Kabanata 5: Welcome Alexei

34 6 0
                                    

Napatingin si Lucita sa nakababatang kapatid na nakatambay sa balkonahe na para bang may hinihintay. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka. Nakasuot pa siya ng uniporme dahil kagagaling pa lamang niya sa eskwela. Samantalang si Paulita ay mabilis lamang nakapagpalit ng pambahay nang makauwi.

"What are you doing there?" untag niya rito.

"Just waiting for a friend," sagot ni Paulita na hindi man lamang tumitingin sa kaniya.

"Friend with whom? The kids you are with yesterday?" Hindi siya makapaniwalang inimbita nito ang mga kaibigang dayuhan. "Papa, will get mad at you!"

Hindi nito pinansin ang pang-iinis niya. Nanatili pa rin itong nakatitig sa labas.

Inaamin ni Lucita na palakaibigan ang nakababatang kapatid. Kahit saan man ito magtungo ay marami itong nagiging kaibigan. Hindi naman siya umaangal kung magkaroon ito ng mga kalarong kapitbahay. Ngunit sa dami ng bata sa bayan, pinili pa nitong makipaglapit sa mga dayo.

Kung may pagkakataon, isusumbong ni Lucita ang kapatid sa kanilang ama. Sasabihin niyang nakikipagkaibigan ito sa mga batang refugee. Ngunit sa kasawiang-palad wala pa ring panahon ang ama para makihalubilo sa kanila. Kahit nasa bahay ito ay mas pinipiling magkulong sa opisina upang tapusin ang trabaho kaysa magbigay ng oras sa kanila.

Napailing siya habang napapabuntong-hininga, kailangan niyang ipunin ang natitirang katinuan sa utak. Dahil sa nakakairitang sitwasyon ng kaniyang pamilya, madalas umiinit ang kaniyang ulo.

Akmang aalis na siya sa tapat ng balkonahe nang mapansin niyang biglang nagningning ang mga mata at lumaki ang ngisi sa mukha ng kapatid.

Tumingin siya sa tinitignan nito at napanganga sa dalawang taong paparating sa kanilang gate. Ang isa ay isang matangkad na binatilyong kulay abelyana ang buhok at isang batang lalaki na mahahalatang kapatid ng binata dahil halos magkapareho sila ng itsura.

"Who is that?" nagugulumihanang tanong niya. Ngunit hindi siya pinansin ng nakababatang kapatid bagkos ay nasasabik itong umalis at bumaba upang salubungin ang mga bisita.

Hindi maunawaan ni Lucita kung anong binabalak ng mga ito ngunit nanatili siyang nakadungaw sa teresa at pinapanood ang dalawang dayuhan na kausap na ngayon si Paulita.

Naisip niya, "Ano bang paki ko?" Subalit natigilan siya sa pag-iisip nang mapansin ang bitbit na maleta ng binata. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ay lalagyanan ng biyolin...

Hindi na nakapag-isip pa nang maayos si Lucita. Nahulaan  na niya kung anong binabalak ng mga bisita at hindi siya papayag sa pinaplano ng mga ito. Natataranta siyang lumabas sa mansyon at lumapit sa tatlo.

Natigilan naman ng mga ito sa pag-uusap nang mapansin ang paglapit niya. Hinihingal pa siyang tumigil sa tapat ng mga ito

Nagkatinginan si Lucita at ang binatilyo. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito ngunit hindi niya matandaan kung saan sila nagkita. Napakagandang kulay ng mga mata na karibal ng langit sa ka-bughawan na taglay.

Hindi niya ikakaila, sa malapitan ay mas matangkad at mas gwapo pala ang lalaki. Maganda ang anggulo ng panga. Natural ang pagkapula ng magkabilang pisngi. Magulo lang ang kayumangging buhok nito at mukhang hindi marunong mag-ayos ng sarili.  Sa ayos ng damit ay mukha siyang mahirap pero kahit mukhang dukha ay nakakakitaan pa rin ng kakisigan. Tumitig siya muli sa violin case na nakasabit sa balikat nito.

"Uh... H-Hi?" Mukhang hindi alam ng lalaki kung paano babati. Naiilang na pilit itong ngumiti at nagtaas ng kanang kamay.

Nang magsalita ito, bumaling muli ang mga mata niya sa gwapong mukha nito. "What are you doing here?!" masungit niyang umpisa.

𝐻𝑦𝑚𝑛𝑠 𝑜𝑓 𝑇𝑢𝑏𝑎𝑏𝑎𝑜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon