Alingawngaw

46 4 0
                                    

Alingawngaw

First placer during the Poetry Writing Contest of the Author's Alliance Book Club.

Labing-anim na taong hinintay,

Makapagtapos at diploma lang ay maiuwi,

Galak ay 'di mawari sa inyo, nanay at tatay,

Ngayon, oras na para makabawi.


Unang araw sa trabaho,

Tanong kaagad ng mga katrabaho,

"Anong inspirasyon mo?

Sinong dahilan ng paglaban mo?"


Mga magulang—

Na pilit kumakayod kahit mahirap na,

May maiuwing pagkain lang,

Sa mesang pinaglumaan na.


Unang sweldo, narito na, nais ibigay sa inyo,

Bakas ang pagod at sakripisyo araw-araw,

Kahit sa unang pangarap ay malayo,

Pero ako mismo'y inilayo; bala ng magnanakaw.

Poems (Own Works)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon