🔸8

152 11 1
                                    

Justin's P.O.V.

"Joke lang!" sabi ko.

Napa-"ah" na lang si Ken habang umiinom ng milo niya. Nagkwentuhan kami habang nagmemeryenda. May mga pinakita rin siyang mga litrato ng mga events na napuntahan niya, yung iba, kasama pa yung mga artista na suot yung dinesign niya. Habang nagtitingin ako sa album, may nakakuha ng atensyon ko.

Picture ni Ken at ng isang model. Nakaakbay pa ito sa kanya, at nakahawak naman si Ken sa bewang nito.

"Sino 'to?" tanong ko sa kanya.

"Ah, si Stell Ajero 'yan. Model din 'yan ah. Hindi mo pala siya kilala?" tanong niya sa akin. Siyempre, kilala ko si Stell. Pero kunwari hindi ko kilala.

"Ah, eh hindi eh. Never ko pa siya nakakasama sa mga shoots. Pamilyar lang mukha niya sa akin." sagot ko.

"Close kayo?" tanong kong sunod.

"Siguro. Kapag nakikita niya kasi ako, bigla ako niyayakap eh." Bigla ako nasamid sa sinabi niya.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Oo, hehe." tipid kong sagot.

"Ito yung isang damit na ako mismo nag-design, suot niya sa MV niya oh. Bagay ba sa kaniya?" pinakita niya yung suot ni Stell sa MV ng solo song niya.

"Hindi."

"Ha?"

"Sabi ko, oo. Bagay sa music video niya." tipid kong sagot.

"Bagay sa music video? o sa kanya?" tanong ulit ni Ken.

"Parehas lang 'yon!" sagot ko. Ininom ko na agad yung milo at nilagay iyon sa lababo. Nakakaramdam ako ng kung anuman sa sarili ko. Nagseselos ba ako?

Maya-maya lang, sumunod sa kusina si Ken para ilagay yung pinag-inuman niya sa lababo. Nagsabi ako sa kanya na ako na lang ang magsasaing at luto ng ulam. Umoo naman siya at umupo doon sa sofa.

Habang nagluluto ako ng dinner namin, hindi ko namamalayan na nagdadabog na pala ako. Nakailang beses si Ken na nagtanong kung ano problema ko, pero siyempre, "wala naman" ang palagi kong sinasagot. Maya-maya, nakarinig ako ng ring ng phone, kay Ken.

"Hello? Ay oh. Stell! Bakit?" Habang naguusap sila ni Stell, nakikita ko siyang nakangiti. Naiinis ako. Sa inis ko, inangat ko yung takip ng kaserola, nakalimutan kong mainit nga pala nang sobra iyon kaya napaso ako.

"Justin? Ano nangyari?" tanong ni Ken sa akin.

"Wala."

"Anong wala? Namumula 'yang daliri mo. Teka, bakit yung takip ngㅡ teka, hinawakan mo ba yan ng hindi gumagamit ng pot holder!?"

"Yung kausap mo." sabi ko.

"Huh? Tapos na kami mag-usap ni Stell." tinignan niya yung daliri ko, pero bigla kong hinatak yung kamay ko.

"Ano bang problema, Justin? Kanina pa kita napapansin. Nagdadabog ka kanina, ngayon naman nagsusungit ka. Hindi kita maintindihan."

"Kapag sinabi kong wala, wala!" Hindi ko na alam talaga. Kinuha ko na lang bigla yung susi ng kotse ko sa lamesa na pinagpapatungan ng TV niya at umalis na agad sa unit niya.

Nang makarating ako sa parking lot, naririnig ko na may tumatawag sa pangalan ko. Alam kong si Ken 'yon, pero hindi ko na pinansin at nagmaneho na ako. Magpapalamig muna ako.

Ken's P.O.V.

"Justin!"

"Justin!"

