Chapter 7

4 1 0
                                    

(Bianca's Point of View)

"My first kiss? Hindi ko ma-explain para kong nawala sa sarili ko, and siya lang yung nakikita ko..."

"Girl, same! Grabe yung pakiramdam..."

Padabog kong nilapag yung tray kung saan nakalagay yung order ko sa cafeteria. Napatingin yung dalawang magkaibigan na naguusap about sa first kiss nila sakin. Sabay silang umirap sakin, naistorbo ko ata yung chikahan nila.

I arched my brow at them and also rolled my eyes. 

"....so ayun nga girl syempre after nung kis—-"

"Pwede ba tumahimik kayo? Can't you see na maraming nag-aaral din dito sa cafeteria at gusto lang din kumain ng mapayapa, keep your damn stories to yourselves!" Inis na sabi ko sakanila.

Halatang na-offend sila at tumayo para umalis.

"Tsk, bitter lang kasi, for sure wala pa yang first kiss..."

"Sssh, pano magkaka-first kiss yan kung wala naman jowa yan, tsaka diba tomboy yan?"  May pahabol pa silang sinabi, sinamaan ko sila ng tingin.

Bitches.

First kiss? May first kiss na ko, napahawak ako sa labi ko, it's been three days since nangyari yung confrontation between me and Jacob.

That conceited prince stole my first kiss! I'm still so mad about what happened. Ngayon lang ulit ako pumasok after ng nangyaring yun.

He kissed me infront of his friends! Not just a kiss, a freaking french kiss! With tongue! Napahawak ulit ako sa labi ko.

"Hi!" Nagulat ako ng biglang may umupo sa harap ko.

And behold, the conceited prince himself. Jacob Mendoza. What the hell?

I can see some students looking at us. Malamang nagtataka sila kung bakit ako kinakausap ng isang Jacob Mendoza.

He is smiling widely in front of me.

"Are you so amaze by my face that you are speechless by it?" Mayabang na salita niya.

"What the fck?!" Napamura ko sa inis.

An amused smile rose from his lips. Napatitig ako sa labi niya, those lips.

Wtf Bianca?

"Hey...baka matunaw ako niyan, and why are you cursing? Didn't you know na hindi maganda pakinggan yung mura lalo na galing sa isang magandang babaeng katulad mo..." He winked at me and smiled.

"Fuck you!" I angrily said. Tumayo ako at handa ng umalis ng hawakan niya ko sa kamay para pigilan. Hindi lang pala conceited sexist din pala ang gago!

Nang mapansin niyang nakatingin ako ng masama sa kamay niyang nakahawak sakin ay tinanggal niya ito at itinaas ang kamay niya.

Sumeryoso ang mukha niya. "Look, I did not come here to fight with you, I came here para humingi ng tawad sayo..." 

Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya. He what?

"...I'm sorry about what happened last time, hindi ko sinadyang halikan ka or mabastos ka, I'm so sorry..." 

Tinignan ko siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko, he do looks sincere.

"You're Bianca right? Bianca Miracle Ocampo? You're a third year Architecture student."

Tumaas ang kilay ko, kilala na niya ko? Hindi na tomboy ang tawag niya sakin?

"Stop talking to me, I hate you." Tuluyan na kong umalis sa harapan niya.

She's the ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon