Ken's P.O.V.
In next month, ire-release na yung Summer Collection ng Superior, until now, hindi pa rin ako makapagdecide kung sinong male model ang kukunin namin na maging endorser nitong collection.
"Sir Ken. How about Kevin Lee, or Benedict Cuaresma?" suggestion ni Josh, isa sa mga staffs ko.
"I already sent an e-mail to their managers but they turned my invitation since sobrang busy parehas at parehas ding nasa ibang bansa. They can't make it next month since nag-banned ng flights papunta rito sa Pinas." sagot ko.
"Sir, have you read the replies on our promotional poster sa twitter?" tanong ng isa ko pang staff.
"No, not yet. Ano ba meron?" tanong ko.
"The fans of Justin de Dios were mentioning him sa poster natin on Twitter. He even liked one reply, so I think if we can send him an e-mail, papayag siya? Besides, papatok lalo 'tong collection natin since sobrang sikat siya ngayon."
Medyo nagpating yung tenga ko nang marinig ko yung "Justin de Dios", he reminds me of someone na ayoko ng makita pa.. sa ngayon.
"I'll check the thread later. That's all for today. You may now continue doing your work. Punta lang ako sa warehouse. Josh, come with me." utos ko sa kanya.
Titignan ko lang yung mga workers ko sa warehouse kung saan tinatahi yung mga damit na ako mismo ang nagde-design. Katatapos lang ma-released ng Gothic Style Collection namin 2 months ago, and until now tinatangkilik pa rin siya, and we also had numerous orders coming from different parts of the Asia.
"Ken." tawag sa akin ni Josh. Josh is also my friend, kaya kapag kami lang ang magkasama, hindi niya ako tinatawag na "Sir Ken".
"I already stalked the account of the 'Justin de Dios' na model na tinutukoy ni Laura." sabi niya.
"Then?" sagot ko habang binabasa yung hawak kong file.
"He's your ex." Nang marinig ko 'yon, bigla kong nabitawan yung hawak kong folder kaya nagkalat sa sahig yung mga documents.
"Alam ko nasa isip mo, Josh. I won't ask him, kahit magsend pa ng DMs yung mga fan niya, ayoko." sagot ko.
"Ken. It's been years already. Saka bakit ganyan ka makaasta, hindi ba't ikaw yung nakipagbreak?" Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga pala, kasalanan ko nga pala lahat, pero bakit ako yung umiiwas. Siguro sa hiya?
"Ken, Justin can make your clothing line more famous! Hindi ba't sabi mo gusto mo maranasan ma-interview at ma-feature sa articles? With your artistic hands, and Justin's fame and appeal, for sure mas sisikat lalo itong Superior. Hindi naman sa gagamitin mo si Justin for your business, nafe-feel ko lang na baka once mag-start ang collaboration niyo, mas lalo pang makilala yung clothing line mo." sabi niya sabay bigay sa akin nung mga nahulog na files.
"I know, Josh. Nahihiya lang ako. After nung nangyari, hindi ko na siya nakamusta man lang. Ngayon ko nga lang nalaman na model na pala talaga siya. Pinursue pala talaga niya yung pangarap niya." sagot ko.
"Ken, don't worry. Sa tingin ko napatawad ka na ni Justin and siguro hindi niya naman din hahayaan na maapektuhan 'tong clothing line mo once pumayag na siya sa offer mo. Justin is the only one left for us, Ken. Mukhang gusto rin naman niya since nagla-like talaga siya sa mga mention sa kanya sa twitter. Try mo lang, kapag pumayag, eh di nice. Kapag hindi, eh di yung mga previous models na lang kunin natin ulit." sabi ni Josh sabay talikod sa akin.
Tama si Josh. Matagal na rin naman 'yon, at sa tingin ko baka ako nag-o-overthink lang ako since hindi na kami nagkausap nung nag-break kami.
Justin's P.O.V.
"Hey bro, we really had fun working with you! I hope we can see each other again next month." sabi sa akin ni Kier, co-model ko.
Nasa wrap-up party ako ng isang clothing line na based dito sa Davao since naging successful yung project. Pauwi na rin ako sa hotel na tinutuluyan ko, maaga din kasi flight ko bukas at naiwan sa hotel si Pablo, ayaw ko naman din ma-bored yon doon.
Pagbukas ko ng pintuan, nadatnan ko siyang kumakain ng Cheetos habang nanonood ng Big Bang Theory.
"Hoy, Justin. Andiyan ka na pala. Gusto mo?" alok niya sa akin ng Cheetos. Tumanggi muna ako kasi kauuwi ko lang, maglilinis muna ako.
"Justin, nakita ko pala mga tweet ng mga fan mo. Balak ata nila na magkaroon kayo ng collaboration nung isang clothing line." sabi niya sa akin."Weh? Hindi pa ako nakakapag-open ng Twitter ko. Anong clothing line yun?" tanong ko sabay kuha sa kinakain niya.
"Superior." sagot niya.
"Ahh, pero kung alukin ako, why not di'ba? Tapos naman na yung project ko dito sa ION." sabi ko.
"Baka bigla kang umatras kapag nalaman mo kung sino may-ari ng clothing line na 'yon." sabi niya.
"Sino ba may ari non?" Hindi niya ako sinagot. Inabot na lang niya sa akin yung cellphone niya. Pagtingin ko sa phone niya, nanlaki yung mata ko sa nakita ko.
Instagram account ni Ken.
"Oh. Eh di ayos lang." sagot ko at ibinalik sa kanya yung phone niya.
"Weh?" tanong niya sa akin.
"Oo naman no, okay sa akin kung alukin ako. Hindi ko lang alam kung okay ba sa kanya na ako maging endorser ng clothing line niya." sagot ko.
Totoo naman, okay lang naman sa akin. Saka atleast, ngayon alam ko na na-pursue na niya yung pangarap niya. Ilang taon na rin naman nakalipas nung naghiwalay kami, mukhang okay naman na siya. Okay na rin naman ako. Pero may part pa rin na masakit sa akin na bakit kailangan pa naming maghiwalay kung pwede naman namin makamit yung mga pangarap namin habang magkasama kami.
"Pabs, matutulog na ako, maaga pa flight natin bukas. Magwalis ka diyan bago ka matulog." Tumayo na ako at dumiretso na sa kwarto, kailangan ko rin magbawi ng pahinga.
BINABASA MO ANG
Perfect Fit | SB19 KenTin
FanfictionSTATUS: Ongoing. Ken, a fashion designer, owning a fashion store "SUPERIOR" and Justin, a famous upscale model. The two met again after their breakup when Justin was picked to be their model. start: 073021 end: