(Bianca's Point of View)
Nandito ko ngayon sa may rooftop ng school, gamit ko tong bagong DSLR ni Ralph na hiniram ko naiwan ko kasi yung camera sa bahay, kinukunan ko yung field ng university namin mas maganda kasi yung kuha dito eh. Kuha yung buong university namin, I can also see the students doing their own things from up here.
I also liked the silence dito sa rooftop. I need to compose myself. Hindi ko nagustuhan yung naramdaman ko kanina nung napalapit ako kay Ralph, I bitterly smiled at myself.
"Pwede kang magkaroon ng ganyang camera."
Napatigil ako sa pagkuha ng pictures ng biglang may nagsalita. Paglingon ko ay nakita ko si Mellisa.
Mellisa Perez, she is a campus figure with a bad reputation, sinasabi ng iba na may sayad ito sa ulo, kaya walang kaibigan to eh, minsan nga nakikita ko siyang tumatawa mag-isa. Baka may sayad talaga siya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya habang lumalayo sa railings nung rooftop baka mamaya bigla na lang niya ko itulak eh.
"Narinig ko sa mall na gusto mo niyang ganyang klaseng camera, I'm Mellisa by the way, Bianca right?" Nilahad niya yung kamay nya sakin. I just looked at her hands and didn't bother to even shake it.
Inalis nya yung kamay niya, she creepily smiled.
"Bakit ka nakikinig sa usapan namin?" Mahinahon kong tanong sa kanya.
"At nalaman ko ring inis ka kay Jacob Mendoza." Hindi niya pinansin yung tanong ko at nagtanong ulit siya.
"Oh? Ano ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"I also hate him!" Sabi niya na medyo tumaas ang boses.
"Pinahiya niya ko in front of my crush! He humiliated me! I will have my revenge!" She said in gritted teeth. Hindi lang pala ako ang inis na inis kay Jacob.
"Then go, goodluck na lang sayo." Sabi ko sa kanya at aalis na sana ko ng bigla niya kong hawakan sa isang braso ko. What the heck is her problem? May mental issues yata talaga to eh.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"I will need your help."
"Huh?"
"I will need you to destroy him."
"Bakit ako?" Tanong ko sakanya.
"Kasi you also hate Jacob, tsaka you need money to buy that kind of camera right?" Sunod-sunod na sabi niya sakin, grabe may mental issues nga tong babaeng to.
"Ano bang plano mong gawin?" Dahil curious ako sa gusto niyang pagawa sakin ay tinanong ko na rin. Ngumiti naman siya na parang baliw. Creepy.
"Picture-ran mo siya sa locker room ng nakahubad." Napanganga naman ako sa sinabi niya.
"Seriously? Galit ka ba sakanya o pinagnanasaan mo lang siya?" Diretsyong tanong ko sa kanya.
"Eww no way" Sagot niya sakin.
"Eeh bakit kailangan mo ng naked picture niya?" Naguguluhang tanong ko.
"I will make use of that pictures at ipapakalat ko sa buong university including sa mga bakla" Napanganga ulit ako sa sinabi niya.
Sigurado ngang pagkakaguluhan ng mga bakla iyon, ang pagkakaalam ko ay allergic si Jacob sa mga bakla at siguradong magagalit talaga to pag nangyari yung sinasabi ni Mellisa. Infairness kahit may sayad tong si Mellisa ay maganda yung naisip niyang plano.
"Wow, ang galing mo ah." Compliment ko sa kanya. She laughed. A creepy laugh.
"Thanks, so are you in?" Tanong naman niya sakin.
Napatingin naman ako sa hawak na camera ko. Oo, gusto kong magkaroon ng gantong camera but hindi ko naman kayang gawin yun sa isang taong wala namang kasalanan sakin, oo inis ako kay Jacob but that's not a valid reason para gawin ko yung sinasabi ni Mellisa, ni hindi nga ko kilala nun ni Jacob eh.
"Dont worry kung iniisip mong madadamay ka, hindi" Dagdag niya pa.
"I'm sorry Mellisa but no, hindi ko kayang gawin yun" Pagtanggi ko sakanya at naglakad ng papalayo.
"Pag-isipan mo Bianca, I'll wait for you." Rinig kong sabi niya bago ko tuluyang lumabas ng rooftop.
That girl is really insane, hindi ko naman kayang gawin yun kahit inis na inis ako sa lalaking ubod ng yabang na yun.
——
"Hi Bee! I missed you!" Nakangiting bati sakin ni Anne. She quickly hugged me. I hugged her back.
"Miss you A! Ikaw kasi puro si Kuya Brylle na ang kasama mo lagi..." Nagtatampong sabi ko, napatingin siya sakin at parang kinabahan. Napasimangot ako, may nasabi ba kong mali?
"Bakit A? Mag-kaaway ba kayo?" Tanong ko. Agad siyang umiling sakin.
"Hindi no! Ikaw talaga, ikaw di kita nakikita na, mag bonding naman tayo..." ngumiti ako sakanya at tumango. Sweet na kaibigan talaga tong si Anne, we are bestfriends since Highschool kami.
I can still remember how we became friends. Anne is a very popular girl, simula noon hanggang ngayon, while me? I'm just a regular student.
"Mall naman tayo Bee, need ko ng new outfits..." I looked at her. Until now I still can't believe na I'm bestfriend with this girl right here. Magkaibang magkaiba kasi kami ni Anne.
Anne is the happy go lucky type of girl while ako naman is the bugnutin type of person, dalawa nga lang kaibigan ko sa campus and that's Anne and Ralph. Isa pa, yung pananamit si Anne laging akala mo may fashion show while ako is simpleng loose shirt at pantalon lang, minsan pa nga napagkamalan at nachismis akong lesbian lover ni Anne. Natawa nalang kaming dalawa dun. And what I really like about Anne is she's very honest. That's why nung sinabi ni Kuya Brylle na liligawan niya si Anne ay agad akong kumontra ng una, alam ko kasing may pagka-playboy si Kuya but when I saw how much effort he is giving Anne agad akong pumayag na.
—-
"Bee, what do you think? Eto or eto?" Anne showed me two dresses, parang pareho lang naman ng style pero para wala ng masabi si Anne ay pumili nalang ako ng isa.
"Kayo na ba ni Kuya?" Tanong ko kay Anne.
Napatigil si Anne sa pamimili ng damit niya at humarap sakin.
"Bee, about that, may sasabihin ako sayo." Seryoso niyang sabi.
Bigla naman ako kinabahan. "Ano yun?"
"Pinatigil ko na si Brylle sa panliligaw sakin..."
Ako naman ang napatigil sa pagtingin ng kung ano ano at tumingin sakanya. "Bakit? Akala ko ba mahal mo na rin siya? Diba sabi mo pa nga sakin nung isang araw sasagutin mo na siya?" Sunod sunod kong tanong sakanya dahil naguluhan ako.
She sighed. "I'm sorry Bee, I realized that I'm not ready to be in a relationship, I hope this does not affect our friendship Bee, alam mo naman kung gaano ka ka-importante sakin diba?" She sincerely said. I looked at her eyes and nodded.
"Of course, I understand..." I smiled at her, she smiled back at nagpatuloy kami sa pamimili.
I need to go home quickly after this. I need to check on Kuya Brylle.
BINABASA MO ANG
She's the Man
RomanceBianca Miracle Ocampo had always been one of the boys, ikaw ba naman lumaki sa bahay ng puro lalaki diba? Naniniwala siya na ang mga lalaki ay sadyang pinanganak na mayabang at mapagmalaki. Pero sumobra naman ata si Jacob Mendoza. She hated Jacob t...