🔸7

178 13 4
                                    

Ken's P.O.V.

Hindi ko alam kung itong nararamdaman ko ba ay dahil sa lagnat ko o dahil sa ginawa sa akin ni Justin kanina. Bakit niya hinalikan pisngi ko!?

Kahit gusto ko matulog, hindi ako makatulog. Dinikit ko yung tenga ko sa pintuan, pinakikinggan ko kung ano ginagawa niya. Nakakarinig ako ng tunog ng vacuum, siguro naglilinis siya ng sala. Ano ba 'yan, nasa ilalim pa yata ng sofa yung basura ko nung nakaraang linggo pa. Balak ko sana tawagan si Josh kaso busy yata iyon, at maririnig ni Justin yung pinaguusapan namin ng bahagya.

Naghiga na lang ako at nakinig sa Spotify.
Nakatapos na ko ng dalawang playlist pero hindi pa rin ako nakakatulog! Alas-tres pa lang din ng hapon. Balak ko sana tumayo ng alas-singko para naman medyo gabi na. Kaya nag-open na lang ako ng viber para i-chat si Josh.

"Ano nangyari?" reply ni Josh sa chinat ko sa kanya.

"Ano kasi eh. Si Justin. Ano. 😚" reply ko sa kanya.

"Gago ka ba, bakit mo ako kiniss?" reply naman niya.

"Sira! Ang bagal mo naman, Josh. Si Justin kasi kanina! Kiniss ako." reply ko. Nanginginig ako habang inaantay ang reply ni Josh. Nagulat na lang ako nang tumawag si Josh.

"Hoy! Ano kayo ngayon? Ano ginagawa niyo?" tanong niya sa akin.

"Ha? Wala! Nasa labas siya, nasa kwarto ako." Pabulong ako magsalita, para hindi marinig ni Justin, at para hindi niya malaman na gising na ako.

"Eh paano ka niya kiniss?" tanong ni Josh.

"Basta! Naguusap lang kami, tapos ayon, bigla na lang niya ako kiniss." sagot ko.

"Saan ba?"

"Sa ano.. sa pisngi!" sagot ko.

Tumawa siya. "Sus! Akala ko kung saan, sobra kang nagpapanic. Pero, bakit kaya niya ginawa yun?"

"Hindi ko alam!"

"Kalma lang, Ken. Sa cheeks lang eh. Baka rumupok na sayo kaya ganon." biro ni Josh sa akin.

"Heh. Ewan ko sayo."

Pagkatapos namin magusap ni Josh, naisipan ko ng lumabas ng kwarto para maghilamos at makapagpalit na rin ng damit. Wala siya sa sala, pagtingin ko sa balcony, naandon siya, may kausap sa phone. Hindi ko na siya tinawag pa, kaya dumiretso na lang ako sa CR.

Justin's P.O.V.

Naandito ako ngayon sa balcony ng unit ni Ken. Ang ganda pala ng view niya rito. Sa unit ko kasi, parking ang natatanaw. Dito, kita yung EDSA. Nagulat ako nung nag-vibrate phone ko. Si Paulo, tumatawag.

"Hello, what's up sa Nurse Justin natin diyan?" pang-asar ni Paulo sa akin.

"Tumigil ka nga diyan. De, nagpapagaling pa siya eh. Mataas ang lagnat. Ang kulit pati!" sagot ko sa kanya.

"Ano oras uwi mo?" tanong niya sa akin.

"Mamaya siguro pagtapos namin mag-dinner." sagot ko.

"Naks, dinner. Iba talaga. So ano ganap naman diyan ngayon?"

"Ah, wala naman. Katatapos ko lang maglinis ng unit niya. Tulog pa yata yun ngayon. Ay may tanong pala ako sayo."

"Ano 'yon?" tanong niya.

"Ano, pwede ba bumalik yung feelings ko sa isang tao kahit ngayon na lang nagkita halos?" tanong ko.

"Nawala ba talaga?"

Bigla ako napatigil. Nawala nga ba talaga? Hindi ko alam. Pagtapos namin, wala naman na akong ibang nagustuhan. Maraming na-link, pero hindi ko pinatulan kasi wala naman akong nararamdaman sa kanila. Naging busy ako sa career ko, at sa pag-a-alaga kay Mama. Pero hindi nawawala sa isipan ko si Ken. Palagi siyang nagpapakita sa panaginip ko.

"Justin. Sagutin mo ako."

"Paano kung hindi nawala?"

"Eh di ayun na. Mahal mo pa rin. Halata naman sayo, Justin. Kahit i-deny mo pa ng ilang beses, halata pa rin sayo. Teka, bakit mo natanong pala?"

"Wala naman. Weird lang feelings ko lately. Isa pa, kiniss ko siya kanina."

"Ah.. ANO?! KINISS?!" sigaw niya.

"Shh. Oo, pero sa pisngi lang naman. Ano ka ba." nahihiyang sagot ko.

"Eh bakit mo ginawa yun?"

"Cute niya kasi magpasaway eh."

"Tangina, Justin. Ang rupok mo." natatawang sabi ni Paulo.

"Kung mahal mo, eh di mahal mo nga. Bakit, may plano ka ba ulit kunin siya?" tanong ni Paulo.

"Hindi ko pa alam sa ngayon. Gusto ko masigurado na totoong mahal ko pa rin siya ngayon at hindi lang infatuation 'to." sagot ko.

"Justin. Kung ako tatanungin, halata sayong mahal mo pa rin. Pero sige, mas mabuting ikaw ang makatuklas ng totoo. Pakiramdaman mo feelings mo. Saka, ikaw naman makakasagot niyan eh. Alam mo naman kung paano mo malalaman kung mahal mo ba o hindi. Magiging totoo ka lang din sa sarili mo. Huwag mo na palampasin lahat lahat kung sakali."

Pagtapos ng usapan namin na 'yon ni Paulo, pumasok na ulit ako sa sala. Naabutan ko siya na nagtitimpla ng Milo.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko.

"Ano, ayos lang naman. Medyo masakit na lang ulo ko." sagot ni Ken sa akin.

"Buti naman, inom ka uli ng gamot saka magpahinga ka lang. Mamayang 6:30, magluluto na ako ng dinner natin." sagot ko habang kumukuha ng tasa sa lalagyanan. Natakam ako sa Milo eh, ano ba. Natahimik ulit kami. Kailangan ko mag-isip ng topic. Ano naman kaya pwede i-topic?

"Justin. Thank you sa pagpayag sa project na 'to." bigla niyang sinabi sa akin sabay upo.

"Wala 'yon. Saka syempre, may tiwala ako sa kakayanan mo. Alam kong nasa tamang tao ako." biglang napaubo si Ken sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

"Nakakahiya lang din baka kasi iba yung aura ng damit namin kesa sa mga mino-model mo. Pero, after ng shoot. Iyo na talaga yung damit. Regalo ko na sayo. Bigyan na rin kita sa susunod ng package kapag may bagong design na ulit ako." sabi niya.

"Ken, sino nagaalaga sayo tuwing may sakit ka?" tanong ko.

"Ano, wala. Minsan si Josh. Pero hindi yung alaga talaga ha. Magpapabili at magpapaluto lang ako, ayun na. Alis na siya agad." kwento niya.

"Akala ko may iba eh." sagot ko.

"Sinong iba naman? Hahahaha. Hindi na rin naman ako nagkaroon pa ng partner pagkatapos nung sa atin eh." sagot niya naman.

"Ken. May itatanong ako sayo."

"Ano 'yon?"

Justin, eto na 'yun. Huwag mo na palampasin yung pagkakataon na sinabi ni Paulo sayo.

"Ken, mahal mo pa rin ba ako?"

Perfect Fit | SB19 KenTinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon