23

206 5 9
                                        

"Miguel pov"

Palabas kami ni Nathan ng gym ng aksidente na may mabangga ako, pag tingin ko na tulala ako dahil sa simpling ayos nito natural na ganda naramdaman ko na lang ang pag siko sakin ni Nathan.

"Sorry miss"

"Ok lang hindi ko din kasi napansin"

Nang makaalis ito hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, hindi nakakasawa tignan ang maamo niyang muka.

"Dude baka matunaw"

"Shet bro ganda niya"

"Halata nga e kanina pa ko nag sasalita dito"

"Tara na nga"

Hanggang sa naulit ang pag kikita namin in short lagi ko syang sinusundan, nalaman ko na hindi nag kaka layo ang course namin.

Hanggang sa nakilala ko na ito, minsan nag offer ako sa kanya na ihatid sya, hanggang sa niligawan ko na ito at maging official na kaming dalawa.

After ng graduation namin nag dinner na lang kami nila Mom, masaya ako dahil nakauwi sila ni Dad bago ang graduation ko.

"Miguel" si Mom

"Mom"

"Tatapatin na kita hindi ko sya gusto para sayo"

"Mom akala ko ba ok si Deeane sa inyo bat ganto"

"Hindi sya nababagay sa pamilya natin, gusto ko yung ka level natin"

"No Mom hindi kayo ang mag dedesisyon sa'kin mahal ko si Deeane"

"Ok mamili ka itatakwil kita bilang anak at wala kang makukuha ni kusing, mamili ka ako na Mommy mo o yang kinalolokohan mo"

Mahal ko silang pareho ayokong mawala ang isa sa kanila, pero hindi ko kayang itakwil ako ni Mommy.

Hanggang sa sinundo ko kinabukasan si Deeanne sa bahay nila.

Habang nasa byahe kami tahimik lang ito, hindi ko alam paano ko sasabihin ko, alam ko masasaktan ko si Deeanne.

"Babe"

"May problema ba"

"Wala"

"Kilala kita Miguel alam ko may problema matagal ko ng napapansin tungkol ba to sa di ako gusto ng Mommy mo para sayo" nagulat ako sa sinabi nito

"Paano mo nalaman?"

"Noong unang beses na pinakilala mo ako sinabi sa akin ng Mommy mo na ayaw niya ako para sayo masakit"nakita ko ang mabilis na pag tulo ng mga luha nito

"Deeanne ayaw kong mawala isa man sa inyo ni Mommy"sabi ko "Pero hindi ko alam ang gagawin ko sorry" nakita ko na nasaktan ito

"Miguel paano kami ng baby?"sabi nito at nagulat ako sa sinabi nito

"Mag kaka baby na tayo?" Tanong ko

"Kahapon ko lang nalaman sasabihin ko sana sayo"

Hanggang sa nag pa kasal kami ng civil alam ko na magagalit si Mommy ng husto sakin pero hindi ko kailan man pababayaan ang mag ina ko.

Sa dalwang buwan namin na pag sasama sa condo, unang isang buwan ok hanggang sa nalaman ni Mommy at kinausap ako.

"Mas pinili mo yang babae na yan kesya na ako na Mommy mo! Ok wag ka nang mag papakita at gaggawin ko ang lahat, haharangin ko lahat ng papasukan mo ewan ko na lang kung hindi mo iwan ang kinalolokohan mo"

Tama nga wala ni isang tumanggap sakin na firm, paano ko bubuhayin ang magina ko kung wala ako maipang tutustos sa kanila.

Hanggang sa umalis ako ng walang paalam kay Deeanne iniwan ko sya sa condo, masakit dahil wala akong magawa, napaka duwag kong tao.

My Runaway Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now