Chapter 9: A Little Interaction

91 13 0
                                        

ARTEMIS LARCENA

"Hindi ba uso sayo ang ngumiti?" rinig kong tanong ni Axl kay Shiriyo.

I'm sitting on the couch while Axl and Shiriyo are on the sofa. Kanina pa nanggugulo si Axl pero wala man lang siyang makuhang reaksyon mula kay Shiriyo. Limang oras na siya dito at 'yon lang ang ginawa niya. Si Addieline naman ay umalis na sa bahay kanina pagkatapos magtanghalian.

A laptop was placed on my lap while I'm doing my homework for school tomorrow. I decided to do it here in the living room so I can watch after Shiriyo and Axl.

After a few minutes, patapos na ako sa ginagawa ko at tahimik na din si Axl. He's doing something with his phone, probably related to work.

"Axl, wala ka bang gustong sabihin sa'kin?" I asked. Napahinto naman siya sa ginagawa niya at bumaling sa'kin.

I know that he won't come here without anything important to say so this time, I took the initiative to ask him before he forgets.

He looked at me with a serious expression on his face and replied, "Meron."

I knew it. I closed the laptop and placed it on the table. Pagkatapos n'yon ay tumayo ako at pumunta sa tapat ng pintuan papunta sa labas.

"You can tell me what you want to say outside."

Nakahawak na ako sa seradura ng pinto nang sumagot siya ng, "Hindi na kailangan."

Confused by his answer, napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. If it's related to work or the Organization, mas maganda kung ako lang ang makakarinig. Kahit na walang alam si Shiriyo sa mga ganong bagay sa ngayon, mas maganda pa rin na sigurado. So what the hell is he thinking?

"What do you mean?"

Seryosong tumitig siya sa'kin. His eyes locked on mine and I frowned at him in return.

"Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo..."

Kalokohan na naman ito, panigurado.

"Saranghae."

Nagfinger heart pa siya gamit ang kaliwang kamay nang sabihin niya 'yon.

"Seryoso ako, Axl."

"Eh sa wala naman talaga akong sasabihin my loves eh."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. I can tell that he's lying. Sa tinagal-tagal na nakasama ko siya sa Clandestine, alam ko na kung kailan siya nagsisinungaling at kung kailan hindi.

His facial expression is different from usual; mukhang aligaga siya.

"...wala nga sabi," ngumuso pa siya.

"Suit yourself."

If he doesn't want to tell me what he's hiding, hindi ko na siya pipilitin. Sasabihin niya din naman 'yon kapag hindi niya na natiis. It doesn't look like it's that serious anyway.

Sinamaan ko muna ng tingin si Axl bago bumalik sa pagkakaupo sa couch. Inilabas ko ang cellphone ko para i-check kung may bagong messages. I opened the messenger app then went to our classroom's group chat.

It looks like we were supposed to meet today to practice our performance in one of our subjects; pero hindi ako nakapunta kasi hindi ko alam.

Our classroom representatives are angry because some of the students-including me-didn't go. Nagmumura na rin sila.

---
ELITE BLOCK
9:05 AM

Pres
Where are the others?

Annie
Dba our usapan is 8 am?
Bakit nowhere pa rin kayo?

My Amnesiac AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon