waiting for you

21 4 4
                                    

Pumasok sa army ang CNBlue pagka release ng album nila.
Nagulat man ang mga fans, masaya silang tinanggap ito dahil nag- iwan ito ng bagong album.

Walang makuhang balita si CEO Han. Gayunman madalas siyang tumatawag sa apat basta ipinapahintulot ng korean army.


Malungkot si Minhyuk. Naiintindihan naman nila Yonghwa ang nararamdaman nito. Mula kasi ng kasal ni Minreille hindi na sila nakakuha ng balita tungkol dito.

Lumipas ang mga buwan. Natapos nila ang prescribed number of months para mag serve sa army.


Nagsaya ang Boice sa pagsalubong sa kanila. May malaking banner sa FNC na nag we-welcome sa apat.

Mula duon, dumiretso sila sa dorm at nag ayos ng gamit. Mag so solo na sila. Nakabili ang papa ni Minhyuk ang bahay sa may Ilsan gayundin si Jungshin. Magkatabi ang bahay nila.


Kumuha naman si Yonghwa at Jonghyun ng bahay sa Busan at magkatabi rin ang kinuha nila.


Minhyuk...are you alright? Tanung ni CEO sa drummer. Nakaimpake na ang gamit nito. Nakabalot ang malaking canvas ng picture ni Minreille. Hindi pa rin ito kumikibo.

Ok lang ako..uncle. Ngumiti siya dito. Iuuwi ko ang mga ito. Matutuwa si Reille pag nakita ito. Sabi niya ng pabulong.

Nagkatinginan sila Yonghwa, Jonghyun at Jungshin. Kahit kasi ilang taon na ang nakaraan. Hindi nito nakalimutan ang mag ina niya. Palagi nitong tinitingnan ang picture ni Reille sa cellphone niya pati ang ultrasound ng baby nila.

Hyukkie...lets meet in a week. Yaya dito ni Jonghyun. Pupunta kami sa resto ng apa mo.

Tumingin siya sa tatlo. Sige hyung.. Sabihan ko si apa na maghanda ng samgyeopsal. Bahagya siyang ngumiti sa mga ito. Alam niya na nag aalala ang mga ito sa kanya.

Umuwi na sila sa kani kanilang bahay.

Ilang oras din ang biniyahe ni Minhyuk. Tinulungan siya ng tatlong bodyguard na magbaba ng gamit pagdating niya sa bahay niya sa Ilsan.

Inilibot niya ang paningin sa paligid. Ang apa niya ang pinakiusapan niyang bumili niyon. Isinabit niya ang malaking kwadro ng larawan ni Minreille sa gitna ng living room. Ipinagbilin niya iyon kanina bago pa siya dumating.

Pagkatapos ay nagmamadali siyang pumunta sa masters bedroom.

Reille... Mahinang tawag niya sa babaeng nakahiga sa kama katabi ang isang cute na baby.

Dahan dahang dumilat si Minreille.
Nakauwi ka na... Sabi niya sabay yakap sa asawa.

Baby...I missed you. Pati si MC na miss ko rin... Naluluhang sabi niya.

Pinahid ni Minreille ang luhang tumulo sa mata ni Minhyuk. Ok lang kami. Nandito ka na.. Bulong niya dito.

Hinalikan ni Minhyuk ang mga labi niya at niyakap siya ng mahigpit.
Sulit ang ipinaghintay niya sa army.
Kumpleto na uli siya. Kasama na niya ang babaeng pinakamamahal niya.

Sa Japan naman, nakatingin si LeeRin sa langit mula sa terrace niya. Nuong nawala si Minreille, sa Japan na siya namalagi. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ito nakakalimutan.

Nabalitaan niya na ngayon lumabas mula sa army ang CNBlue. Malamang, magkasama na ang dalawa. Napangiti siya. Masaya na si Minreille. Kaya masaya na rin siya.

Isang araw bago sila ikasal, nuong dumalaw ang CNBlue sa suite nila, napansin na niya na kakaiba ang ikinikilos ni Minhyuk. Hindi iyon nakihalo sa kanila.

Binale wala lang niya iyon. Nang umalis na ang apat, pumunta siya sa terrace at umupo kung saan naka pwesto si Minreille naisipan niyang makinig sa kanta na paborito nito.

Sa kakahanap ng magugustuhan niyang kanta, di sinasadya ay napakinggan niya ang iniwang message ni Minhyuk para kay Chloe.

Pinakiusapan niya ito na magpanggap na nawalan ng malay para hindi matuloy ang kasal. Pero nagkatotoo ang hiniling nito dahil sa sobrang stressed ni Minreille. Hindi rin aware si Minreille sa plano ni Minhyuk.

Siya na ang gumawa ng paraan at nagtago dito. Pinadalhan niya ng sulat si Minhyuk kung nasaan si Minreille at ipinasundo niya ito. Kahit kanino sa kasama nito ay walang nakakaalam sa plano nila.

Ang papa ni Chloe ay na stroke kayat wala na silang maaari pang ipag alaala dito.

Ngayon masaya na siya. Siguro dadating din para sa kanya pagkalipas ng ilang panahon.
Tumunog ang cellphone niya pagkaraan ng ilang minuto.

Hyung...nandito na ako. Sabi ng boses sa kabilang linya.

Ok. Goodluck. Sagot niya.

Salamat...sa lahat. Nakangiting sabi ni Minhyuk. Nakayakap sa bewang ni Reille.

Alagaan mo sila, ha? Bilin niya.

Tatawagan niya sila Yonghwa, Jonghyun at Jungshin.. Alam niyang nag aalala ang mga ito kay Minreille.
Oras na para malaman ng lahat ang tungkol sa pamilya niya. Anuman ang mangyari, handa na siya.

Pretentious LovETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon