Kabanata Lima

7 1 0
                                    

Ikalimang Kabanata: Oras


"Where did you go Zyr?" its tita Agnes. Hindi ko na lang siya pinansin at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Nilingon ko si Zero at tumigil ako saglit upang ipagbilin na lang siya kay nanay Mer.

"Nay, kayo na po ang bahala kay Zero. Napagod po ako at gusto ko na pong magpahinga. Doon niyo na lang po siya patulugin sa isang guest room." nakita ko ang pagtataka sa mukha ni nanay at napagtanto ko na hindi nga pala niya kilala si Zero. "Ayy, siya nga po pala si Zero. Nakilala ko po siya noong pumunta ako kanina sa dating bahay. Bukas ko na lang ikukwento sa inyo lahat magpapahinga na po ako." hindi ko na hinintay pa ang sagot ni nanay Mer at umakyat na sa taas.

"Hayaan niyo na po muna manang, ako na po ang kakausap sa kanya bukas." narinig ko pang sabi ni tita Agnes bago ako tuluyang maka-akyat sa taas.

Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na naglinis ng katawan at agad rin akong nakatulog dala ng pagod ko sa byahe at sa mga nalaman ko mula sa dati naming bahay.



Sa gitna ng mahimbing kong tulog ay naalimpungatan ako dahil sa marahang paghaplos sa aking ulo. Iminulat ko ang aking mata at nakita ko ang isang babae. Maamo ang kanyang mukha na nakangiti sa akin.

"Sorry naabala ko ba ang pagtulog mo?" napangiti ako dahil nakakahawa ang ngiti na hindi nawawala sa kanyang mga labi. Maamo ang kanyang boses na parang boses ng isang anghel.

"Pwede ko po bang matanong kung sino kayo?" nakangiting pagtugon ko sa babae at hindi ko na nagawang sagutin pa ang tanong niya kanina.

"You will know soon. Palagi mo lang aalalahanin na mahal na mahal kita, my princess." nawala ang ngiti ko at napapikit ng bigla na lamang akong nasilaw sa liwanag na tumama sa aking mukha.

Iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Irita akong lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina upang matakpan ang nakakasilaw na sinag ng araw.

"Tanghali na pala." Umupo ako sa aking kama at naalala ko ang babaeng nakita ko kanina.

"It was a dream!"

Napangiti ako ng maalala ko ang maamong mukha ng babae at ang mala-anghel na boses niya. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng panaginip at nagpapasalamat ako na hindi ito nakakatakot kagaya ng madalas kong napapanaginipan. Pero ngayon ko lang nakita ang mukha ng babaeng yun.

"Sino kaya siya?"



~~~



"WHAT?! WHERE DID HE GO?" napataas ang boses ko dahil sa nalaman ko pagkababa ko upang kumain ng tanghalian. Zero is missing!

"Zyr kumalma ka. Padating na ang tita Agnes mo, may appointment lang siya sa isa niyang kliyente ngayon. Hantayin mo na lang siya. Kumalma ka muna anak." pilit akong pinapakalma ni nanay Mer. Pinainom niya ako ng tubig at pina-upo.

"Nay, baka kung mapaano si Zero." mas kalamdo ko ng tugon pero hindi pa rin maalis sa akin ang mag-alala.

"Bakit ba siya umalis? Nay, hahanapin ko siya." agad akong tumayo at nagmamadaling kinuha ang susi ng sasakyan ko.

Pinipigilan ako ni nanay Mer at ng isa pang kasambahay pero pilit ko pa ring lumabas sa bahay. Papasakay na sana ako sa sasakyan ng biglang dumating si tita Agnes.

"Zyr, what's wrong?" agad akong pinigilan ni tita Agnes. Nanay Mer was explaining to tita what's happening and i took that chance to go inside my car. Nataranta sila tita ng makitang pinaandar ko na ang makina ng kotse at pinipilit nilang katukin ako sa loob.

"Zyrna,open the door!" nakita ko ang pagseryoso ni tita Agnes pero di pa rin ako nakinig. Pinaandar ko ang kotse pero nabigla ako ng makita ko si Zero sa harapan. Napapikit ako at kaagad kong tinapakan ang preno.

"Did I hit him?"

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nagulat ako sa nakita ko.....

"What the heck am I doing in here?" inilibot ko ang paningin ko sa paligid at hindi ako pwedeng magkamali... nandito ako sa mundo ng Legerdemeris!

Nabigla ako ng may kumalabit sa likod ko. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang matatamis na ngiti ni Charlotte— I mean Princess Charlotte.

"You're here!" tila excited na kumapit sa braso ko ang prinsesa. "Im waiting for you. Nakapag-isip ka na ba? Ano ang desisyon mo? Alam mo bang konti na lang ang oras natin? Kailangan mo na talagang malaman lahat. Pero alam mo ba namiss kita tapos—" pinigil ko ang pagsasalita niya. Ang daldal niya talaga kahit kailan.

"Im not supposed to be here. Hindi pa naman tapos ang araw, may oras pa ako mag-isip. Bakit nandito ako?" hindi ko pinansin ang mga tanong niya at binato ko rin siya ng mga katanungan ko.

"Eh bakit pumunta ka dito?" nakasimangot na tanong rin niya sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Paanong pumunta ako dito, eh bigla na nga lang akong napunta dito.

"What is happening?"

Nagtataka akong tumingin kay Charlotte at ganon din ang ginawa niya sa akin. Naputol langa ng pagtititigan namin ng may biglang nagsalita sa harap namin.

"I bring her here! We dont have time left." natulala ako ng makita kung sino ang batang nasa harap namin.

"And who are you little boy?" naeexcite na namang pahayag ni Charlotte.

Sasagutin ko na sana ang tanong ng prinsesa pero nagulat ako ng biglang lumiwanag sa pwesto ng bata.

"Oh! Zero you're here, I miss you!" biglang tumalon si Charlotte at niyakap niya si Zero. Makikita naman ang pagkainis sa mukha ng bata—binata.

Naguguluhan akong napatingin kay Zero. Its him the boy who I wanted to be my little brother. Nandito siya ngayon at nagbago ang anyo niya. ang kaninang 10 years old na Zero ay naging isang makisig na binata na siguro ay kasing edad lang namin ni Charlotte.

"By the way he is Zero, the prince of Mynea. He is my cousin." pagapapakilala ni Charlotte sa binata. Hindi ko pa rin maprocess ang nagyari at hindi pa rin ako makapaniwala. Ang daming tanong ang bumagabag sa isip ko pero hindi ko na kailangang isatinig iyom dahil nagpaliwanag na ng kusa si Zero.

"Thats my ability. I can change my physical appearance. Pinadala ako sa mundo ng mga tao upang bantayan ka." nanibago ako sa kaharap ko ngayon dahil sa hindi na siya isang bata ngunit isang makisig na binata. Namangha din ako sa kapangyarihan na meron siya.

"I will elaborate that for you later but for now we should hurry....." natigilan kami ni Charlotte dahil sa pagiging seryoso ni Zero at pagkabalisa niya. Hinintay namin ang susunod niyang sasabihin. Kinakabahan na ako sa pagbibitin niya ng salita. Nang muling bumuka ang labi niya ay natigilan ako sa sinabi niya..

"The Mynea Kingdom is under attack and the brother of the King, your dad Charlotte...H-he's dead!"



All rights reserved 2023
©IamForYouOnly

World of LegerdemerisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon