Sa makalipas na araw ay hindi pa din nagigising si Deeanne pero sabi ng doctor na may hawak dito ay out of danger na daw ito.
Nilipat na ito sa private room kung saan na andoon ang mga anak ko.
Araw araw ay dumadalaw si Tito kay Deeanne. Sa unang punta nito nagulat ito ng makita ang dating asawa ang mga kapatid naman ni Deeanne ay ilap sa ama ng mga ito dahil siguro maliit pa sila ng iwan ni Tito at sumama sa bagong asawa nito.
Ang mga anak ko naman kahit papaano ay nag reresponse na pag kinakausap ng psychiatrist nila pero andoon pa din ang takot sa kanila.
Kasalukuyan kong pinupunasan si Deeanne ang mga anak ko naman ay tulog sa kabilang bed.
Wala sila Tita maging ang mga kapatid nito dahil pinag pahinga ko muna sila na sabi ko ako na lang muna ang mag babantay sa mag iina ko.
Matapos ko itong punasan habang hawak ko ang kanyang mga kamay ay biglang gumalaw ito.
"Deeanne"tawag ko gumalaw muli ang kamay nito hanggang sa unti unting dumilat ang mga mata nito.
Agad kong pinindot ang buzzer at agad naman na pumasok ang nurse at doctor nito.
Agad na chineck ito at ng masigurado na ayos na ito ay iniwan na kami ng doctor nito matapos sabihin ang kundisyon nito
"Thank God"sabi ko at pinag hahalikan ko ang kanyang kamay.
"Akala ko hindi ko na makikita pa ang mga anak ko"iyak nito.
"Shh baby makakasama sayo yan ayos na mga anak natin"sabi ko.
"Miguel natakot ako akala ko katapusan ko na"sabi nito.
"Deeanne sorry sa lahat ng nangyari sorry sa nagawa ni Mommy sayo sorry hayaan mo akong bumawi sayo"sabi ko.
"Miguel" bago ito mag salita ay pumasok ang parents nito.
"Anak kamusta kana?"alalang tanong ni Tita.
"Salamat sa Diyos ayos na po Ma"sagot nito.
"Salamat at nagising kana pinag alala mo ako ng husto"ani Tita
"Sorry Ma hindi na po mauulit"sagot nito.
"Anak"tawag ng ama nito.
"Pa"tipid na sabi nito.
"Sorry sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama mo niyo ng mga kapatid mo"ani Tito.
"Pa hindi pa naman po huli para bumawi ka sa mga kapatid ko!"sabi nito.
Naunang umalis ang ama nito sumunod si Tita at ang dalawang kapatid nito.
Tanging ang naiwan lang ay kami ang mga anak ko naman ay naka yapos sa Mommy nila at napansin ko na ilag sa akin ang mga anak ko, hindi ko naman masisi ang mga anak ko kung ilag at takot sila sa akin dahil na din sa nangyari sa Mommy nila.
"Deeanne you should rest baka mabinat ka"sabi ko.
"Miguel thank you sa pag asikaso mo sa amin ng mga bata"sabi nito
"Gusto kong bumawi sa inyo ng mga anak natin"sagot ko.
"Kamusta ang Mommy mo?"gulat ako sa tanong niya
"Wag mo ng isipin si Mommy hindi na kayo masasaktan"sabi ko.
"Sa totoo lang sobra akong natakot akala ko hindi ko na makikita at makakasama ang mga anak ko"bulong nito.
"Sorry Deeanne sa nagawa ni Mommy pinapangako ko ano man ang mangyari hindi na kayo malalapitan o masasaktan man"sabi ko.
"Salamat this time panghahawakan ko ang sinabi mo Miguel"sabi nito.
"Mga anak late na tulog na din kayo"sabi ko.
Agad naman na sumunod ang mga ito at nang makita ko na tulog na silang lahat ay nilapitan ko ang mga ito at inayos ko ang kumot nila maging ng kay Deeanne.
Lumipas pa ang isang linggo tuluyan ng naka recover si Deeanne ang mga anak ko naman ay patuloy sa session nila.
Eto yung araw na pwede na lumabas ng ospital si Deeanne gusto sana ni Tita na umuwi ng probinsya kaso nakiusap si Tito kung pwede dito na sa Manila sila Deeanne pumayag naman si Tita sa kagustuhan ni Tito.
Sa ngayon ay kumuha si Tito ng condo para matuluyan nila Deeanne gusto ko sana sa bahay kung saan balak ko buoin ang pamilya ko pero sinarili ko na lang muna sa ngayon ang mahalaga ay gumaling ito at ang mga anak namin.
Pagkarating namin sa condo ay agad ko silang inasikaso ang mga anak ko naman ay naka dikit sa Mama nila ilag pa din ang mga anak ko sa akin.
Pero hindi ako mag sasawa bumalik lang ang tiwala ng mga anak ko sa akin.
"Deeanne you should rest na ako na ang bahala dito"sabi ko.
"Thank you Miguel"sagot nito.
Kaya inalalayan ko ito patungo sa room nito hanggang sa maka higa ito saka inayos ko ang kumot nito.
"Mga anak hayaan natin mag rest si Mommy come"aya ko.
"Ayaw dito lang ako kay Mama"ani Drake
"Ako din"si Deina
Nakita naman ni Deeanne na malayo ang loob sa akin ng mga anak ko.
"Anak sama kayo kay Papa dito lang sa Mama sige na"utos nito
Pero sumiksik lalo ang mga ito kay Deeanne.
"Wag mo ng pilitin Deeanne"sabi ko na lang.
"Sorry Miguel"
"Bakit ka nag sosorry it's ok sige na mag pahinga kana para bumalik ang lakas mo sa labas lang ako"sabi ko.
Lumabas ako ng kwarto hindi ko mapigilan na masaktan sa nangyayari gusto kong bumawi sa kanila kaya gagawin ko ang lahat mabalik kami sa dati.
Lumabas ako ng condo para mamili ng mga needs dahil wala pang stock sa condo.
Ilang oras ang ginugol ko sa pamimili nang matapos ay bumalik na ako ng condo para mag luto at ayusin ang pinamili ko
Matapos ko mag luto ay agad akong nag handa sa dining para maka kain na sila.
Matapos ay agad akmang kakatok ako narinig ko ang boses ng mga anak ko.
"Mama uwi na tayo sa bahay natin ayoko dito Mama"si Drake.
"Anak bakit ayaw mo dito?"tanong nito
"Mama baka bumalik nanaman ang Mommy si Papa at saktan ka uli"sagot nito.
"Anak wala ng mananakit sa Mama"sagot nito "kaya wag na kayong matakot mga anak"pag aalo nito.
"Mama si Papa baka kunin kami"may takot na sabi ni Deina
"Anak kaya ba ayaw niyo na lumapit kay Papa niyo dahil natatakot kayo na kunin kayo ni Papa niyo?"tanong nito.
Kumatok na ako at agad na akong pumasok sa kwarto agad naman na sumiksik ang dalawa sa Mama nila.
"Deeanne sana bigyan niyo ako ng last chance na mapunuan ang lahat ng pag kukulang ko sa inyo ng mga anak natin"pag samo ko.
"Miguel nadinig mo ang usapan namin ng mga bata?"tanong nito at tumango ako "sorry"
"Hindi ko naman masisi ang mga anak natin Deeanne kung bakit ilag at takot ang mga anak natin sa akin at hindi ako mag sasawa na bumalik uli sa dati ang tingin sa akin ng mga bata"sabi ko at lumabas na ako ng kwarto.
YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETED)
RomanceWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...
