive thru agad na sinabi ni Deina ang gusto niya na kainin maging si Drake.

"Sayo baby"
"Papa meron na po ako"ani Deina
"Si Mommy ibig kong sabihin"natawang sagot nito sa anak
"Bahala ka na"sabi ko na lang

After namin makuha ang order agad kaming umuwi pag ka pasok namin ay agad kong nilabas at hinanda sa kanila.

"Papa thank you"ani Deina
"Your welcome baby eat na"sabi nito sa anak.

Agad kong sinubuan si Drake marunong naman sila kumain mag isa kaso makalat.

After ng late dinner namin ay nag pag pasyahan na mag pa tunaw muna ng kinain kaya nanood muna kami ng movie.

Una kong nakita na bumabagsak si Drake kaya binuhat ko ito.

Naka sunod na din si Miguel na mukang inaantok na din si Deina.

Agad kong hiniga si Drake sa kama ganun din si Deina.

"Sige na pahinga ka na din Miguel medyo late na din"sabi ko.

"Thank you Lorice"sabi nito at nagulat ako ng halikan ako nito sa labi "good night"
"G-good night"utal na sabi ko

Ako naman ay inayos ko ang kumot saka tinabihan ang dalawa.

Kinabukasan pag labas ko ng kwarto para mag handa ng agahan nakita ko na nasa kitchen ito.

"Gising ka na pala matatapos na ako"sabi nito "ang mga bata?"
"Tulog pa maya maya gising na din sila"sagot ko.

"Ahm Lorice pwede ba tayo mag bakasyon ng mga bata?"tanong nito.
"Tanungin mo ang mga bata"sagot ko at tumango ito.

Habang nag breakfast kami inopen ni Miguel ang balak nito.

"Talaga Papa"
"Oo naman saan niyo gustong mag punta tayo?"
"Papa amusement park po"
"Ok ok amusement park tapos punta tayo ng palawan"
"Miguel malayo ang Palawan"singit ko
" Sige na gusto ko lang bumawi sa inyo"
"Ok fine"sagot ko

Tuwang tuwa ang dalawang anak ko dahil excited sila kung saan sila dadalhin ng Papa nila.

Sakto bakasyon na ng mga bata sa school kaya napag pasyahan na mag bakasyon kami ng ilang araw nag paalam ako kay Papa na mag leave muna ako sa trabaho at pumayag naman ito.

Kasalukuyan kaming nasa isang beach sa Zambales dapat sa Palawan ang punta namin pero na paaga kaya nag zambales na lang kami maganda ang lugar at makikita mo kung gaano kaganda ang kulay ng dagat.

Agad na kami kumuha ng bungalow house at agad na nilagay ang mga gamit namin.

Ang mga anak ko naman ang masyado ng excited na mag punta ng beach kaya sinabi ko na ako na ang bahala sa mga gamit namin kaya agad na umalis ang tatlo.

Mula sa cottage na inuupahan namin tanaw ko ang mag aama na masayang nag tatampisaw kitang kita ko ang saya sa mga mata nila.

Kaya tinapos ko ang ginagawa ko saka sumunod sa kanila na masayang nag lalaro.

Halos papalubog na ang araw ng pinatigil ko sila dahil lumalamig na din baka maka sama sa kanila ang sobrang babad.

Agad silang sumunod at binigay ko ang towel sa mga ito.






My Runaway Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now