my star

46 3 3
                                    

Inayos ni Minyuk ang kwarto niya. Pag alis kasi niya gusto niyang duon muna si Minreille matutulog. Mas maluwang sa kwarto niya at ayaw niyang mahirapan ito.

" Min.. Kanina ka pa diyan anu bang ginagawa mo?" Tawag ni Minreille. Kanina pa niya tinawag si Minhyuk para kumain sabi lang nito susunod siya.

Pumunta uli siya sa kusina.

" Minreille mauna na ko ha. Kasi nasa opisina si Yonghwa aalis  kami pagkatapos meeting. Initin mo na lang yun ulam mamaya ha? " Bilin ni Ally. Tinapik niya sa balikat si Minhyuk na nakasalubong niyang papasok sa kusina.

" Sige Ally." Sagot naman niya at nag umpisa ng mag hain. Nginitian niya si Minhyuk.

" Upo ka na lang dito Reille. " Tawag sa kanya ni Minhyuk sabay hawak sa bewang niya.

Iginiya siya nito sa isang upuan at pinaupo siya. Kumuha ng panyo at pinunasan ang noo niya.

Napangiti si Minreille.
"Ang swerte ko naman." Nakangiting sabi niya kay Minhyuk.

" Kasi naman asawa ko, di ka dapat nagpapagod. Gusto ko diyan ka lang. " Kinuha nito ang ihinahanda niyang pagkain.
Tapos inilagay ito sa tapat niya at umupo sa tabi niya.

Sabay na silang kumain at titingin tingin sa kanya si Minhyuk.

" Bakit? May sasabihin ka ba?" Tanung ni Minreille.

"Ahm.. Reille, may pupuntahan tayo mamaya. "

" ha? San naman?" - Minreille

" Basta. Surprise asawa ko." Nakatawang sabi nito. Lalo tuloy nawala ang singkit na mata.

Papasok sila sa isang hotel sa Ilsan.  Tatlong oras silang bumiyahe ni Minhyuk pero hindi nito sinabi kung saan sila pupunta.

" Were here. Halika." Hinawakan nito ang kamay niya at inalalayan siyang pumasok sa loob.

Dumaan sila sa reception at hiningi nito ang susi para sa room nila.

Nakataas ang kilay na tiningnan niya si Minhyuk.

Ngumiti lang ito sa kanya at sumakay sila sa elevator.


"Wow!"  Napabulalas si Minreille pagpasok nila sa suite.

Maraming bulaklak sa paligid.

Itinaas ni Minhyuk ang braso at kumapit siya dito. Nagulat pa siya ng tumugtog ang piano version ng star. Nagtatakang nilingon niya ito.

Dinala siya ni Minhyuk sa loob ng kwarto kung saan naghihintay ang isang may edad na lalaki.

Huminto sila sa tapat nito.

Nagumpisa ang seremonya na parang lumulutang ang isip niya.
Hindi niya alam kung paano siyang nakasagot ng tama sa mga tanung ng judge.

Nagsalitan sila sa paglalagay ng singsing sa palasinsingan at hinalikan pa ni Minhyuk ang daliri niya.

Nilingon niya si Minhyuk at nakita niyang seryoso ito at nakatingin sa judge.

Kinamayan sila nito at nginitian matapos silang pumirma sa ilang papeles.

" Mauna na ako. Congratulations!" Bati nito uli sa kanila. Nag bow at lumabas na ng kwarto.

Tiningnan siya ni Minhyuk.
" Ayan ngayon talagang asawa na kita. Mahal na mahal kita Reille." Itinaas nito ang mukha niya at hinalikan siya sa labi.

Napaluha siya. " Min... Paano kung malaman nila.."

" shhh... Ikaw ang mahalaga sa akin. Ang tagal ng anim na buwan. Tsaka isa pa. Technically, hindi pa naguumpisa ang kontrata ko. Ang date nun next week pa. Kasal na tayo bago mag take effect ang kontrata." Mahabang paliwanag nito.

Natawa siya. Loko talaga si Minhyuk.

Nagulat siya ng buhatin siya nito.
Dinala siya sa isa pang kwarto at saka ibinaba sa kama.

" ngayon naman Mrs. Kang, mag celebrate na tayo. " nawala ang mata nito sa lapad ng ngiti.
Hinalikan siya nito at napapikit siya.

" Ilove you Minreille Kang. Akin ka na asawa ko." Bulong nito sa kanya habang dahan dahang inilalapat ang likod niya sa kama.

Napangiti si Minreille.
This is my happily ever after.

Pretentious LovETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon