Kabanata 9 : Refugees

16 6 0
                                    

Hindi katulad ng kahapon, naging maayos ang daloy ng pagtuturo ni Alexei. Himala na hindi sila nakipag-argumento sa isa't isa at gumagaan ang kanilang pakikitungo. At dahil walang dramang nangyari kaya mas nakapagpokus si Lucita sa gawain. Kapag ganito na abala siya sa ginagawa ay parang napakabilis ng pagdaloy ng bawat minuto. Hindi na niya namalayan ang oras. Saka lamang niya napagtantong tapos na ang klase nang sabihin ni Alexei.

Napatingin siya sa lalaking kasama na ngayo'y inilalagay ang instrumento sa bagahe nito. Nagtumpik-tumpik muna siya bago napagpasyahan na basagin ang katahimikan.
"What will you do after work?"

Natigilan ito sa ginagawa at napatitig ang bughaw na mga balitataw sa kaniya.
"Nothing, really," anito, "Maybe I'll continue to fix the fence in the camp."

Natahimik si Lucita. Iniisip niya kung paano pahahabain ang pag-uusap nila, ngunit ang binatilyo na ang nagdugtong. "By the way, I saw it in the newspaper today. The audition for the Manila Orchestra will take place in two weeks."

"I know. My father told me this morning before he left for work. He ordered me to prepare and asked when I wanna go to Manila."

"And you say?"

"I may consider leaving next week but..."

"But?" Mukhang naiinip na ang binatilyo sa paputol-putol niyang pagpapaliwanag.

"I'm not sure..."

Tinitigan siya nito na tila ba nagtataka o may nais pang tanungin. Ngunit mukhang naisipan na lamang nito na manahimik at ibaling ang atensyon sa pag-aayos ng gamit.

Tinanggal ni Lucita ang bara sa lalamunan. Hindi niya alam kung bakit ngunit parang nais pa niyang makausap ang binata. Nakakainip din ang manatili lang sa loob ng bahay. Hindi naman siya maiiwang mag-isa roon dahil kasama niya si Nanay Pasing ngunit abala ito sa mga gawaing bahay kaya wala itong oras makipagkwentuhan sa kaniya.

Ayaw rin naman niyang kausap si Paulita at siguradong mag-aaway lamang sila. Isa pa, mas interisado ngayon ang kapatid sa makabagong TV nila —na iniregalo umano ng isang mayamang kaibigan sa kanilang ama.

Inipon ni Lucita ang lakas ng loob at isinantabi ang hiya. "Are you going home now? W-We can uh... take a stroll on the beach if you... if you like." Parang gustong sampalin ni Lucita ang sarili dahil sa pautal-utal niyang pagsasalita.

Napalingon sa kaniya si Alexei. Nakanganga pa ang binatilyo na tila ba naninibago sa kaniya sapagkat ngayon lamang siya narinig nito na mabulol.

"That'll be nice," pagpayag nito na nagbigay ng matamis na ngiti.

"I'll get the umbrella." Pag-iwas niya agad dahil baka mahalata nito ang pagpula ng kaniyang mga pisngi.

***

Tirik ang araw nang tanghaling tapat kaya magkasukob silang dalawa sa iisang payong habang naglalakad sa dalampasigan. Nararamdaman nila ang nakakapasong init ng buhangin kaya hindi nila tinanggal ang tsinelas sa paa— kahit pa sumisingit din naman sa daliri nila ang buhangin.

Hindi nila iniinda ang mataas na sikat ng araw sapagkat nilalabanan naman ng malakas na buga ng hangin ang init nito. Isa pa, sadyang nakagagaan ng kaluluwa ang malawak na bughaw na kalangitan na dumudugtong sa bughaw na karagatan.

Malalim na napabuntong-hininga si Alexei habang nakatingin sa malayo.

Si Lucita naman ay patingin-tingin sa hawak na lukbutan na may laman na pagkain. Katulad ng kanina, naiilang na naman siya sa katahimikan.

Napasulyap siya sa binata at nagsimula muli ng usapan. "My father has published a new article about the refugee camp. Have you read about it as well? President Quirino is bringing you all up in meetings with foreign nations. It seems like no one wants to take you guys in, and more refugees are arriving in the Philippines."

𝐻𝑦𝑚𝑛𝑠 𝑜𝑓 𝑇𝑢𝑏𝑎𝑏𝑎𝑜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon