Chapter 2

630 14 0
                                    

(Jacob Mendoza's Point of View)

"Hi girls!" Nakangiting bati ko sa mga babaeng nakatayo sa harap ng classroom ko.

"Hello Jacob!" Sabay-sabay nilang bati sakin.

They smiled at me at sabay sabay ding pumunta sa harap ko.

"What can I do for you beautiful ladies?" I smirked at them. Halata namang kinilig sila kasi mga nag-ngisian at namula ang pisngi nila sa sinabi ko.

"A-Ahh, Jacob we are waiting for you kasi.."  Sagot ng isa sakanila, halatang nagpapacute sakin.

I winked at her.

"Girls I have to go na pala..." paalam ko sakanila. Malapit na kasi mag-start yung klase ko.

"B-But kakarating mo lang Jacob!"

"Sorry girls, baka ma-late kasi ako sa klase ko..."

Nakita ko namang lumungkot yung mga mukha nila. I smiled at them.

"Group hug before I go?"

Agad naman silang yumakap sakin. Ibang klase ka talaga Jacob Mendoza! You're the man!

(Bianca's Point of View)

"Tignan mo Ralph! Ang yabang talaga oh!" Turo ko kay Jacob Mendoza, kausap ko si Ralph ngayon, bestfriend ko.

Halos mabuga ko pa yung iniinom ko na juice ng makita kong nakipag group hug sya sa mga babaeng yun at nanlaki yung mga mata ko ng makita ko pang hinawakan niya yung pwet nung isa at yung babae mukhang tuwang tuwa pa kasi mas diniin niya pa yung kamay ni Jacob dito. I cringed. Mayabang na nga manyak pa!

"Ano ka ba naman Bee, ang aga aga  ang init na naman ng ulo mo." Sagot naman niya at hinawakan yung magkabilang balikat ko para pakalmahin ako.

Nakakainis lang kasi pagpasok na pagpasok ko dito sa university ay ang paglalandian ng Jacob na yan sa grupo ng babae ang makikita mo. Grabe lang.

That Conceited Prince! Inis na inis ako sa kanya, simula nung unang kita ko sa kanya ay natutunan ko na siyang kamuhian. Hate at first sight nga. Kasi naman diba? He was self-proclaimed perfect! What a jerk!

"Eh kasi naman! Ang yabang-yabang niyan!"

Natatawang tinignan ako ni Ralph. "Okay lang yan Bianx."

"Okay? Nakakainis kaya!"

"Hayaan mo na yan. As long as wala siyang ginagawa sating damage, lika na nga malalate pa tayo." Hinila niya ko papasok sa klase namin.

"Bianx okay ka lang diyan?" Kalabit sakin ni Ralph.

Hinde ako makapagconcentrate dahil dun sa Jacob na yun! Nakakainis lang kasi talaga eh bakit ba palagi kong natyetyempuhan at nakikita kung pano niya ipagmayabang ang sarili niya sa mundo?

I hate guys like him. Guys like him thinks everyone will bow to them and kiss their feet.

"Naiinis lang talaga ko." Sagot ko kay Ralph at nangalumbaba.

"Bakit ba kasi inis na inis ka sa kanya? You have 3 brothers pati ako I'm a guy and as far as I know may pagka playboy din mga kuya mo?" Tanong niya sakin.

"Ang yabang niya kasi, kung wala lang talaga siyang fraternity ay matagal ko ng binigwasan ang isang yun! And FYI mababait naman Kuya ko hindi ganyan kayabang..."

Sinabi ko yun with matching action pa. Nakakainis lang talaga kasi eh, wala siyang ibang ginawa kundi ang ipagmalaki ang sarili niya kung kani-kanino. Isa pang reason kung bakit ganun siya kayabang ay isa siya sa pinakamataas ng member ng fraternity dito sa University. Napatingin naman ako kay Ralph na ngumingiti-ngiti.

"Diba sabi ko sayo, gusto kong merong makakuha ng attention mo na lalaki?" Tanong niya sakin.

"Oh? Ano naman ngayon? Wala naman ah." Sabi ko naman.

"Meron na, si Jacob. In a negative way nga lang." He laughed.

Hindi ako ngumiti sakanya. Because he's wrong Jacob's not the first guy who caught my attention.

"Wag na nga nating pagusapan yung lalaking yun." Sabi ko.

"Oo nga pala Bianx, wala ka bang napapansin sakin?" Tumingin ako kay Ralph. Ha? Napapansin?

Hinawakan niya yung buhok niya at kumindat kindat din siya sakin.

"Hala, nagpabutas ka sa may kilay?!" Gulat na tanong ko at lumapit sa mukha niya para tignan lalo yung kilay niyang bagong butas.

"Oo..." Nakatitig lang siya sakin, nailang ako kaya agad akong lumayo.

"Nice bagay sayo..." ngumiti ako. Sht. Ano ba yun?! Bakit bigla kong kinabahan? Umiling iling ako at nakinig nalang ulit sa Professor namin.

- - - - - - - - - - - - - - - -

"Bunso, bili ka ng dress!" Nandito pala kami ngayon nila kuya sa mall, so as usual pinagtritripan nila ko.

"Tigilan niyo nga ko!" Suway ko sa kanila.

May nakita akong store na nagbebenta ng mga camera, walang pagpapaalam agad akong pumasok sa store na yun.

"Wow, ang ganda naman nito." Sabi ko habang tinitignan yung Canon DSLR na bagong labas pa lang, pangarap ko kasing magkaroon ng ganyan eh. I looked at my camera, bago pa naman din to at wala pang sira but I really want this camera too.

"Bunso! Bigla ka nalang nawala." Si Kuya Blake na bigla akong inakbayan. Kasunod niya sila Kuya Blaze at Brylle. Looking at my brothers para silang mga model na napadpad sa mall, agad naglipatan yung mga saleslady dito sa store. Napa-arko yung kilay ko, nung mag-isa lang ako wala manlang nag-assist sakin.

"Kuya, ang ganda oh!" Sabi ko sa kanya sabay turo dun sa DSLR.

"Naku ang mahal niyan!" Sabat agad ni Kuya Brylle. Inirapan ko si Kuya Brylle.

"Hayaan mo pag nakapag ipon tayo bibili kita niyan." Sabi naman ni Kuya Blake.

"Talaga Kuya?" Tanong ko.

"Oo nga basta, pag-igihin mo sa pagaaral!" Sabi ni Kuya Blake.

Baka isipin niyong spoiled ako sa mga kuya ko ah, hindi kaya! Sila pa nga ang spoiled sakin eh .

"Kuya lika na, uwi na tayo" Sabi ni Kuya Brylle kila Kuya Blake at Kuya Blaze, himala ata? Nagyaya agad siyang umuwi?

"Kuya Brylle, may lagnat ka?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung noo niya. Agad naman niya tong inalis.

"Huh? Lagnat ka diyan! May date kasi kami ni Anne. Tinext niya ko kanina na magkita kami. Feeling ko sasagutin na niya ko ngayon..." Mayabang na sagot ni Kuya Brylle.

"Sus,lika na at baka mapagalitan pa tayo ni Papa, sabi niya uuwi daw siya ngayon..." Sabi naman ni Kuya Blaze.

Bago kami tuluyang umalis ay tinignan ko ulit muna yung pangarap kong DSLR.

"Magkakaron din ako niyan, promise." Bulong ko sa sarili ko.

She's the ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon