(Bianca Miracle Ocampo's Point of View)"You lose. The game's over." I grinned at the guy in front of me.
"Hindi! H-Hindi pwede. One more game! I can't loose to a girl." Napasimangot ako sa sinabi niya.
"You just did." I winked at him. He was about to say something again but was cut off.
"Yes, you just did. And it's over we're going home." I felt my brother's hand around my shoulder.
I looked at my brother.
"Let's go Bianca, let's find Brylle and Blaze." Kuya Blake said.
"Wait Kuya, hey give me the money." I told the guy who just lose to me. Walang nagawa yung lalaki at binigay sakin yung ten thousand pesos na napanalo ko sa larong poker.
I smirked. Ang yabang mo ah. Wala ka naman palang binatbat.
"Galing mo talaga bunso, ikaw na. '" Kuya Blake told me while laughing his hand is still over my shoulders. I looked at my brother, he's 6 feet tall. Good-looking, mabait and charming. He's every girl's dream guy kung tutuusin but until now wala parin siyang girlfriend, ewan ko ba dito.
"Syempre mana lang ako sayo." I laughed with him.
"Sus, ikaw talaga tara na nga at hanapin yung dalawang mokong." He pinched my nose and smiled.
I grinned. I'm such a Kuya's girl. Well considering na I'm the only girl in the family, I have three brothers and my father which is always at work at minsan lang namin makita sa bahay. My mother? She's already in heaven she died giving birth to me. Sabi nga ng doctor it's also a miracle na nabuhay ako. Maybe that's why my second name's Miracle.
"Tignan mo talaga tong dalawa." I heard Kuya Blake said. Napatingin naman ako sa tinignan niya and I saw my other two brothers drinking and dancing with two girls.
Napangiwi ako. Mga playboys talaga. This is the very reason I don't trust men.
Well that's Blaze and Brylle Ocampo to you. Just like Kuya Blake hindi rin bababa ng 5'11 ang height nila. Si Kuya Blake ang panganay he's already 26, si Kuya Blaze naman 24 while si Kuya Brylle ay 21 while ako being the bunso is 20. Ako lang ata ang 5'6 samin, maybe because namana ko kay Mommy ang height, but sabi nga nila for a girl to be 5'6 in height is not bad.
Sabi nila kamukha ko daw si Mommy but I doubt. I saw pictures of my mother and she's so beautiful compared to me na mukhang tomboy.
My long, jet black hair is always in a bun and I'm always wearing a tshirt instead of dresses, I live with fours boys, I mean what do you expect diba?
"Ano ba yan Kuya! We're still having fun!" angal ni Kuya Blaze, hinila sila ni Kuya Blake, agad naman umakbay sakin si Kuya Brylle.
"Ang baho mo Kuya." inis na inalis ko yung pagkakaakbay sakin ni Kuya Brylle. Amoy alak.
"Arte mo naman Bee." Inamoy naman niya yung sarili niya.
"Wag niyong ibully si Bee at nanalo yan sa poker." Sabi ni Kuya Blake agad naman lumapit si Kuya Blaze samin.
"Woah, now that's our baby girl! Lika na libre mo na kami." I rolled my eyes at them, mga mukha talagang libre.
****
"Pwede magdahan dahan kayo ni Brylle?" Napapailing na sabi ni Kuya Blake. Ako naman natatawa lang.
Nandito kami ngayon sa Jollibee. Nagpalibre sila diba? Well dito ko sila nilibre. Choosy pa ba sila?
"Ang cheap mo talaga bunso, ten thousand yung nakuha mo pero Jollibee mo kami nilibre?" Naiinis na sabi ni Kuya Blaze, wow at talagang nagreklamo pa sya, pero kita naman na enjoy na enjoy siya sa pagkain ng chicken joy niya.
"Buti nga nilibre ko kayo, pangtatabi ko kasi yun pambili nung bagong labas na DSLR." Sabi ko.
Yes, I'm into photography. I love taking pictures, and my favorite subjects? Human beings. I wanted to capture candid and genuine moments. Ewan ko ba, sabi nila namana ko daw to kay Mommy, si Mommy kasi photographer siya noong buhay pa siya, and dahil din a photography kaya sila nagkakilala ni Papa. I smiled when I remember their love story, sobrang nakakakilig.
"Wag ka magalala bunso dagdagan ko yan pag naka commission ako this month." Nakangiting sabi sakin ni Kuya Blake. He's a real estate agent, malaki din yung kita niya lalo na kapag nakakabenta siya which is always since ginagamitan niya lagi ng charms niya.
"Osige ako narin kapag nahit ko yung quota ng Team ko bunso." Dagdag naman ni Kuya Blaze, he's a Team Leader naman sa isang sikat na BPO company.
"Talaga mga Kuya?!"
"Oo--"
"Spoiled na naman siya." Asar sakin ni Kuya Brylle.
"Weh inggit ka lang porket---"
"Ops tama na yan, magaaway na naman kayo?" Kuya Blake cut me off. Binelatan ko si Kuya Brylle.
Saming magkakapatid, kami ni Kuya Brylle ang madalas mag-away pero believe it or not siya ang pinakaclose ko, siguro kasi 1 year lang ang gap namin at pareho padin kaming nagaaral at same University kami.
"Ikaw kaya ka di pa sinasagot ni Anne eh, kasi bully ka." Nangpipikon na sabi ko.
He immediately smirked.
"Well, fyi. Feeling ko sasagutin na niya ko" Nakangiting sabi niya. Napailing ako.
He's been courting my bestfriend Anne for almost a year now, I can say na talagang seryoso siya kasi knowing Kuya Brylle hindi sya magtatagal manligaw kung hindi.
Napailing ako. "Talaga ba? Eh pano kaya kung sabihin ko kay Anne na nakipagsayaw ka kanina sa bar at umiinom ka pa ng alak?" Nanghahamon na sabi ko.
Namutla naman siya. "Bee naman, bunso wag ganun! Tsaka alam mo naman na sila lumalapit sakin I can't help it if ako ang lapitan...." mas napailing ako.
"... Tsaka si Kuya Blaze talaga ang sinasayawan nila hindi ako!" dagdag niya pa. Natawa kaming tatlo. Tinaas ni Kuya Blaze yung kamay niya.
"Oops, pagkakatanda ko Brylle ikaw ang lumapit sa mga babae na yun..." kantyaw pa ni Kuya Blaze. Mas napatawa ko kasi nakita kong mas nalukot yung mukha ni Kuya Brylle at tumigil siya sa pagkain.
"Hoy Kuya walang ganun! Ikaw naman Bee masyado ka alam mo namang si Anne lang talaga!" Pagtatanggol niya sa sarili niya.
"Oo na Kuya, alam ko naman na seryoso ka kay Anne. Don't worry, and I think sasagutin ka na nga nya." I smiled. Well lately kasi panay si Kuya Brylle na nga ang bukambibig sakin ng bestfriend ko.
"Talaga ba bunso? Sana nga!" Ngiting tagumpay niya. Sabay naman siyang binatukan ni Kuya Blaze at Blake.
Napatawa ako lalo. Sana nga sagutin na ni Anne si Kuya Brylle.
-----
[ a/n: Chapter 1 has been updated! ]
BINABASA MO ANG
She's the Man
RomanceBianca Miracle Ocampo had always been one of the boys, ikaw ba naman lumaki sa bahay ng puro lalaki diba? Naniniwala siya na ang mga lalaki ay sadyang pinanganak na mayabang at mapagmalaki. Pero sumobra naman ata si Jacob Mendoza. She hated Jacob t...