Paulit-ulit kong tawag sa kanya habang tumatakbo ako papuntang parking lot. Naabutan ko siya pero saglit lang din dahil umandar na kotse niya.

Pamilyar sa akin itong ganitong eksena.

Ganito ang nangyari nung nakipaghiwalay ako sa kanya. Tinatanong niya ako kung bakit tulala lang ako, hindi ako sumasagot, hanggang sa sinabi ko na maghiwalay na kami at umalis ako sa kinauupuan namin ng oras na iyon. Hinabol niya ako pero hindi ako lumingon. Tinatawagan niya ako pero inoff ko ang phone ko. Pakiramdam ko, kinarma na nga ako sa pag-iwan ko sa kanya. Ganito pala yung pakiramdam maiwan.

Maiwan ng taong mahal na mahal mo.  Ang sakit pala.

Umiiyak ako sa unit ko. Ang sama-sama kong tao. Sana pala hindi ko siya iniwan noon. Ang hirap magpanggap na hindi ko na siya mahal. Hindi ko maimagine na ilang araw, buwan, o taong umiiyak si Justin dahil sa pagiwan ko sa kanya. Tama lang siguro na ganito ang nangyari.

Hinahanap ko yung thread ng usapan namin ni Justin para malaman ko kung online ba siya o hindi. Naka-online siya. Gusto ko siyang i-chat kaso hindi ko magawa. Naduduwag ako. Kaya si Josh ang chinat ko. Nagreply naman siya agad sa akin at nagsabi na papunta na raw siya dito sa unit ko.

Pagdating ni Josh, kinuwento ko lahat sa kanya ang nangyari.

"Ngayon, alam mo na pakiramdam ng ginawa mo sa kanya. Masakit diba?" tanong niya.

"Oo. Sobra." sagot ko.

"Pero, mali din naman siya kasi nilayasan ka niya imbes na sabihin sayo kung ano dahilan kung bakit siya nagkakaganon kanina. Sigurado ka ba na dahil sa usapan niyo ni Stell eh nagkaganon si Justin?"

"Oo. Okay naman kami nung bandang hapon eh."

"Nagselos yata."

"Bakit magseselos 'yon? Mukhang hindi naman niya na ako gusto."

"Hindi ka gusto pero hinalikan ka sa pisngi?"

Natahimik ako doon. Kung totoong mahal pa rin niya ako, bakit hindi niya sabihin kaagad. Natatakot ba siya na baka ipagtabuyan ko siya?

"Ken. Magtapat ka nga."

"Anong ipagtatapat ko?"

"Mahal mo pa no?"

"Hindi naman nawala."

"Sabi na nga ba. Halata sa'yo eh. Ganito na lang. Subukan mo siyang kausapin. Call, chat or kahit sa personal. Try mo kausapin sa araw ng shoot! Para magkaliwanagan kayo."

Nahihiya ako. Ilang oras kaming naguusap ni Josh, pero ang atensyon ko, nakatutok sa kung ano ba isesend ko kay Justin. Bibiglain ko ba siya ng "Sorry?" or maghe-hello muna ako sa kanya? Dahil siguro naiinip na si Josh, siya na naman nag-send ng message ko.

"Tagal mo. Nakakainip."

"Sorry ha. Teka, kumain ka na ba? May niluto si Justin kanina dito eh. Samahan mo ako kumain."

Pinaguusapan namin ni Josh yung mga nangyari sa meeting niya. Ilang oras din lumipas, pero hindi nagreply si Justin sa message ko. Online siya pero hindi niya binabasa yung message ko. Nagalit nga ata talaga siya. Pero sana, sinabi niya dahilan niya. Naguguluhan talaga ako kung iyon bang paguusap namin ni Stell ang dahilan non, o may ibang bagay pa.

Nagising ako ng ala-siyete. Tinignan ko kaagad kung may chat na ba galing sa kanya. Pero ang tanging nakita ko lang ay "seen."

Perfect Fit | SB19 KenTinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon