eclipse

64 5 5
                                    

Masama an pakiramdam ni Minreille ng magising. Panay ang punta niya sa banyo dahil sa morning sickness.

Binuhat ni Minhyuk si Minreille at dinala sa kwarto niya.
Huwag ka na lang maghatid. Magpahinga ka na dito. Nag aalalang sabi niya sa asawa.

Pinunasan niya ng towel ang noo nito. Nakapikit naman si Minreille. Umiikot ang paningin niya.
Matulog ka na. Sabi ni Minhyuk at 
sinuklay suklay ang buhok niya.
Hindi na niya namalayan ang oras.


Mataas na ang araw ng magising si Minreille. Dahan dahan siyang bumangon at pinakiramdaman ang sarili.

Nilibot ng paningin niya kabuoan ng kwarto. May malaking picture niya sa isang panig ng dingding. Napalapit siya dito. Nakangiti siya at may nakahawak sa balikat niya.

Naalala niya ang araw na iyon. Isang linggo pa lang siya nuon bilang PA. Nakahawak sa kanya si Yonghwa at ipinapakilala siya sa iba pang PA.

Napangiti si Minreille. Nuon pa pala siya mahal ni Minhyuk.

Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Naabutan niyang magkatabi sa sofa si Ally at Yonghwa at nagbubulungan ito. Nagtaas ng mukha si Yong ng lumapit siya.

Ayos ka na ba? Tanung nito at ngumiti.

Ayos lang ako oppa. Sagot naman niya.

Hindi ka na pinagising ni Minhyuk. Naihatid na namin siya at  kababalik lang namin. Pagkukwento pa nito.

Tumango siya at dumiretso sa kusina. Nandun sila Jonghyun at Jungshin na nag tatalo kung alin ang masarap sa kinakain nila. Nakatawa naman si Zion sa dalawa.

Minreille. Kain tayo. Anyaya sa kanya ni Jungshin.

Ayos ka na ba? Tanung naman ni Zion.

Tumango lang siya. Agad namang humila ng upuan si Jonghyun para makaupo siya.

Namumulang umupo si Minreille. Jonghyun oppa, ayos lang ako. Sana di kayo magbago dahil lang sa  nalaman ninyo. Nahihiya niyang sabi sa mga ito.

Ayos lang Minreille. Tsaka ipinagbilin ka ni Hyukkie. Magagalit yun kapag pinabayaan ka namin. Sabi naman ni Jonghyun.

Lumipas ang ilang linggo at buwan.
Sa wakas padating na si Minhyuk sa susunod na linggo. Palagi itong tumatawag kay Minreille at nagbibilin.

Bahagya ng nakaumbok ang tiyan niya. Palagi tuloy siyang naka suot ng malaking tshirt. Palibhasa medyo slim kaya hindi malaki ang umbok ng tiyan niya.

Galing siya sa grocery at naghihintay ng taxi ng may humintong kotse sa tapat niya.

Napa atras siya. May lumabas na dalawang lalaki at pinilit siyang ipasok sa loob. Nagpilit siyang makawala pero tinakpan ng isa ang bibig niya gamit ang isang panyo na may nakakahilong amoy.

Umikot ang paningin ni Minreille.

Nang magmulat siya ng mata nasa pamilyar na paligid na siya. Kumabog ang dibdib niya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Kasunod ang isa pa.

Kamusta ka na Clothilde? Nag aalalang tanung ng isang pamilyar na tinig.

Napapikit siya.

Nakahanda na ang gamit mo. Magpahinga ka. Aalis tayo sa loob ng dalawang oras. Sabi naman ng isa pa.

Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
Naramdaman niyang pinahid ang luha niya.

Huwag ka ng umiyak. Nandito ako.
Aalagaan kita Chloe. Napatitig siya sa mukha ng binata. Malamlam ang mga mata nito.

Lee Rin.... May...may iba akong mahal. Mahinang sabi niya.

Alam ko. Sagot nito. Ngumiti ito sa kanya. Pero kailangan mo ako. Handa akong maghintay Chloe.
Pinisil nito ang kamay niya.
Huwag kang sumuway kay tito. Ayokong sinasaktan ka niya.

Sasama ako sa inyo sa Japan. Gusto kong protektahan ka.
Tumayo na ito at humakbang palabas. Mahal na mahal kita.

Tuluyan na itong lumabas ng kwarto at napaiyak siya.

Dahan dahan siyang umupo sa kama at inayos ang sarili. Hawak hawak ang tiyan niya.
Minhyuk. Patawarin mo ako.

Muling bumukas ang pinto at pumasok si Lee Rin. Inalalayan siyang tumayo. Sabay silang lumabas sa kwarto. Nagulat siya n makitang may press people sa labas.

Nakangiti ang papa niya.

Ipinapakilala ko sainyo ang aking anak. Si Minreille Clothilde Sung at ang kanyang fiancee, ang taga pagmana ng Ryu Electronics, si Lee Rin Ryu. Ilang beses na nasilaw siya sa flash ng camera.

Naramdaman niyang pinisil ni Lee Rin ang kamay niya at napatingin siya dito.

Ok ka lang ba? Nagaalalang tanung nito ng makitang namumutla siya.

Umiling si Minreille.
Natapos ang kasayahan at tumulak sila papuntang Japan. Hindi siya hiniwalayan ni Lee Rin. Palaging naka alalay sa kanya.

Naghihirap ang kalooban niya.
Minhyuk. Magkikita pa ba tayo?

Pretentious LovETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon