marmalade

27 4 0
                                    


Nagluluto si Ally sa kusina. Madalas niya itong ginagawa lalo na kapag walang gig ang banda.

Natutuwa siyang makita ang masayang mukha ng apat habang nagaawan ang mga iyon sa pagkain. Akala mo mga bata.

Nagprito siya ng itlog at hotdog. Paborito iyon ni Yonghwa tuwing almusal. Nag toast din siya ng pan americano. Nagulat pa siya ng marinig ang boses ni Yonghwa na nasa likod niya.

Ally.. Gusto mo ng tulong? Ang lapit ng boses nito.

Pumikit muna si Ally at bumilang ng tatlo bago humarap kay Yonghwa.

Nakangiti ito. Ok lang oppa. Itong toast na lang ang tinatapos ko.
Anung gusto mo? Tanung niya dito habang inaayos ang pagkakasalansan ng tinapay sa plate. Kumakabog ang dibdib niya. Pero pinipilit niyang pakalmahin ang sarili.

Ikaw.. Napahinto siya sa ginagawa.
Nagtatakang nag angat siya ng mukha. Nakatitig sa kanya si Yonghwa.

Ah.. Oppa naman eh. Hahahahha nakakatawa yang biro mo! Muntik na siyang mahirinan ng sariling laway. Tong choding na to napagtripan pa siya.

Tinapos niya ang ginagawa at inilapag ang pinggan sa harap ni Yonghwa.

Paki abot naman ng kutsara Ally.
Sabi nito. Kumuha siya ng isang pares na kutsara at tinidor at iniabot iyon. Nagulat siya ng hinawakan no Yonghwa ang kamay niya.

Ally... Upo ka dito. Pagkasabi niyon ay bahagya siya nitong hinila.
Napaupo siya sa tabi nito.

Panget ba ako? Nagulat siya sa tanung nito.

Ani. Oppa.. Naman sino ang nagsabi? Medyo naka pout siya. May nabasa siguro itong article sa magazine kaya ganito ang kilos.

Eh bakit hindi mo ako gusto? Tanung uli nito.

Oppa hindi naman sa hindi kita gusto kaya lang sikat ka eh. Kung magkakagusto ako sayo hindi mo rin mapapansin. Dirediretsong sabi niya.

Huli na nang mag sink sa kanya yung sinabi niya. Napatingin siya dito namumula ang pisngi. Bigla siyang tumayo at pumunta sa kitchen.

Paroot parito ang lakad niya.
Ally bakit mo sinabi yon?

Matagal nang nasa FNC si Ally at siya ang unang PA ng CNBlue. Matagal na rin niyang gusto ang matalinong leader nito.

Mabait ito sa kanya. Hindi mabait ito sa lahat sa kanila. Kahit saan sila pumunta palagi siyang ibinibili ni Yonghwa ng souvenir. Pero hindi naman niya itinuring na espesyal iyon. Lahat naman sila nakakatikim ng ganuong trato dito.

Isa pa ayaw niyang maging assuming masasaktan lang siya.

Pretentious LovETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon