🔸5

177 10 0
                                    

Justin's P.O.V.

"Sir J-Justin?" sabi ng isang employee.

"Sakto lang ba dating ko?" tanong ko habang nagaalis ng jacket, ang init kasi, hiniram ko kay Pablo yung motor niya, buti na lang marunong ako kasi nag-shoot ako dati ng commercial for  deodorant brand, at need doon nagmo-motor.

"W-Why are you here?" tanong ni Ken sa akin.

"I'm here kasi ako yung model niyo for your next collection?" sagot ko.

"So it's a... yes?" tanong niya.

"Stop asking too many questions, Ken." masungit kong sagot. Kaya nga ako andito kasi pumayag na ako.

Inirapan na lang ako ni Ken at naupo na ako sa isang bakanteng upuan sa room nila. Pinagusapan na rin yung tungkol sa collection, kung kailan i-po-post yung announcement sa social media accounts nila, date ng contract signing at yung possible places ng shoot. Pagkatapos ng meeting, lumabas na yung mga  employees niya, at naiwan na lang kami ni Ken sa room.

"Bakit naandito ka pa?" tanong ni Ken sa akin habang inaayos yung mga files niya.

"Wala naman. Gusto ko lang mag-stay, hinihingal pa ako eh." sagot ko.

"Marunong ka na pala mag-motor." sabi niya.

"Oo, pero hindi akin yung motor. Kay Pablo 'yon."

"Umuwi ka na kay Tita, may pupuntahan pa ako."

"Ihatid na kita."

"Huwag na, kaya ko na." sagot niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit sinundan ko si Ken sa Parking Lot. Siguro, gusto ko lang makita na ligtas siya makasakay, lampa pa naman 'tong tao na 'to. Bago siya makasakay sa kotse niya, sinungitan niya pa ako, umuwi na raw ako. Eh siyempre makulit ako, hindi ako umalis, umupo lang ako sa motor ni Pablo, pinapanood siya habang naga-ayos sa kotse niya. Paalis na sana ako ng mapansin ko na hanggang ngayon, iniistart pa rin niya yung kotse niya.

"Need help?" tanong ko sa kanya.

"No thanks. Kaya ko na, palagi naman ganito 'tong kotse." sagot niya sa akin.

"Sige. Una na ako sa'yo ha, inaantay na rin kasi ni Pablo yung motor." paalam ko sa kanya. Tinignan ko muna siya pero sine-senyasan na na niya ako na umalis na. Fine! Aalis na ako.

Mabilis naging biyahe ko, wala masyadong traffic, kaya medyo nagbagal na lang din ako. Delikado eh, baka mahuli ako, hindi pa naman akin 'tong motor. Nang maramdaman ko na nagvi-vibrate phone ko, gumilid ako para tignan kung sino tumatawag.

Si Ken.

"Ken?" sagot ko.

"Justin, I need you."

Binaba ko na agad yung phone ko at nagmadali ako bumalik sa building nina Ken. Pagdating ko doon, nadatnan ko siya na nakasandal sa kotse niya at panay tingin sa oras.

"What happened?" tanong ko.

"Ayaw mag-start nitong kotse ko. Kailangan ko na makarating sa meeting place namin at exactly 2:30." sagot niya.

Sinuot ko sa kanya yung helmet na dala ko at hinila na siya.

"Sakay na." utos ko sa kanya.

"Pero Justin--"

"Sumakay ka na o male-late ka sa meeting niyo?" Sumakay agad siya non at pinaalalahanan ko siyang kumapit ng mabuti kasi ima-maneho ko nang mabilis itong motor.

Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe, nararamdaman ko na napapahigpit ng kapit si Justin sa bewang ko. Kaya naman pinaharurot ko pa yung motor ko. Narinig ko siyang nagmura kaya natawa ako sa isip ko.

Nang makarating kami sa meeting place nila, inabot sa akin ni Ken yung helmet ng padabog.

"Gusto ko pa mabuhay, Justin! Pero salamat sa paghatid sa akin, pasensiya ka na at naabala kita."

"Ayos lang yun. Ayusin mo na buhok mo. Good luck sa meeting niyo." sabi ko.

Umoo naman siya at nang makapasok na siya sa entrance ng establishment na pinuntahan namin, pumunta na ako ulit ng hospital. Siguro kanina pa ako inaantay ni Pablo dahil dito sa motor niya.

Ken's P.O.V.

"Mr. Suson, let's set an another meeting next next week. Thank you so much!" pagkatapos namin mag-kamay ni Miss Rin ay lumabas na ako ng office niya. Alas-5 na ng hapon pala. Hindi ko dala yung kotse ko, hindi ko alam ano nangyari doon kaya nagpahatid nga pala ako kay Justin. Pagbaba ko, magbo-book na sana ako ng grab pabalik sa office nang may biglang bumusina.

"Tara na." sigaw ni Justin. Lumapit ako sa kotse para sagutin siya, este yung sinabi niya.

"Magbo-book na lang ako ng Grab, Justin. Uwi ka na." sabi ko. Narinig kong bumukas yung pinto ng kotse niya, hinila niya ako papasok ng kotse niya at siya na rin naglagay ng seatbelt sa akin.

"Ayan, para wala ka ng kawala. Pahinga ka lang diyan. Sa office ba punta mo?" tanong niya sa akin.

"Ah, oo. Hehehe." sagot ko.

Naisipan ni Justin na dumaan muna kami ngayon sa isang fastfood chain, dahil umayaw ako na mag-dine in kami, nag-drive thru na lang kami.

"Kamusta na si Tita, Justin?" tanong ko habang kumakain ng fries.

"Okay naman siya, makakalabas na siya ulit ng hospital bukas ng hapon." sagot niya.

"Buti naman, ilang taon ko na rin pala siya hindi nakikita." sabi ko.

"Hinahanap ka niya minsan, Ken. Dalaw ka raw minsan."

"Saka na siguro, kapag hindi na ako busy. Namiss ko siyang kausap, sa totoo lang." sagot ko.

Sa tuwing napupunta kasi ako kina Justin noon, si Tita agad babati sa akin, dahil alam niyang mahilig ako kumanta, ipapa-set up niya kay Justin yung videoke nila. Kung gaano katagal na kami hindi nagkikita, ganon na rin kami katagal hiwalay ni Justin.

Natahimik na lang kami habang binabaybay yung daanan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, ginising ako ni Justin nung nasa parking lot na kami.

"Justin, huwag mo na ako hintayin ha? Thank you sa paghatid sa akin dito." sabi ko habang inaalis yung seatbelt.

"I-try mo muna yung kotse mo kung okay na. Mamaya hindi pa eh, paano ka niyan uuwi mamaya."

Agad ko namang sinusunod si Justin. Nung sinubukan ko, gumana na siya. Nakahinga ako ng maluwag. Paglabas ko ng kotse ko, magsasalita na sana ako nang bigla akong yakapin ni Justin.

"J-Justin..?" tapik ko sa kanya, humiwalay naman siya sa akin agad.

"Sorry. Sige, uwi na ako ha. Ingat ka." Nanakbo na siya sa kotse niya. Pinanood ko muna siya makaalis bago ako umakyat. Habang nasa elevator ako, naalala ko yung niyakap niya ako. Hindi ko alam kung para saan iyon pero nakakaramdam ako ngayon ng kung anuman sa puso ko at naiiyak ako bigla.

Perfect Fit | SB19 KenTinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon