🔸11

164 11 1
                                    

Justin's P.O.V.

Umalis na kami ni Paulo ng 4:00 AM para hindi kami maabutan ng traffic. Kasama rin namin si Kris kasi siya na magda-drive nitong kotse ko pagkahatid sa amin sa Airport. Hindi na rin kami nakapag-almusal sa pagmamadali namin kasi naubos yung oras ko sa pag-iimpake ng iba kong gamit, marami akong dala ngayon, 4 na araw lang naman stay namin sa Amanpulo pero parang pang-isang buwan na damit na yung mga dala ko.

"Ang dami mo namang bitbit! Samantalang ako, itong bag lang na ito ang dala ko." pagmamaktol ni Paulo sa tabi ko.

"Marami kasi akong dinala para sigurado na, pwede ka rin naman humiram ng damit sa akin kapag nagamit mo na lahat ng dala mong damit." sagot ko.

Habang nagkukwentuhan si Kris at Paulo, nag-check ako ng group chat namin, halos ont thew way na rin pala silang lahat. Icha-chat ko sana si Ken para tanungin kung asan na siya pero natakot ako, kaya si Josh na lang ang chinat ko. Ilang minuto lang din ang lumipas nang mag-reply siya sa akin.

Pagkaopen ko ng message niya, nagulat ako sa sinend niya. Si Ken na naka-facemask at balot na balot ang katawan at paalis na rin daw sila, inaayos lang daw ni Ken mga bitbit niya. Saktong 5:00 kami nakarating dito sa airport, wala pa naman sila kaya nanlibre muna ako sa KFC dahil hindi kami nakapag-breakfast lahat. 6:30 ang flight namin, kaya tama lang na maaga kami nakarating dito, mahirap na kung maipit kami sa traffic, nakakahiya kay Ken.

5:40 nang makumpleto kaming lahat, huling dumating sina Ken at Josh.

"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Ken.

"Opo, Sir." sagot nung isang staff niya.

"Hello, Sir Ken! Paulo nga pala." biglang sabi ni Paulo, nanlaki mga mata ko kasi bigla siyang nagsalita kahit ang seryoso ng mga aura nila, lalo na si Ken.

"Ah, Ken. Kasama ko siya, hindi kasi ako masasamahan ng manager ko, kaya siya na lang isinama ko. Huwag ka mag-alala, maayos naman kasama ito, pwedeng utus-utusan." Siko ko kay Paulo.

"Ayos lang! Nice meeting you, Paulo. Ken na lang itawag mo sa akin." ngiti sa amin ni Ken. Oo, sa amin siya ngumiti. Ngayon ko na lang ulit nakitang ngumiti si Ken. Maya-maya lang, pumasok na kami sa loob ng airport, at saktong ala-sais ng umaga nang makasakay na kami ng eroplano.

Katabi ko si Paulo, sina Ken at Josh naman, nasa likuran ko. Ilang oras din ang biyahe pa-Amanpulo kaya natulog na muna ako. Hindi ko na rin namalayan na nag-take off na rin yung eroplano.

Pagkarating namin sa airport, may dalawang van na ang nag-aantay sa amin. Kami nina Josh, Ken, Paulo at ibang staffs ni Ken ang nasa unang van, sa kabila naman yung ibang staffs, doon na rin isinakay yung mga malalaking bagahe, isa na doon yung maleta ko.

"Beach Resort yung place ng shoot niyo, Ken?" tanong ni Paulo.

"Oo, dre. Kakilala kasi ng dati kong client yung may-ari, kaya nirecommend sa akin. Libre na yung stay, kaya wala kayong babayaran, tapos apat na araw pa tayo mamamalagi dito." sagot ni Ken.

"Nice, nice!" sagot ni Paulo at tumahimik na rin.

"Justin, ang tahimik mo ah." biglang sabi ni Josh.

"Oo nga eh, nakakapanibago. Maingay 'to kasama sa biyahe eh, anong nangyari sayo, Justin?" pang-aasar pa ni Paulo.

"Baka nahihilo, bigyan niyo ng plastic." singit ni Ken. Kahit naka-mask siya, kita pa rin yung pag-singkit ng mata niya sa pagtawa.

Nakarating na kami sa Beach Resort na tinutukoy ni Ken. Compared sa ibang napuntahan ko, sobrang laki ng resort na ito. Wala ding katao-tao, mukhang pina-reserved sa amin yung lugar.

"Any way, 2 days ang shoot. Sa unang araw, yung sa pool shoot, sa sumunod na raw, doon tayo sa may beach mismo. Sa third day, rest day na, you can do anything you want. Tapos sa Sunday ng Hapon yung schedule ng uwi natin." sabi ni Ken nung nasa Hall kami. Binigay na rin sa amin yung mga susi ng mga kwarto namin, tig-iisang kwarto kaming lahat. Katabi ng unit ko yung kay Ken, at sa tapat naman sina Paulo at Josh.

Nang makarating na kami sa mga kanya-kanya naming unit, napasalampak na lang ako sa higaan. Antok na antok pa ako. Ilang oras na lang din, magta-tanghalian na. Makaidlip na nga lang muna.

Nagising ako dahil sa katok na naririnig ko, pagbukas ko ng pintuan, sina Josh at Paulo pala.

"Mauuna na kami sa Dining Hall, ikaw na gumising kay Ken." utos sa akin ni Josh. Sasagot pa sana ako kaso bigla na nila ako tinalikuran.

Iyong dalawa na 'yon, parang may binabalak na kung anuman.

Ken's P.O.V.

Pagpasok ko sa unit ko, nag-half bath muna ako, pagkatapos non, nagtingin na ako sa mga notes ko para makita kung ano yung mga pagkakasunod-sunod ng mga gagawin sa shoot. Nag-post din ako sa IG at Twitter account ng Superior ng isang video.

Nahiga ako at hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa malalakas na katok na naririnig ko. Magbibihis pa sana ako ng pang-itaas kaso ang ingay na, gusto ko na matahimik itong ingay na naririnig ko.

"Pwede bang hinaan moㅡ" Si Justin. Si Justin yung bumungad sa akin. Nanlaki mga mata niya nang makita ako. Bigla ko naalala na wala akong pangtaas.

"Bakit ganyan mukha mo? Parang hindi mo ito nakita noon ah." pang-aasar ko ng bahagya kay Justin.

"Ang ganda ng  tattoo mo." Ilang minuto pa siya napatitig, natigil lang siya nung tinanong ko kung bakit siya kumakatok.

"Kakain na raw sa Dining Hall. Pinagising ka sa akin ni Josh. Kakain ka na ba? Pwede ko naman sabihin sa kaniㅡ"

"Mag-aayos lang ako, hintayin mo ako." sabi ko at tumango naman siya.

Sabay kaming nagpunta sa Dining Hall, nakatingin sa amin yung ibang nagtatrabaho dito sa resort, mukhang nakilala nila si Justin.

"Tagal niyo namang dalawa!" sabi ni Josh pagkatapos iabot sa amin yung pinggan.

"Sleeping handsome itong kaibigan mo eh." sagot ni Justin habang kumukuha ng pagkain. Narinig kong umubo ng bahagya si Josh. Sa mga ganong galawan ni Josh, alam kong may ibig sabihin na naman mga kilos niya.

Kumakain na kami ng lunch sa Dining Hall, magkakatabi kami nina Justin, si Paulo na kaibigan niya at si Josh. Pagkatapos naming kumain, sinabi ko na mamayang alas-kwatro kami magse-set up sa may pool area para bukas, diretso shoot na.

"Pwede ba akong tumulong sa pag-set up? May alam ako sa ganon, ayoko lang din na wala akong ginagawa masyado dito, para sulit yung pagsama ko." paalam ni Paulo sa akin.

"Sige ba, ipa-add na lang kita sa group chat namin para mabasa mo yung mga instruction." sagot ko.

Nagpunta sina Josh at Paulo sa may mga bakanteng upuan at naglaro ng mobile games. Naiwan kami rito ni Justin at ng iba pang staffs, kumakain kasi si Justin ng dessert, ako naman nagtitingin ng mga e-mails.

"Pwede rin ba ako tumulong?" paalam ni Justin.

"Baka mapagod ka, shoot mo bukas." sagot ko.

"Ayos lang. Pambawi lang din." sagot niya.

"Pambawi saan?"

"Sa nangyari nung nakaraan." sagot niya.

Ah, naalala ko na. Oo nga pala. Hindi nga pala kami nagpapansinan nung nakakaraan. Nahihiya naman ako i-reject yung offer niya, kaya um-oo na ako.

Perfect Fit | SB19 KenTinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon