🔸13

152 7 2
                                    

Ken's P.O.V.

Araw na ng shoot. The first batch of the photos were all good, of course, magaling na model si Justin.

"Baka matunaw 'yan ah." paglingon ko, si Paulo pala.

"Uy hindi ko siya tinititigan ah." Patay malisya kong sagot.

Natapos ng saktong 12 noon yung first part ng photoshoot, after ng lunch, pupunta naman kami sa isang place para doon kunan yung last batch ng photos. Pinakita sa akin yung mga raw pictures, at magaganda silang lahat! Hindi ko rin mapigilan na hindi maging proud kay Justin. Parang noon lang, pinapangarap lang niya ito, ngayon, nagkakatotoo na. Habang naglalakad ako pabalik sa hotel, nasa isip ko lang si Justin. Mamayang gabi kami mag-u-usap. Naisip ko bigla, paano kung hindi ako lumayo noon, paano kung hindi kami naghiwalay noon. Pero naisip ko na, nag-grow kami sa loob ng taon na lumipas pagkatapos naming maghiwalay, nakamit namin yung mga pangarap namin at nag-focus kami sa mga priority namin. Baka ganon talaga, kailangan niyo mag-grow nang magkalayo.

Wala ako sa wisyo habang naglalakad, kaya hindi ko namalayang nabunggo ko na pala siya.

"Watch where you are going, Ken." sabi niya habang hinihimas yung balikat niya.

"Nasaktan ka ba?" tanong ko sa kanya. Mahirap na, baka may iniinda pala siya sa part na iyon tapos nabunggo ko pa.

"Nah, I'm fine. Teka, aakyat ka ba?" tanong niya sa akin.

"Yeah, kukunin ko lang yung powerbank ko." sagot ko.

"Samahan na kita." sabi niya.

"Huwag na, hintayin niyo na lang ako sa set, tapos lilipat na tayo sa kabila pagkabalik ko." sagot ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin sabay tumalikod na pabalik na sa set, at ako naman, dito nga sa hotel, kukunin yung powerbank. Hindi rin ako nagtagal doon kasi andon lang naman sa kama ko nailagay yung powerbank.

Pagkabalik ko sa set, nadatnan ko silang nagtatawanan at nagti-tiktok sa gilid ng pool. Nahiya ako na tawagin sila kaya hinayaan ko muna sila, saka deserve din naman nila magsaya bago ituloy yung isa pa naming gagawin. Maya-maya lang, tumigil na rin sila at nag-aya na sa van. Nagulat nga sila nang nakita nila ako sa likuran. Alas dos na rin nung umalis kami kasi inayos din nila yung mga dadalhin sa kabila, saka late na rin nag-lunch yung mga drivers kaya hinintay muna namin sila matapos.

Naandito na kami sa van, katabi ko si Justin ngayon at nakita kong may ka-chat siya sa messenger. Umiwas din ako ng tingin kasi baka isipin niya, nakikibasa ako. Medyo malayo-layo yung kabilang set kaya matagal din itong byahe namin. Napahawak si Justin sa hita ko nang prumeno bigla yung driver namin. Magugulatin si Justin kaya ganon yung reaksyon niya sa nangyari. Pagkadating namin sa set, nag-ayos na agad kami sa lugar, mahirap na baka umulan o dumami ang tao.

"Justin, tingin sa taas." utos sa kanya ng photographer.

Tinitignan ko dito sa malaking monitor yung mga kuha sa kanya, sa sobrang daming magagandang shots, hindi ko na alam kung ano yung mga pipiliin ko. Naisipan ko rin kumuha ng short reel sa shoot para i-post sa social media accounts namin para naman updated sila na kasalukuyan na kami nagsho-shoot. Hindi ko maiwasan mapatitig kay Justin. Bagay na bagay sa kanya yung mga damit, pati na rin yung theme ng photoshoot.

Huling wardrobe na pinasuot sa kanya yung see through na polo. Nagkaroon ng kaonting wardrobe malfunction kaya lumapit ako para ayusin yun. Hindi ko alam kung saan ba ako titingin: kung sa butones ba nitong polo o sa katawan niya na sumisilip. Dinalian ko na lang yung pagsusuot sa kanya at bumalik na sa likuran. Maya-maya lang din, natapos na yung photoshoot. Nag-request ako ng video shoot for teaser, dahil marunong naman si Justin mag-volleyball, ayun yung eksena ng teaser na shinoot sa kanya. Saktong 5:30, natapos din kami sa shoot. Bago kami mag-pack up, nagpicture muna kaming lahat.

"Ken, maguusap na ba tayo?" tanong niya sa akin habang nagaayos ng gamit niya. Buti kaming dalawa lang naiwan dito sa kubo, pero hindi ko pa siya kakusapin ngayon.

"Puwede ba after dinner? Para tahimik lang din." mahinahon kong sagot.

"May alam ako ritong part ng beach na hindi gaano puntahan ng tao, maganda doon. Gusto mo ba pumunta tayo doon mamaya?" tanong niya.

Pumayag ako. Mas okay na sa ganong lugar kami magusap para naman walang nakakarinig sa amin, at masabi ko yung mga nararamdaman kong naipon sa loob ng ilang taon. Tahimik lang kami sa van, dahil matagal din ang byahe pabalik ng hotel, nakatulog siya sa tabi ko. Ginising ko na lang siya nang makarating na kami sa hotel. Maya-maya lang din, kumain na kami ng dinner. Ngayon na yung last day namin sa beach kaya napagdesisyunan nila na magkaroon kami ng mini celebration doon. Habang nagkakasiyahan sila, lumapit sa akin si Justin.

"Ken, tara na." aya niya sa akin.

Tumango naman ako at sumunod ako sa kanya. Nagpaalam lang din kami sa kanila, sinabi ko lang na kailangan ko kausapin si Justin nang masinsinan, wala namang nakakaalam ng tungkol sa amin, except kay Paulo kaya wala silang iisipin na kung anuman.

Ang lamig dito habang tinatahak namin yung daan papunta sa sinasabi niyang lugar.

"Ken, andito na tayo." sabi niya.

Bumulaga sa mga mata ko yung mga ilaw galing sa tent na nakatayo doon sa may pangpang, at may nakalatag na sapin na may mga pagkain. Hinila ako doon ni Justin. Habang naglalakad kami, napansin kong payapa nga ang lugar, tanging tunog lang ng alon yung maririnig mo.

"Sorry kung ito lang naihanda ko. Nagmamadali kasi kami ni Paulo kanina, ayoko naman na mahalata ng iba kaya iilan lang yung nadala namin dito. Minadali rin namin yung pagtayo sa tent." sabi niya habang inaayos yung ibang pagkain.

"Justin. May gusto sana akong tanungin sayo."

"Ano iyon?" sagot niya sa akin.

Ken, ito na iyon. Sulitin mo na yung pagkakataon na meron kayong dalawa.

"Justin, puwede pa ba tayo?

Perfect Fit | SB19 KenTinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon