busy bee

39 5 1
                                    

Ok iligpit niyo na ang mga gamit.
Minreille, please assist Yonghwa with his clothes. Ikaw naman Zion.. Ayun na sa Jungshin oh.


Napataas ang mukha ng singkit na drummer ng banda.

Sinundan ng tingin si Yonghwa at Minreille. Nag aagawan pa ang mga ito sa mga damit ni Yonghwa habang nagtatawanan.

Tssk. Kainis...

Padabog niyang isinara ang box na naglalaman ng drumset niya.

Tinapik siya ni Jonghyun sa balikat.
Me problema ba Minhyuk? Tanung nito habang nagpupunas ng pawis.

Napagod lang hyung. Nakayukong sagot naman niya.

Halika na. Padala mo nalang ke Ally yan. Inakbayan na siya nito at sabay silang naglakad papunta sa dressing room.

Nagpabili si Yonghwa ng iced coffee at cappuccino para sa lahat ng crew.

Oh Minreille inumin mo muna kanina ka pa lakad ng lakad diyan eh. Sabay abot ng cappuccino dito.

Gomawo oppa. Nginitian niya ito.

Nakakapagod talaga maging PA lalo pat kasing sikat ng CNBlue ang inaasistihan mo. Dapat palagi kang alert at handang magbuhat ng mabibigat.

Nilapitan ni Yonghwa ang mga ka banda at nag group shot sila. Nakipagharutan kay Jungshin na akala mo mga batang paslit.

Napailing siya. Sa halos dalawang taon niyang pagiging PA nito, na enjoy niya ang trabaho niya.

At laking pasasalamat niya dahil ito ang nagpabago ng buhay niya.

Nagpunas siya ng pawis at binitbit nag clothes bag ni Yonghwa para dalhin sa van.

Katatapos lang ng world tour ng mga ito sa US. At mamaya bago sumikat ang araw babalik na sila sa Korea.

Napabuntung hininga siya.

Magkahalong excitement ang kaba na nararamdaman niya sa muling pagtapak sa bansang tinaguriang Land of the Morning Calm.


Pretentious LovETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon