surprise

26 4 0
                                    

MINREILLE POV

Minhyuk...
I missed you so much...
Im so sorry alam kong hinahanap
mo ako and you will be shocked today.

I hope you forgive me..

Sana baby hindi magbago si
daddy mo. Someday, I hope you'll
see each other.

I love him so much...

Nagpahid siya ng luha. Kaninang pagbaba sa eroplano alam niya na naka headline na ang pagdating nila. Alam niya na nasa bansa na rin si Minhyuk.

Malamang nasabi na ng tito nya ang totoo pero hindi niya alam ang magiging reaksiyon nito. Baka isipin nito na hindi na niya ito mahal.


Seloso kasi si Min. At hindi pa sila nakakapagsama ng matagal bilang mag asawa para malaman ang ugali nito. Hinihiling na lang niya na sana manaig ang pagmamahal nito para unawain siya.

Kanina pa nakatingin si LeeRin kay Minreille. Hindi nito napansin na dumating na siya. Nakatingin lang ito sa kawalan at nakita niyang nagpapahid  ng luha.

Marahil iniisip nito ang ama ng dinadala niya. Hinihimas kasi nito ang tiyan.  Hindi ito napilit na magtapat ng papa nito kahit na ilang beses itong pinagbuhatan ng kamay.

Tumigil lang ito ng pigilan na niya dahil natakot siyang baka madisgrasya ito at ang bata.

Hon...what are you doing there..
Bati niya kay Minreille habang inilalapag ang dalang pagkain.
Nag take out siya mula sa paborito nitong restaurant.

Nagplaster ng ngiti si Minreille sa mukha niya bago nilingon si Lee Rin. Alam niyang di naman ito ang may kasalanan pero ang pakikipag kasundo sa papa niya ay isa sa mga itinuturing niyang pagkakamali nito.

May iniisip lang ako..mahina niyang sagot.

Lumapit siya sa mesa at inayos niya ang dala nitong pagkain. Tahimik silang dumulog sa mesa.

Siyanga pala. I have a surprise for you.  Nakangiting sabi ni LeeRin.
I have invited your favorite band to perform on our wedding day.

You know their leader is a friend of mine.

A-ano? Anong ibig mong sabihin?
Nagulat na naitanong ni Minreille sa fiancee niya.

Yonghwa is my friend. Pagpapatuloy ni LeeRin, hindi niya napansin ang pamumutla ni Minreille.

I asked CNBlue to sing on our special day.

Pretentious LovETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon