Chapter 4

546 14 0
                                    

(Jacob's Point of View)

"Birthday mo na next month ah!" Sabi sakin ni Harold pagkapasok ko sa lounge area ng Fraternity namin.

"Oo nga dude, pool party ba ulit yan?" Tanong naman ni Ethan. He smirked. Last year kasi pool party ang naganap.

"Asa ka Ethan, formal ang party ko ngayon since I'm 21 na daw, may mga inimbita pa nga silang guest eh."

"Damn! Ang KJ ng parents mo."

Tama nga sila ang KJ ng parents ko, minsan nga iniisip kong ampon ako eh, kasi naman yung mga magulang ko parehong business minded habang yung kapatid ko naman brainiac o nerd ako lang ata sa pamilya namin ang may outgoing at playful na personality eh.

"Alam ko." Sagot ko na lang sa kanila.

Napatingin naman ako sa babaeng papalapit samin. Si Anne. She is wearing a yellow dress na hanggang tuhod. She looks beautiful.

"Hi Guys!" Bati niya samin, binalingan naman niya ko.

"Hi Jacob ." Sabi niya sakin habang nakangiti.

Ngumiti nalang ako, mukhang may nabihag na naman akong puso ah, three days ago, nakita ko siyang natapilok sa may hallway kaya binuhat ko siya papuntang clinic. Sabi niya ako daw yung "Hero" niya. Simula nun palagi na siyang nakabuntot kahit saan ako pumunta.

"Can I talk to you in private?" Tanong niya sakin.

"Sure." Pagpayag ko.

Pagkatayo ko naman ay agad niya kong hinila sa may school gym namin at naupo sa may bleachers, tinabihan ko naman siya.

"So? Anong sasabihin mo at kailangang private pa?" Tanong ko sa kanya.

"Jacob, I like you so much" Sabi niya sakin habang nakayuko.

Hindi na ko nagulat sa sinabi niya, sanay na kong sabihan niyan at madalas akong makatanggap ng mga love letters at kung ano-ano na galing sa mga fangirls ko.

"Since that day na you carried me, I know na you're the one for me" She added. Napangiti naman ako, kahit sanay na ko na sinasabihan ng ganun ay nakakaflatter parin.

"Aren't you going to say anything?" Tanong niya sakin.

"Anne, thanks for liking me but--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang niya kong hinalikan.

(Bianca's Point of View)

"Kuya Brylle tama na yan." Pag-awat ko kay Kuya Brylle na patuloy parin sa pag-inom ng alak. Umagang umaga ay nandito kami sa isang bar sa BGC. Nagulat ako ng makareceive ako ng text sa isa sa mga kaklase niya na hindi na naman daw pumasok si Kuya.

Hindi niya ko pinansin at nagpatuloy parin sa pag-inom. Hindi ako makapaniwala sa mga kinuwento sakin ni Kuya nakita daw niya kung papano halikan ni Jacob si Anne! At nung awatin niya ito at puntahan ay nagalit pa si Anne sa kanya at ayun binusted na si Kuya. That jerk Jacob!

Hindi ako makapaniwalang sila na ni Anne, agad-agad? Last time I checked sabi sakin ni Anne kaya niya pinatigil si Kuya Brylle ay di pa siya ready sa isang relationship. I'm sure hindi seryoso yung scumbag na yun kay Anne! Paniguradong niloloko lang ni Jacob si Anne!

"Bakit ganun? Bakit niya ko pinaasa? Ang sakit lang.." Sabi sakin ni Kuya Brylle at lumagok ulit nung alak niya.

Di hamak namang mas gwapo si Kuya Brylle sa manyak na yun! Panigurado akong inakit ni Jacob si Anne kaya binusted ni Anne si Kuya! That Narcissitic jerk!

"Kuya, Anne doesn't deserve you! Kalimutan mo na siya!" Sabi ko kay Kuya habang inaagaw sa kanya yung beer na iniinom niya. If it's true na si Anne na nga at si Jacob then Anne doesn't deserve my Kuya. And I can't believe na nagsinungaling siya sakin.

"Hindi ganun kadali eh, mahal ko siya!"

"Then pagaralan mo nang kalimutan siya kuya, hindi siya deserving sayo!" Sabi ko kay kuya at hinatak na siya palabas ng bar.

Pag-kauwi namin sa bahay agad akong tinanong nila Kuya Blake and Blaze, sinabi ko nalang na nabusted na at broken hearted si Kuya. Pumanik naman ako sa taas at pinuntahan si Kuya sa kwarto niya.

"Kuya, forget her ok? She don't deserve you." Sabi ko kay Kuya.

I can't believe it umiiyak si Kuya dahil sa babaeng yun? This is the first time na nagka-ganto si Kuya dahil sa isang babae. Para kong sinipa sa dibdib na makita si Kuya sa gantong sitwasyon and worse, bestfriend ko pa talaga ang dahilan, hindi niya deserve yung pain niya ngayon all because of Anne and that jerk Jacob!

- - - - - - - - - - - - - - - - -

"Kayo na pala nung Anne?" Tanong kay Jacob nung kaibigan niya.

Nakatago pala ko sa kanila ngayon, lihim akong nagiimbestiga about sa kanilang dalawa ni Anne, tuwing nakikita ko kasi sila ay feeling ko gusto ko silang ibaon sa lupa, parang balewala lang sa Anne na yun yung pananakit na ginawa niya sa kuya ko! Galit na galit ako sakanya, nakailang texts at tawag ako kay Anne pero wala ni hindi siya sumasagot, hindi ko rin naman siya mapuntahan at malapitan dahil lagi niyang kasama si Jacob o kung hindi si Jacob ay yung mga sosyal niyang kaibigan.

Sobrang nasasaktan din ako ngayon, what happened dun sa sinabi niya sakin na importante ako sakanya? Ganun nalang din yung friendship namin? All because of Jacob?

"Yeah, but I'm not serious with her, kilala niyo naman ako diba." Sabi naman ni Jacob at nagkibit ng balikat niya.

I knew it! Sabi na nga ba at hindi seryoso si Jacob kay Anne. Niloloko lang nito si Anne, what a jerk! But perhaps Anne deserve it parusa na rin niya yun sa pagpili sa Narcissitic Jerk na yan imbes kay Kuya Brylle! Hihintayin ko na lang na umiyak siya kapag iniwan na siya ng Jacob nayan, but si Jacob paano ko maigaganti si Kuya sa kanya?

Bigla ko namang naisip yung offer ni Mellisa, tama! Pinuntahan ko agad si Mellisa.

"So? What do you want?" Tanong niya sakin.

"Tinatanggap ko na yung offer mo." Walang pagaalinlangang sagot ko.

"Really? What made you say that?" Ano ba naman to! Ang dami pang tanong eh , pumapayag na nga ko eh.

"Kasi he deserve that kind of humiliation" Sagot ko.

"Yeah right! So sige, makukuha mo ang pambili sa camera mo after mong gawin yung pinagagawa ko."

Sabi niya at umalis na siya, ayos to! I can do this! Mapaghihiganti ko na si Kuya Brylle mabibili ko pa yung pangarap kong DLSR. It's like hitting two birds with one stone.

I smiled. Humanda ka ngayon sa serious na humiliation Jacob Mendoza.

She's the ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon